top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | January 31, 2022





Isinama na sina Alyssa Valdez at Jia Morado sa national women's volleyball training pool na maghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa buwan ng Mayo.


Bukod kina Valdez at Morado, isinama rin sa pool sina Jasmine Nabor, Ces Molina at Kath Arado. Inilagay din sa listahan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sina Casiey Dongallo at Gelai Gajero na naglaro para sa California Academy of Antipolo sa nakaraang PNVF Champions League. Pinalitan nina Valdez sina UAAP stars Faith Nisperos, Eya Laure, Mhicaela Belen, Ivy Lacsina, Kamille Cal, Jennifer Nierva, Alyssa Solomon, Imee Hernandez at Bernadette Pepito na hindi makakalaro dahil sa conflict sa schedule ng UAAP sa SEAGames. Makakasama nila ang mga dati ng miyembro ng national pool na sina Kalei Mau, Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat, Mylene Paat, Jema Galanza, Kat Tolentino, Kianna Dy, Iris Tolenada, Deanna Wong, Dell Palomata, Ria Meneses, Aby Marano at Dawn Macandili.


Nawala naman sa koponan matapos lumaro sa nakaraang Asian Women's Club Championship sa Thailand sina middle blocker Majoy Baron, MJ Phillips, Tin Tiamzon at Angel Cayuna gayundin ang beterana ng nakaraang tatlong SEAGames na si Rhea Dimaculangan.


Pinili ang mga bagong miyembro ng pool nina Brazilian Jorge Edson Souza de Brito, isang FIVB-appointed volleyball na naatasang pamahalaan ang women’s national team program at ng national head coach na si Odjie Mamon.


Samantala, nangunguna sa 20-member ng men's national team ang mga kasalukuyang naglalaro sa mga torneo sa ibang bansa na sina , Marck Espejo, Bryan Bagunas at Jau Umandal. Kasama nilang pinili ni head coach Dante Alinsunurin ang iba pang miyembro ng 2019 SEAGames silver medalist squad na sina John Vic De Guzman, Mark Alfafara, Kim Malabunga, Rex Intal, Francis Saura, Jessie Lopez, Joshua Retamar, Ish Polvorosa, Jack Kalingking at Ricky Marcos.


Bahagi rin ng pool sina Ysay Marasigan, Manuel Sumanguid, Kim Dayandante, Joeven Dela Vega, Nico Almendras at Lloyd Josafat. Samantala, kabilang sa beach volleyball pool na nasa ilalim ni coach Paul Jan Doloiras sina 30th SEAGames bronze medalist Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Dji Rodriguez kasama sina Jovelyn Gonzaga, Nene Bautista, Genesa Jane Eslapor, Jozza Mae Cabalsa at Baby Love Barbon.


Binubuo ang men’s beach volleyball pool na nasa ilalim ng paggabay ni head coach Rovyl Verayo sina Jaron Requinton, Krung Arbastro, Jude Garcia, James Buytrago, Ranran Abdilla, Philip Michael Bagalay, Pol Gringo Salvador at Jeffer Guerrero.


 
 

ni VA / MC - @Sports | January 29, 2022





Bilang pangako, prayoridad pa rin ni volleyball phenom Alyssa Valdez ang laro at double time siya sa ngayon sa ensayo bago ang pagsapit ng bagong season ng Premier Volleyball League (PVL).


Umabot ng halos isang buwan si Valdez o huling quarter ng taong 2021 sa loob ng “Pinoy Big Brother” house si Valdez at tinitiyak niya sa fans na hindi siya mawawala sa upcoming season ng PVL.


Sa isang podcast interview ni Migs Bustos, sinabi ni Valdez na lumalarga na siya ngayon sa kanyang workout kasama ang iba pang teammates sa Creamline Cool Smashers.


“I've been actually working out kasi malapit naman po talaga sa priority ko talaga ay ang makapaglaro ng volleyball,” paliwanag ni Valdez.


“Yun ang ginagawa ko ngayon, nagwo-workout talaga. Nagdo-double time talaga para makahabol sa mga naiwan ko dito sa labas, lalo na 'yung team Creamline.”


Kakarekober pa lang din si Valdez sa COVID-19 at nakuha ang virus makaraang lumabas sa "Pinoy Big Brother” house.


Agad naman siyang nagpasabi ng intensiyon na magbabalik sa paglalaro ng volleyball sa isang Kumu livestream kasama si beauty queen Samantha Bernardo, isa sa kanyang co-housemates sa "Pinoy Big Brother."


"To everyone who's asking, na nagtatanong kung maglalaro po ako this coming season, definitely. At talagang maglalaro po ako," saad ni Valdez.


Natulungan ni Valdez ang Creamline na magtapos sa runner-up finish noong 2021 PVL Open Conference sa Ilocos Norte nang matalo sila sa Jaja Santiago-powered Chery Tiggo Crossovers sa isang makapigil-hiningang finals series.


 
 

ni VA - @Sports | January 28, 2022





Magsasagawa ang Premier Volleyball League (PVL) ng isa na namang bubble tournament sa pagdaraos nila ng 2022 Open Conference.


Ayon kay PVL commissioner Tonyboy Liao, isasagawa nila ang season-opening tournament sa pagkakataong ito sa Timog Katagalugan sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa City, Batangas sa susunod na buwan.


Katunayan, nakatakda na silang magsagawa ng inspeksiyon sa venue maging ang tutuluyan ng mga players, coaches at team officials ng lahat ng mga koponang kalahok. Naunang gumamit ang PVL-ang kauna-unahang professional women's volleyball league sa bansa ng bubble format sa Bacarra, Ilocos Norte noong nakaraang taon.


By next week, (PVL president) Ricky Palou will drop by there. They will look for a nearby hotel.


Once it’s done, they will talk with the LGU (local government unit),” ani Liao. “For Lipa, we will also seek permission from the IATF (Inter-Agency Task Force), which GAB (Games and Amusement Board) supporting us with. Once we get that, we’ll stay there.”The start of the league will be moved because it is so close already. We might open it in the first week of March.” Una nang binalak ng PVL na magdaos ng torneo sa Splendido Hotel sa Tagaytay City. Ngunit hindi nila ito itinuloy dahil masyadong matigas ang practice court sa Tagaytay Royale na maaaring magdulot ng panganib sa mga players. “The flooring in the practice court is too hard to play on when you add the taraflex,” ayon kay Liao.“It’s not suitable for volleyball since they might get injured.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page