top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2021


ree

Pahirapan ang pagbabakuna sa mga senior citizens dahil umano sa "hesitancy", ayon kay Secretary Carlito Galvez, Jr.. Ani Galvez sa weekly Cabinet meeting, "Mr. President, ang talagang medyo challenge natin, sa mga senior citizens.


Nakita natin na hindi umaangat ang first dose natin... dahil sa some sort of hesitancy sa ating mga A2."


Ayon sa datos ng pamahalaan, nasa 2,616,273 pa lamang ang mga fully vaccinated nang mga senior citizens at sa kabuuang bilang ay umabot na sa 9,115,963 ang mga Pinoy na nakakumpleto na ng bakuna habang 11,747,581 naman ang nakatanggap na ng first dose.


Samantala, ayon kay Galvez, sa kabila ng pag-aalangan, plano pa rin ng pamahalaan na maipamahagi ang 5 million doses ng bakuna sa mga senior citizens.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021


ree

May 5,560,029 Pinoy na ang fully vaccinated laban sa COVID-19, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, habang umabot naman sa 10,866,238 ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.


Pahayag ni NTF Against Covid-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr., “We are now past the crawl and walk stages, as we gradually run towards our goal of inoculating half a million Filipinos per day this quarter. This is a preview of better things to come in the remaining six months of 2021.


“Despite the inclement weather, our implementing units have remained resilient and are committed to inoculating more Filipinos. We are grateful to all frontliners in the government and the private sector who continue to serve the public despite the many challenges we continue to face.”


Samantala, patuloy na nananawagan si Galvez sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.


Saad ni Galvez, “The best way to stop and limit the spread of the Delta variant, along with getting the vaccine, is diligently complying with minimum public health standards – mask, hugas, iwas. If possible, put on double masks. We need to be more conscious because the virus continues to mutate. Kailangang mas paigtingin pa natin ang ating pagprotekta sa ating mga sarili.”

 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2021


ree

Nakapagtala ng pinakamataas na daily output ang bansa sa pag-administer ng mahigit sa 375,000 doses ng COVID-19 vaccines kahapon.


Sa isang tweet, ayon sa National Task Force Against COVID-19, umabot sa 375,059 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga mamamayan nitong July 13. “We are starting to get closer to our goal of 500,000 jabs a day and if we are able to do that, we will be able to reach our 70% target population. That’s around 70 million Filipinos to have their first dose in about 130 days,” ani Department of Health Secretary Francisco Duque III sa isang pre-SONA forum.


“Hopefully, another two, three months to complete the second dose for the same population of 70 million Filipinos and by then, hopefully, we shall have reached our herd immunity,” dagdag ng kalihim.


Sinabi pa ni Duque na sa ngayon, nasa kabuuang 14 milyong doses ng bakuna ang na-administer ng pamahalaan. Tinatayang 10 milyon indibidwal ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang nasa 4 milyon ang nakakumpleto ng dalawang shots.


Samantala, dumating ang dagdag na 1 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese firm ngayong umaga. Ang iba pang vaccine brands na inaasahang dumating ngayong buwan ay Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, at Johnson & Johnson.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page