top of page
Search

IKINA-SHOCKED NG MGA FANS.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 22, 2021



ree

Ikinagulat ng mga netizens nang bigla na lang tumambad ang malaswang larawan ng isang babae na naka-mask sa Facebook page ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista nitong nakaraang Biyernes nang gabi.


Ang nasabing larawan ay naka-post sa My Day video ng nasabing official FB page ni Bistek.


It turned out na na-hack umano ang FB account ni Herbert, ayon na rin sa announcement ng isa sa kanyang staff na si Alicia Alzona.


"We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista - Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access.


“We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly,” ang post ng staff ni Bistek.

 
 

BILANG TALENT.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 21, 2021



ree

Binitiwan na ni Lolit Solis si Mark Herras na ilang taon din niyang inalagaan bilang talent. Ibinalita ito mismo ng talent manager/veteran columnist sa kanyang Instagram page kahapon.


Ayon kay 'Nay Lolit, ang GMA Artists Center na ang solong magha-handle ng career ni Mark.


“Salve, gusto ko ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras. Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya. After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya ever since,” simula ni 'Nay Lolit.


Patuloy niya, “At para na rin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA-7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya.”


Kahit hiwalay na sila bilang manager-talent ay mananatili naman daw na anak ang turing niya kay Mark.


“Iyon feeling ko kay Mark Herras na parang anak ko siya, hindi mawawala. Iyon pangaral ko sa kanya, hanggang ngayon, iyon pa rin ang gusto ko sabihin sa kanya. Ayaw ko na lang maging bahagi pa ng buhay niya ngayon,” saad ni 'Nay Lolit.


Mukhang malaki rin ang kinalaman ng desisyong ito ng talent manager sa latest controversy nila ni Mark. Matatandaang ibinunyag ni 'Nay Lolit ang pangungutang ng aktor sa kanya ng P30,000 para ipambili ng gatas ng baby nila ni Nicole Donesa.


Dahil dito, katakut-takot na pamba-bash ang inabot ni 'Nay Lolit at may mga artista pang nakisawsaw.


Sa huling bahagi ng kanyang post ay nagbigay ng mensahe ang talent manager sa mga nagtanggol kay Mark.


“At siguro, du'n sa mga nagpapakita ng malasakit sa kanya, magawan n'yo ng paraan maayos ang finances niya, career niya, at buhay niya.


“Basta starting today, OUT muna ako kay Mark Herras. 'And'yan naman ang Artists Center para alagaan siya, at sana magtagumpay sila. Good luck, wish you well Mark Herras. You're on your own now, be happy and safe.”

 
 

IKAW ARTISTA, P30K LANG, WALA PA!


ni Vinia Vivar- @Frankly Speaking | August 19, 2021


ree

Sinagot ng talent manager/veteran columnist na si Lolit Solis ang mga artista at netizens na nag-react nang hindi maganda tungkol sa pangungutang ng pera sa kanya ng alagang si Mark Herras.


Matatandaang ibinahagi ni 'Nay Lolit sa kanilang online show nina Cristy Fermin at Mr. Fu na Take It… Per Minute! Me Gano'n na nangutang sa kanya ng P30,000 si Mark para pambili ng gatas ng anak nila ni Nicole Donesa.


Ang daming naawa kay Mark at binatikos si 'Nay Lolit dahil ipinahiya raw nito ang aktor.


Isa na nga sa mga nagpahayag ng matinding reaksiyon ay ang dating TV host na si RR Enriquez. Nakiayon naman sina Dianne Medina at Alyana Asistio.


Sa kanyang Instagram page kahapon ay sumagot si 'Nay Lolit sa kanyang mga bashers.


“I refuse to get mad, Salve. Pero hindi ko pa rin palalagpasin ang kakitiran ng utak ng ilang taong nagtatanggol kay Mark Herras. Actually, natutuwa ako at meron palang followers na handa siyang ipagtanggol 'pag meron siyang napasukan na issue.


“OK, Number 1.) Sa lahat ng alaga ko, parang pamilya ang relasyon namin, nasasabi ang problema nila at para nila akong nanay. Number 2.) Hindi lang si Mark Herras ang taong nanghiram sa akin ng pera, pero never ako nagsalita. Number 3) Kung ginusto ko siraan si Mark Herras, sana inilagay ko sa IG, isinulat, at sinabi ko na sa lahat. Pero nang araw na iyon na nanghiram si Mark ng ganu'n kaliit na halaga, talagang nagalit ako dahil Mark Herras ka, wala kang ganyan kaliit na pera? 'Yung kasama ko sa bahay, merong ipon na P120K, kasambahay lang 'yun, ikaw artista, WALA?


“Galit, iritasyon at awa ang naramdaman ko. Kaya siguro nu'ng nasa Take It, Per Minute… Me Ganon!, nabanggit ko,” mahabang paliwanag ni 'Nay Lolit.


Pero inamin naman niyang na-guilty din siya dahil na isiniwalat niya ang pangungutang sa kanya ni Mark at parang hiniya nga rin niya ang alaga.


Kasunod nito ay nagbigay ng mensahe si 'Nay Lolit sa mga nakisawsaw sa issue.


“Now, du'n sa nagtatanggol sa kanya, puwede ba na huwag kayong overacting na gumagamit pa ng masasamang mga salita. Sana, mas natulungan n'yo pa si Mark Herras kung pinayuhan n'yo na sana, maging seryoso sa trabaho, maging professional, at pagbutihin ang acting para makasabay sa mga stars na naungusan na siya sa popularity kaya mas maraming assignments.


“Kung talagang mahal n'yo si Mark Herras, sana, advice na maganda ang gawin n'yong tulong sa kanya.


“Gusto ko na ngang magtaray at magsabi, mahal n'yo pala siya, sana, kayo nagbigay ng pera na kailangan niya,” mensahe ni 'Nay Lolit.


Sinabi rin ng talent manager na isa sa mga mahal niyang alaga si Mark.


“Mabait siya, walang inggit sa katawan, at laging very optimistic ang tingin sa buhay. Kulang lang siya sa competitive spirit kaya pa-easy-easy lang, na naging setback niya,” aniya.


Pakiusap niya sa mga bashers, “Sana, sa halip na awayin n'yo ako, makakita kayo ng paraan makatulong kay Mark Herras. Sa ginagawa n'yo, inilulubog n'yo pa siyang lalo. Please lang, 'yang COVID sa utak, mahirap gamutin. Iwasan n'yo. Case closed! Pathetic.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page