top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | August 20, 2021



Nagbitiw bilang trainer ng Philippine women's national volleyball team ang decorated mentor na si Tai Bundit.


Kinumpirma ito ni Philippine National Volleyball Federation(PNVF) national team commission chairman Tony Boy Liao noong Miyerkules ng gabi. Ayon kay Liao, nagbitiw ang Thai coach sa kanyang puwesto upang makapiling ang kanyang pamilya na nasa Bangkok.


Sa pinakahuling balita sa Thailand mayroon ng mahigit 20,128 kaso ng COVID-19 at nag- average na 21,784 noong nakaraang linggo. At ang sitwasyong malayo siya sa kanyang pamilya ang naging dahilan para magbitiw si Bundit. “Yes, he gave me his resignation letter last August 15. Coach Tai cited family reasons because he won’t be able to concentrate to coach the national team with the rising cases in Thailand,” ani Liao. “Coach Tai’s kids are still young with one still in high school while the twins are still in grade school,” dagdag nito.


Ayon pa kay Liao, ngayong araw na ito (Biyernes) ang pagbalik ni Bundit sa Thailand. “He already tested negative in the RT-PCR test. He is leaving for Thailand tomorrow,” wika pa ni Liao. Wala ring kasiguruhan kung babalik pa ang Thai mentor para muling mag-coach sa Creamline sa second conference ng PVL sa Oktubre. “He won’t be able to coach Creamline as well for the possible second conference. He will wait for things to clear up in Thailand,” sabi ni Liao.


Ginabayan ni Bundit ang Cool Smashers sa runner-up finish sa katatapos na 2021 PVL Open Conference para sa unang season ng kauna-unahang women's professional volleyball league sa bansa.

 
 

ni VA - @Sports | August 14, 2021



Nagsanib-puwersa ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat upang pangunahan ang Chery Tiggo sa pagposte ng come from behind na 23-25, 20-25, 25-21-25, 25-23, 15-8,panalo kontra Creamline upang tanghaling unang kampeon ng kauna-unahang women's professional volleyball league ng bansa kahapon sa pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.


Naitala din ng Crossovers ang unang panalo ng isang koponan sa kabuuan ng bubble tournament na nakabalik at nanalo mula sa dalawang sets na pagkakaiwan. Sa fifth set, inunahan nila ang Creamline,5-0 hanggang umabot ng 9-2 at hindi na nakahabol pa ang Cool Smashers. Si Santiago rin na siyang tinanghal na finals MVP ang sumelyo ng kanilang panalo sa ikapitong sunod nilang laro sa bubble mula noong Sabado.


"Naglaro kami with God, naniwala kami na nariyan siya, kahit anong gawin namin sinusubaybayan kami. Hindi ko alam kung gaano kasaya ang tagal na naming hindi nakatuntong sa championship, dati magkalaban at nakuha rin namin hawak kamay ang laban," naiiyak sa tuwa ni Jaja Santiago.


"Sobrang saya kasi ang daming pinagdaanan, thank you Lord, sa pamilya ko, salamat na sumusuporta sa akin. Laging positive sila sa akin, lahat ng hirap ng pinagdaanan ko nawawala kapag nakikita ko sa sila. Biggest challenge ko iyong araw-araw na laro, kung paano makakarekober, sobrang disiplina kailangan at mai-perform ang 100 percent everyday," ayon naman sa halos maputol na ang pagsasalita sa magkahalong iyak at tuwa na sabi ng kapatid niyang si Dindin Santiago.


Itinanghal na Best Setter si Jia Morado ng Cool Smashers, Best Outside Spikers sina Alyssa Valdez, Myla Pablo habang sina Best Middle blockers ay sina Ria Meneses at Jaja Santiago; Best Opposite spiker ay si Kat Tolentino; ang Best Libero ay si Kath Arado at ang Most Valuable Player of the Conference at final MVP ay si Jaja Santiago.

 
 

ni VA - @Sports | August 08, 2021




Hahataw na ngayong hapon ang semifinal round ng propesyunal na ngayong Premier Volleyball League Open Conference sa Bacarra, Ilocos Norte. Nakatakdang magtuos sa unang laro ang Creamline at PetroGazz ganap na alas-2:00 ng hapon habang magsasagupa naman sa tampok na laro para sa isa pang semis pairings ang Choco Mucho at Cherry Tiggo ganap na ìka-5:00 ng hapon sa PCV Socio Civic Cultural Center. Kahit tinalo ng Cool Smashers sa loob ng 4 sets noong elimination,nakahanda ang Angels at gigil na makabawi upang magwagi sa kanilang best-of-three series. Hangad na maging unang kampeon ng una rìng professional volleyball league ng bansa ,inaasahang magiging dikdikan ang laban ng apat na mga koponang mag-aagawan sa dalawang finals berths. “We’re always ready and it’s a good thing that coach Tai (Bundit) is back as well as Pangs (Panaga),” pahayag ni Alyssa Valdez, na tinutuloy ang kanilang Thai mentor at na injured na middle blocker. “Our mindset going to the semis is we have to play our game since this is more on mental as well as physical. Hopefully, mabigyan naming ng magandang laro ang kalaban,” dagdag nito.

“Our challenge is all about execution although there’s also the physical factor,” ayon naman kay Petro Gazz coach Arnold Laniog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page