top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 09, 2021



ree

Na-bad trip si Ruffa Gutierrez sa isang contestant ng Reina ng Tahanan sa It’s Showtime last Tuesday. Isa ang aktres sa mga judges ng nasabing segment along with Janice de Belen and Amy Perez.


Ikinaimbiyerna ni Ruffa na malamang hindi sinusuportahan ng contestant na si Marilyn Lagsa ang kanyang mga anak na may sampung taon nang nakatira sa kanyang ina.


On-air kasi ay nakiusap ang ina ni Marilyn na magbigay naman siya ng sustento sa kanyang mga anak dahil pandemic ngayon at hindi sila nakakapagtinda ng buko salad.


“Wala po kaming masyadong kinikita. Ang kinikita po namin, pang-ulam, bigas, pang-araw-araw na budget,” ang umiiyak na sabi ng ina ni Marilyn.


Dahil sa awa nina Vice Ganda at Kim Chiu sa ina ng contestant ay nag-pledge sila na tulungan ito.


Si Vice ay magpapadala ng bigas habang si Kim naman ay tatlong buwang groceries ang pledge.


Nang mahingan na ng comment si Ruffa, talagang hindi niya napigil ang sarili at tinalakan ang contestant.


“Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs. na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo,” litanya ni Ruffa sa contestant.


Pinangaralan din niya ito at sinabihang kunin na ang mga anak sa nanay nito.


“Alagaan mo sila kasi anak mo sila, eh. Hindi naman sila anak ng nanay mo. Okay lang na magbigay ka ng anak sa nanay na mayaman. Pero ‘yung nanay mo, nakikita mo, hirap na hirap na siya. So, please take care of your kids at kunin mo na sila,” payo ni Ruffa.


At dahil naawa rin ang tatlong judges sa nanay ng contestant ay nag-pledge din sila ng ayuda rito.


Sa sobrang pagkaimbiyerna ay nag-tweet pa si Ruffa habang ongoing ang show.


“Nakaka-BAD TRIP. Love your children. Nurture them, care for them, DO NOT ABANDON THEM,” ang tweet ni Ruffa.


Maging ang mga netizens ay nagulat sa pagtataray ni Ruffa pero agree naman sila.


“Na-highblood talaga si Lady @iloveruffag kay Reinanay #2 and I totally agree with Ms. Ruffa’s comments to the contestant. Napatigil kami sa lunch namin at napatingin na lang sa TV,” komento ng isang netizen.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 08, 2021



ree

Nagsisimula pa lang si Julia Barretto sa showbiz noon ay lagi na siyang naikukumpara sa kanyang Tita Claudine Barretto lalo na pagdating sa pag-arte. Halos magkapareho raw kasi ng istilo ang dalawa at noon pa nga ay sinasabing siya ang nagmana sa kahusayan ng tiyahin sa pag-arte.


Pero ayon kay Julia, nag-iisa lang ang kanyang Tita Claudine at magkaiba raw sila pagdating sa pag-arte.


“Napakahusay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about it, I have always been a fan of her and of her works and of her projects and I really look up to her growing up as an actress.


“Pero again, siguro, when it comes to our craft, iba, we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte. Iba talaga siya,” pahayag ni Julia sa virtual mediacon ng bago niyang teleserye sa TV5 na 'Di Na Muli.


Pero aniya ay itina-try naman niya lagi ang kanyang best para maging isang mahusay na aktres din.


“I try my best every day, every time I’m given the opportunity, and I always try to be at my best and perform and deliver and I just want to make everybody around me proud and everybody who trusts me with a project proud and I think that’s always been the goal- to help breathe life into the character that I’m given,” pahayag ng aktres.


Sa 'Di Na Muli ay ginagampanan ni Julia ang papel na Yanna Aguinaldo, isang babaeng may abilidad na makita ang life span ng isang tao kapag hinahawakan niya ang kamay ng mga ito.


Excited si Julia dahil kakaiba raw ang kuwento nito kaya naman tinanggap niya agad bukod pa nga sa ito ang pagbabalik niya sa primetime after Ngayon at Kailanman in 2019.


Isa pang ikinae-excite ni Julia ay once-a-week drama ito (every Saturday) at para lang daw Korean drama na inaabangan every week ang bagong episode.


Produced by TV5 and Viva Productions, magsisimula na sa Sept. 18 ang 'Di Na Muli. Kasama rin dito ni Julia sina Marco Gumabao, Marco Gallo and Angelu de Leon.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 05, 2021



ree

IpinagtanggoL ni Sen. Manny Pacquiao ang asawang si Jinkee sa mga pamba-bash na nararanasan nito ngayon dahil sa pagpo-post ng mga mamahaling items na gamit nito tulad ng damit, bag at sapatos.


Matatandaang ang huli ngang pinag-usapang post ni Jinkee ay ang OOTD (outfit of the day) nito sa nakaraang laban ni Pacman na umabot daw sa mahigit P2 M.


Na-bash nang husto si Jinkee ng mga netizens at sinabihang insensitive dahil nga sa napakaraming naghihirap na kababayan niya ngayon.


Sa panayam sa One News PH ay nahingan si Pacman ng reaksiyon tungkol dito at depensa ng boxing champ, hard-earned money niya ang kanilang ipinambibili.


“'Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang ‘yan pero hindi naman masyadong mahal ang mga isinusuot niya. At ‘yan namang pera na ‘yan, dugo at pawis, hard-earned money ko.


“Hindi ‘yan ninakaw sa gobyerno, hindi ‘yan ninakaw du’n sa mga tao, kundi pinaghirapan ko ‘yan, pinaghirapan namin,” paliwanag ni Sen. Pacquiao.


He added, “Kung anumang meron kami, dream namin ‘yun, sakripisyo, dugo at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya.”


Paliwanag pa niya, hindi raw sila mga plastic na tao.


“Kung magsusuot kami ng pang-mahirap, eh, magiging plastic din kami. Sasabihin, ang style ng mga trapong politician lalo pagdating ng eleksiyon, magsusuot ng kung puwede lang, punit-punit ‘yung damit para sabihing mahirap, eh, ‘di ba?


“Hindi kami ganu’n, eh. Hindi kami marunong makipagplastikan,” he said.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page