top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 04, 2021


ree

Aminado si Dominic Roque na masayang-masaya siya ngayon sa nangyayari sa kanyang buhay. At siyempre, isa sa malalaking factors ng kanyang happiness ay ang relasyon niya kay Bea Alonzo lalo pa nga’t nag-out na sila sa publiko.


Ayon sa aktor sa kanyang guesting sa podcast ng magdyowang Khalil Ramos and Gabbi Garcia, ang sarap sa feeling na wala na sila ngayong itinatago ni Bea.


“Hindi mo na iniisip ‘yung galaw mo, ‘yung sasabihin mo, you can be yourself, ‘yun ‘yung masarap sa feeling,” sey ni Dominic.


Masayang-masaya naman sina Gabbi at Khalil para kay Dominic na matagal na pala nilang kaibigan at nasaksihan din nila ang pagsisimula ng journey ng relasyon nina Bea at Dominic.


As we all know ay kagagaling lang nina Bea at Dominic sa US at dito nga naganap ang makasaysayang pag-amin nila ng kanilang relasyon.


Ayon sa aktor ay hindi naman nila pinlanong ilihim ang kanilang affair at kumbaga ay naging right timing lang talaga ang moment na ‘yun.


“Right moment. ‘Yun nga ‘yung lagi kong sinasabi sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko is ‘yung God’s perfect time. Siguro, ito lang din ‘yung time na ibinigay sa amin para lumabas kami together, 'di ba?


“So, very thankful na ginayd (guide) kami ni Lord sa journey namin together,” ani Dominic.

Nagbahagi rin ang aktor sa nakaraang US trip nila ni Bea na aniya ay first major trip nila together.


“Medyo matagal-tagal din kaming nandu’n, 26 days, medyo mahaba-mahaba ‘yung bakasyon, sobrang saya at nakakapagod din siya kasi iba ‘yung journey na ginawa namin, ang daming pinuntahan, ang daming na-experience,” pagbabahagi pa niya sa US trip nila.


Pero ang pinakamagandang part nga raw du'n ay mas nagkakilala sila nang husto ng girlfriend.


“Ang maganda ru'n kasi, you get to know pa ‘yung mga ugali namin sa sarili namin towards (each other). So, ayun nga, enjoy at mas pinapatibay (ang relasyon),” nakangiting sabi ni Dominic at halatang super happy.


Ito rin daw ang unang pagkakataon na naging open siya sa kanyang relasyon at agree naman dito sina Khalil at Gabbi na alam din ang mga naging past relationship ng kaibigan.


“Close friends ko lang naman talaga ‘yung may alam ng past relationships ko, 'di ba? At kayo, saksi rin kayo sa past relationship ko. Ibang journey din ‘yun,” ani Dominic.


When asked kung happy siya ngayon, sagot ni Dom, “Happy! Ngayon, mas ano 'ko, siyempre, mas masaya. I can see our future together. ‘Yun ‘yun, 'di ba?”


Sey naman ni Gabbi, “Kinikilig ako!”


Patuloy ni Dominic, “Hindi kasi, siguro, ‘eto rin ‘yung ano ko, na nasa tamang edad na rin siguro ako to be like this.”


Dominic is 31 now while si Bea is turning 33 this October. And agree naman kami na nasa tamang edad na talaga sila.


So, wedding bells na kaya ang susunod na chapter? Well, that remains to be seen.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 03, 2021


ree

“I felt disrespected.”


Ito ang naramdaman ni LJ Reyes nang tanggalin ni Paolo Contis ang lahat ng mga larawan niya sa Instagram page ng aktor bago pa man pumutok ang balitang hiwalay na sila.


Sa exclusive interview ni Boy Abunda kay LJ which was released sa YouTube channel ng TV host last Wednesday night, isa nga sa mga naitanong sa aktres ay kung ano ang naramdaman niya nang alisin ni Paolo sa IG ang lahat ng larawan niya.


“Sobrang nagulat po ako du’n and I felt disrespected. Not just for myself but also for my kids,” ani LJ na kasalukuyan nang nasa New York kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer.


Pero kapansin-pansin din naman na hindi lang si LJ ang in-unfollow ni Paolo kundi lahat at 0 following na ang nakalagay sa kanyang page.


Actually, mga two weeks ago pa in-unfollow ni Paolo si LJ at dito nga nagsimulang mag-speculate ang mga tao na may nangyayaring hindi maganda sa pagitan nila. After a few days ay kinumpirma na ng manager ng aktor na si Lolit Solis na hiwalay na ang dalawa.


“Nasaktan ako, Tito Boy, na ‘yun lang ang hinihingi ko – na makaalis kami ng mga bata peacefully. Na kung gusto man niyang sabihin in public, okay lang, pero sana po, ‘yung wala na rin po kami rito (sa 'Pinas),” dagdag ni LJ.


Naitanong din ni Kuya Boy kay LJ kung nagho-hope pa ba ito na magkabalikan sila at ayon sa aktres ay hindi na raw.


“As much as I really want a complete family, ‘yung mga nangyari po, Tito Boy, hindi ko na po kakayanin na maging malapit siya sa mga anak ko. Ganu’n po kasakit ang mga nangyari, ganu’n po kahirap.


“Hindi ko lang po masabi on air, in public kung ano ‘yung mga ‘yun, pero hindi po kakayanin ng pusong nanay ko na ibalik siya sa buhay ng mga bata,” umiiyak na sabi ni LJ.


Actually, ito ang medyo malabo sa mga deklarasyon ni LJ. She kept on repeating na may mga bagay siyang nadiskubre kay Paolo at litung-lito na raw siya kung ano ang totoo sa hindi. Pero hindi nga niya masabi kung anu-ano ba ang mga ito kaya ang tanong ni Kuya Boy ay bakit hindi niya kausapin ang aktor para malaman kung ano talaga ang totoo.


“Tito Boy, ayoko po siyang makausap,” she said.


When asked why, sagot ng aktres, “Parang natatakot po akong kausapin siya. Kasi, parang pakiramdam ko, totoo ang sinasabi niya sa akin, pero Tito Boy, marami kasi akong nalaman na hindi totoo. Na natatakot ako na. . . I’m sorry if I’m gonna use this word, pero parang ma-manipulate ulit kung ano ‘yung alam ko ngayon na facts.”


Hindi raw madaling i-digest ang mga rebelasyong nalaman niya mula sa ibang tao and she knew na totoo raw ang mga impormasyong ito na again, wala siyang sinasabing detalye kung ano ang mga ito.


Sa tanong naman kung may kinalaman ba ang pera sa kanilang paghihiwalay, hindi nakasagot ang aktres at naintindihan naman ito ni Kuya Boy.


“Priority ko po ang welfare ng mga bata,” ang nasambit na lang ni LJ.


Samantala, minsan pa ay labis kaming pinahanga ni Kuya Boy sa husay ng pagkaka-interview niya kay LJ.


The actress didn’t go into details at may mga importanteng tanong siyang hindi masagot to the point na paliguy-ligoy na lang siya, pero nagawa pa rin ng TV host na itanong with utmost respect ang mga nais malaman ng mga tao.


He handled the interview so professionally but at the same time ay may malasakit at respeto sa kanyang iniinterbyu.


And for that, kudos to Kuya Boy. Siya talaga ang nag-iisang King of Talk!

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 02, 2021


ree

Pagkatapos ng mahahabang taon, finally ay nagkaayos na sina Rosanna Roces at Lorna Tolentino. Naganap ito sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano last Monday, Aug. 30, ayon na rin sa balita ni Ogie Diaz sa latest vlog nila ni Mama Loi.


Matatandaang nag-ugat ang hidwaan ng dalawang aktres maraming taon na ang nakararaan nang ma-link kay Osang ang asawa ni Lorna na si Rudy Fernandez noong nabubuhay pa ito.


Ang tagal na panahon na nga ang nakalipas kaya naman nakatutuwang malaman na okay na sila at sa kuwento nga ni Osang kay Ogie, nag-sorry na siya kay LT.


Magkatrabaho ngayon ang dalawang aktres sa FPJAP since bagong pasok nga si Osang sa serye at ayun nga, nagkita sila sa set.


"Binati na ako ni LT. Ginawa ko, niyakap ko. Tapos, sabi ko, 'Galit ka pa sa akin?' Sabi niya, 'Hindi na, ang tagal na nu'n.' Niyakap ko ulit sabay sabi ko, 'Sorry.' Naiyak ako. Sabi niya, 'Hayaan mo, nasa langit na 'yung isa,'" kuwento nga ni Osang kay Ogie sa text na binasa naman ng huli sa vlog.


Dagdag pa ni Osang, “Ang gaan sa pakiramdam, Mare. Kinawayan niya ako. Tapos umakyat ako sa standby area nila. Doon ako nag-sorry. Kahapon, magkaeksena kami pero hindi ako nakakuha ng tiyempo, kanina lang. May nai-close na naman akong pahina.”


Maging ang bida raw ng FPJAP na si Coco Martin ay natuwa sa pagkakaayos ng dalawang aktres.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page