top of page
Search

LUIS PARA KAUSAPIN SA HIWALAYAN NILA.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 26, 2021



ree

Muli ay sumabak na naman si Star for All Seasons at Lipa City Representative Vilma Santos sa Q&A sa latest YouTube vlog ng anak niyang si Luis Manzano.


Tunay ngang napaka-supportive ni Ate Vi sa vlog ng anak dahil alam naman nating bihira siyang mag-grant ng interview since super busy din niya bilang congresswoman.


Sa latest vlog ni Luis ay isa sa mga napag-usapan nila ay ang separation ng kanyang mga magulang.


“Sa aming bagong episode ng #LuckyTV, naalala ko 'yung panahon na maghihiwalay na 'yung parents ko. Pero ano nga ba ang dahilan at paano ko nalamang maghihiwalay na sina Momski at Daddy Yow. More revelations pa with the Howhows and Momski kaya enjoy na sa panonood muli at tambay lang dito, guys,” ang caption ni Luis sa vlog.


Ayon kay Ate Vi, 4 years old si Luis nang maghiwalay sila ni Edu Manzano at kinausap daw talaga nila personally ang anak para sabihin ang bagay na ito.


“Kinausap talaga nila ako,” sey ni Luis.


Kuwento ni Ate Vi, dinala raw nila sa Libingan ng mga Bayani si Luis para kausapin dahil wala raw tao roon.


“And then, kinausap ka naming dalawa. And then kahit na 4 years old ka noon, ipinaliwanag namin kung ano ang nangyayari sa relationship namin at ipinaalam namin sa iyo na mahal ka naming dalawa,” kuwento ni Vi sa anak.


Natatandaan pa raw niya ang isinagot ni Luis sa kanila.


“Sabi lang niya sa amin, ‘It’s ok, boy need girl. Girl need boy.’ ‘Yun ang sinabi mo, anak. Talaga,” kuwento pa ni Vi.


Bagama’t hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama noon, ngayon naman daw ay napakaganda ng kanilang relasyon.


“Kami ngayon ng dad mo, napakaganda ng aming pagsasamahan. Meron din siya at maligaya siya sa kanyang buhay ngayon. And same here, 'di ba? Basta’t ang importante, we’re one family, anak,” sey ni Ate Vi.


Natanong din ang Star for All Seasons kung ano ang masasabi niya sa mga nagkakalat na gay si Luis at aniya, hindi naman daw siya apektado ng mga bashings na ganu’n.


“Wala, hindi po ako natatablan ng mga ganu’n. Hindi ako affected as a mom kasi I know you better than them. Kung alam mo ‘yung sarili mo, kahit sino pa ang mang-bash sa ‘yo, nothing to worry. Mas kilala mo ‘yung sarili mo kaysa sa kanila,” pahayag ni Ate Vi.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 25, 2021


ree

Nilinaw ni Alden Richards na hindi pa siya umaalis sa Eat… Bulaga!. Medyo matagal-tagal na kasing hindi napapanood ang aktor sa nasabing noontime show. Actually, since naging busy siya sa bago niyang seryeng The World Between Us ay hindi na siya nakapasok ulit sa EB!.


Pero walang dapat ipag-alala ang mga fans dahil sinigurado ng aktor na babalik pa siya sa EB!.


“Actually, opo, babalik po ako, huwag po silang mag-alala,” sey ng aktor sa recent mediacon ng TWBU. “It’s just that 'pag natatapos po kasi ang locked-in namin, meron lang po kaming ilang araw para magawa po ‘yung mga trabaho namin outside. Pero hindi po ganu’n kahaba kasi bumabalik po kami agad sa quarantine.


“Mahaba na po ‘yung 5 days, ganu’n lang po ‘yung break namin, because we really wanted to finish the show as much as we can.”


Nagpaalam naman daw siya sa Eat Bulaga! at nagsabi rin na after the soap ay babalik na siya sa noontime show.


Kahit pa nga magkakaroon ng season break ang TWBU for 2 months, ayon kay Alden ay naka-focus pa rin siya sa pag-i-improve ng sarili bilang paghahanda sa pagbabalik ng serye sa Nobyembre.


“Workout for self-improvement, of course, for the show muna. Gusto ko ‘yun muna ang focus ko ngayon kasi may mga naka-line-up nang projects na gagawin ko after The World Between Us but I want to give my full capacity here. Dito ko muna ibubuhos lahat,” sey ng aktor.


Mag-aaral din daw siya online for self-improvement pa rin.


“Financial literacy, business, also acting, everything is available online. It’s free education, that’s why du'n ko na niyu-utilize ngayon ‘yung time ko kesa naglalaro lang ako.


“Of course, I still allot time for gaming pero hindi na ganu'n kahaba. Mornings usually, I study,” aniya.


Tumatanda na rin daw siya at gusto raw niyang maging handa para sa mga darating pang pandemya if ever.


“Tumatanda na rin ako, I’m gonna be 30 on January which is a few months from now. So, gusto ko rin well-equipped ako so I can protect myself and my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or events alike na ganu’n. So, ready ako,” saad ni Alden.


Samantala, dahil sa enhanced community quarantine (ECQ), pansamantalang hindi mapapanood sa telebisyon ang The World Between Us pagkatapos ng season finale nito sa August 27.


Sa ilalim ng ECQ, hindi pinayagan ang produksiyon na magkaroon ng taping bilang pag-iingat na rin sa mas nakakahawang Delta at Lambda variants.


Sa second week of November na muling mapapanood ang serye.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 24, 2021



ree

Marami ang humanga kay Pacman sa ipinakita niyang humility at sportsmanship sa pagkatalo lalo na nga ang pagso-sorry niya sa ating mga kababayan for losing the fight.


Maging si Kris Aquino ay naantig ang damdamin sa interview ni Pacman. Sa kanyang Instagram post ay ipinakita rin niya ang paghanga at suporta sa ating boxing champ.

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo. No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.


“Most of all recognizing that the real fight, 'yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what I am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.


“My love and prayers are with you Mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.


“Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo, kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin, nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao,” ang post ni Kris.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page