top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | March 11, 2022



Sisimulan ng Chery Tiggo ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagsagupa nila sa Cignal HD Spikers sa tampok na laro ngayon sa opening ng 2022 PVL Open Conference sa Paco Arena sa Manila.


Ganap na 6 p.m. ang pagtutuos ng Chery Tiggo Crossovers at ng Cignal HD Spikers kasunod ng pambungad na laro ng alas-3 ng hapon kung saan nakatakdang i-welcome ng Philippine Army sa kauna-unahang women's professional volleyball league ng bansa ang koponan ng F2 Logistics.

Hindi makalalaro para sa Crossovers ang kanilang ace spiker na si Jaja Santiago dahil kasalukuyan itong naglalaro sa Japan V-League. Kaya naman sasandigan nila upang pamunuan ang koponan sina Dindin Manabat at Mylene Paat na kagagaling pa lang sa paglalaro sa Volleyball Thailand League bilang imports.

Aabangan ng lahat si Paat na natatanging Filipino player na nagkamit ng individual award sa paglalaro nito sa ibang bansa. Pinarangalan siya sa pinanggalingang Thai League bilang Best Scorer.


Makakatapat naman nila sa Cignal sina Ces Molina, Jerrili Malabanan, Graze Bombita, Marist Layug, Glaudine Troncoso at PVL best middle blocker Ria Meneses.


Nakatakda namang iparada ng Champions League titlist Cargo Movers ang solido nilang core na pinangungunahan nina team captain Aby Maraño, Kianna Dy at mga bagong recruits na sina Dzi Gervacio at Shola Alvarez. Pangungunahan ang katapat nilang Lady Troopers ng mga beteranong sina Ging Balse-Pabayo at Jovelyn Gonzaga.

 
 

Pni VA / MC - @Sports | March 8, 2022




Nasungkit nina Dindin Santiago-Manabat, Mylene Paat at kanilang team Nakhonratchasima VC ang bronze medal sa Volleyball Thailand League kung saan ginapi nila ang Konkhaen Star para sa third place match, 25-18, 25-23, 21-25, 25-14 noong Linggo.


Itinanghal si Paat na top scorer ng liga at ipinagdiwang niya ito sa kanyang Instagram post at unang pinasalamatan ang Diyos, ang team at ang liga. "Napakabuti mo Panginoon."


Binati naman ng Chery Tiggo, ang club sa Premier Volleyball league nina Paat at Manabat dito sa bansa. Kasunod ng pagbibigay update ni team manager Ronwaldo Dimaculangan sa PVL website na ang dalawa ay maglalaro sa 'Pinas sa kanilang upcoming season.

Samantala, pinalawig pa ni Jaja Santiago at ng kanyang Saitama Ageo Medics squad ang kanilang winning streak sa apat nang walisin ang Kurobe Aqua Fairies, 25-14, 25-18, 25-19 noong Linggo sa Japan V.League.

Nakapaglista ang Pinay reinforcement ng 11 points, 5 attacks at 6 blocks upang ihatid ang Ageo sa 15-8 kartada. Ang kanyang teammate na si Yuka Sato ay may 9 attacks at 3 aces habang si Tisheirra Lorenne ay may eight attacks at 2 blocks.

Kabilang sa panalo nila noong Sabado kontra Victorina Himeji. Muling sasalang ang Ageo sa laro sa Miyerkules laban sa NEC Red Rockets. Kanselado naman ang laro ng FC Tokyo ni Marck Espejo at Oita Miyoshi ni Bryan Bagunas.

 
 

ni VA - @Sports | March 1, 2022



Nakatakdang lumahok ang national women's boxing team sa prestihiyosong Thailand Open International Boxing Tournament na gaganapin sa Abril 1-10 sa Phuket.


Pangungunahan ni Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio ang pito-kataong koponan na sasabak sa torneo. Nagwagi ng gold medal sa featherweight category noong huling idaos ang torneo noong 2019, hindi idedepensa ni Petecio ang featherweight title dahil sa pagkakataong ito ay sa lightweight siya sasabak.


Ang iba pang miyembro na sasabak ay sina Josie Gabuco (light flyweight), Irish Magno at Aira Villegas (flyweight), Riza Pasuit (featherweight), Maricel Dela Torre (lightweight) at Hergie Bacyadan (middleweight).


Kasama ng koponan na lalahok sa Thailand Open ang iba pang miyembro ng national team sa isasagawang training camp sa Marso 23 - 30. Ang Thailand Open ay magsisilbing tuneup tournament para sa mga Filipina boxers na lalahok sa International Boxing Association Women's World Championships, SEA Games sa Mayo at Asian Games sa Setyembre.


Ayon kay Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) women's head coach Reynaldo Galido ,talagang hangad nilang makasali sa Thailand Open. "Malaking bagay talaga sa amin ang maka-join kami sa Thailand Open. Ito lang kasi ang tune-up tournament natin bago ang Vietnam SEA Games (It's a big thing for us to be able to join the Thailand Open. This is our only tune-up tournament before the Vietnam SEA Games)," ani Galido, dating gold medalist noong 1994 Asian Games.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page