top of page
Search

ni Lolet Abania | December 5, 2021



Simula sa Lunes, Disyembre 6, muling ipapatupad ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang truck ban sa mga sakop na pangunahing kalsada ng lungsod sa partikular na oras kada araw, mula Lunes hanggang Sabado.


Sa ulat, ang truck ban hours ay ipapatupad mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.


Kabilang sa sakop ng ban ang mga pangunahing kalsada at kalye gaya ng McArthur Highway, M.H. del Pilar Street, Governor Santiago Road, P. Santiago Street, Paso de Blas, Maysan Road, General P. De Leon, East Service Road mula Karuhatan up to NLEX, Que Grande, A. Mariano, Tatalong Ugong, Sapang Bakaw, General Luis, at Galas Bignay Exit.


Samantala, ang truck ban hours naman mula Bisig Road hanggang Tagalag Road ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng hapon.


Batay pa sa city ordinance, bawal ang mga truck na may timbang o bigat na 4,500 kilograms at pataas.

 
 

ni Lolet Abania | November 15, 2021



Sumiklab ang sunog sa isang junk shop na imbakan ng mga plastik sa Valenzuela City ngayong Lunes ng umaga.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Valenzuela, nagsimula ang sunog bandang alas-10:00 ng umaga sa Rubber Master Road sa Barangay Lingunan na umabot sa ikatlong alarma bago magtanghali.


Sa ngayon, puno pa rin ng makakapal na usok na lumabas mula sa junk shop.


Hirap naman ang mga bumbero sa pagkuha ng tubig para maapula ang apoy.


Wala nang ibinigay na iba pang detalye ang BFP hinggil sa sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page