top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 12, 2021



ree

Hindi nagustuhan ni Angel Locsin ang ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagsermon sa grupo ng mga doktor sa ginanap na Inter Agency Task Force (IATF) pandemic meeting held last Sept. 7.


Kumalat last Friday ang leaked video mula sa naturang virtual meeting at dito ay makikitang galit na galit si Roque sa mga doktor, partikular na nga kay Dr. Maricar Limpin na siyang presidente ng Philippine College of Physicians.


Ayon sa report, sa naturang meeting ay nakikiusap ang mga doktor na huwag munang ibalik sa GCQ ang Metro Manila at nag-suggest na magkaroon ng two-week hard lockdown dahil nga sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases.


Pero tila minasama ni Roque ang suggestion at nagtaas na ng boses na siya ngang makikita sa leaked video.


“We are employing an entire government approach to the problem, not sit there as if you are the only ones right. We’re trying to achieve total health. Who wants COVID to kill people?


“Are you saying that only medical frontliners are concerned about the health of the people? We all want to save lives, for crying out loud! No one in government wants a single life lost! No one!” ang galit na galit na sabi ni Roque sa video.


Idiniin din niyang wala na raw sinabing maganda ang grupo ng mga doktor hinggil sa pagresponde ng gobyerno sa pandemya.


Marami ang bumatikos sa inasal ni Roque at isa na nga si Angel sa mga nagbigay ng opinyon sa kanyang ipinost na Instagram Story.


“Naiintindihan ko ‘yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit sinermunan ‘yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?


“‘Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba si DOH o employer ng medical workers?


“Ang employee, may karapatan na benefits. Ibigay kaya muna ‘yung benefits na hindi pa nababayaran,” ang pahayag ni Angel.


As we all know ay isa ang aktres sa mga nagmamalasakit sa ating mga health workers noon pa man. Madalas siyang magbigay ng tulong sa mga ito at lagi niyang pinupuri ang kabayanihang nagagawa ng mga ito sa ating bansa sa gitna ng pandemya.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 11, 2021


ree

“I felt relieved.”


Ito raw ang naging statement ni Paolo Contis matapos ang kanyang pagsasalita sa issue ng hiwalayan nila ni LJ Reyes at pag-amin sa kanyang mga pagkakamali.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang nakausap niya si Paolo matapos nga ang paglalabas nito ng mga paglilinaw at paghingi ng tawad sa kanyang Instagram page noong Miyerkules nang gabi.


Ayon kay Ogie ay tinanong niya raw si Paolo kung ano ang nararamdaman nito ngayon.

“Sabi niya sa akin, ‘I felt relieved kasi alam kong may kasalanan ako at sinabi ko ang kasalanan ko. Tao lang naman ako, Mama Ogs. Nagkakamali ako. Sinadya man ito o hindi, nagkamali ako,’” pagbabahagi ni Ogie.


Pinuri rin niya ang aktor sa ginawa nitong pag-amin sa kasalanan dahil bihira raw sa lalaki ang gumagawa nito, especially kung may pinoprotektahang career.


“Eh, si Paolo Contis, walang pakialam sa kanyang career. Kung ito mang pagsasalita niya, eh, makasira sa kanyang career at ma-turn-off sa kanya ang mga fans,” sey pa ni Ogie.


Of course ay may mga tao pa rin daw na galit kina Paolo at Yen Santos, na itinuturo ngang third party, pero opinyon na raw ito ng mga tao.


“Importante lang, tingin din tayo sa salamin, tingnan natin kung malinis ba ang mukha natin. Wala ba tayong uling? Wala ba tayong sariling baho? Or nagkataon lang na artista si Paolo, si Yen, si LJ, kaya subject to public opinion sila,” saad pa ni Ogie.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 10, 2021



ree

Matapos humingi ng patawad si Paolo Contis sa dating karelasyong si LJ Reyes at linawin ang ilang mga controversies sa kanyang Instagram page last Wednesday night, kahapon ay naglabas naman ng reaksiyon ang kanyang manager na si Lolit Solis.


Ayon kay ‘Nay Lolit, humingi na raw ng apology si Paolo at hayaan nang langit ang magpasya sa mga pagkakamaling nagawa ng aktor.


“Dahil siguro birthday ni Mama Mary kahapon, Salve, kaya inspired humingi ng apology mga tao sa pagkakamali nila. Daanin ko na lang sa smile iyon apology nina Papa Digong at Paolo Contis.


“Sana nga tanggapin ng mga taong sa palagay nila affected ng mga pangyayari. Ang dami ng drama ng buhay natin, huwag na natin dagdagan pa. Admitted na nila ang kakulangan nagawa nila, ok na, go on with life.


“Kung may nagawa silang mali, hayaan ng langit ang magpasya, sabi nga, please forgive us for our sins, as we forgive those who trespass against us.


“Now, kung ayaw n’yo pa rin tanggapin, ok na rin, tuloy lang ang buhay. It will not stop your life, as well as it won't stop theirs,” ang post ni ‘Nay Lolit sa kanyang IG.


Bilang manager ay parang anak na rin ang turing ni ‘Nay Lolit kay Paolo kaya naman hindi namin siya masisi na ipagtanggol ang aktor sa sunud-sunod na pamba-bash na natatanggap nito.


Pero dahil nga sa pagtatanggol niya sa kanyang ‘anak’ ay siya naman ang napagbuntunan ng mga bashers and haters. Kaya naman sa post ni Paolo last Wednesday ay nakiusap siyang tigilan na ang pamba-bash sa kanyang manager.


“Pease stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo, ‘di ba? Hindi n’yo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin ‘pag kami lang ang nag-uusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry ‘Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni ‘Nay Cristy (Fermin),” bahagi ng post ni Paolo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page