top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 17, 2022



Tagumpay ang F2 Logistics sa kauna-unahan nitong laro sa professional ranks makaraang padapain ang Black Mamba-Army, 25-15, 25-18, 21-25, 25-22 kahapon sa pagbubukas ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Paco Arena sa Manila.


Umiskor si Kim Kianna Dy ng 20 puntos na kinabibilangan ng 15 attacks, 4 na blocks at isang ace gayundin ng game winning hit upang pamunuan ang nasabing panalo ng Cargo Movers. Unang set pa lamang ay nagdomina na ang F2 Logistics sa pangunguna nina Dy at Ara Galang. Nagtuluy-tuloy ito hanggang second set at nagbanta pang ganap na walisin ang laro. Subalit pumalag ang Army sa pamumuno ni Honey Royce Tubino at naipuwersa ang fourth set makaraang angkinin ang third, 25-21. Hihirit pa sana ng decider ang Black Mamba pero pinigil na sila ng Cargo Movers at tinapos na ang laro sa fourth frame.


Dalawa pang manlalaro ni coach Ramil de Jesus ang kumamada ng double digit sa katauhan nina Galang at Majoy Baron na nagposte ng 11 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod habang solo namang nag double figure sa Army si Tubino na may 18 hits.


Hindi naglaro para sa Black Mamba ang kanilang mga beteranong sina Jovelyn Gonzaga at Nene Ybañez na parehas miyembro ng national beach volleyball pool na nagsasanay sa Australia. Mga laro ngayon Paco Arena Sports and Events Center 3:00 pm Petro Gazz vs. Balipure; 6:00 pm Creamline vs. PLDT

 
 

ni VA - @Sports | March 16, 2022



Ihahatid ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang isang world-class volleyball action sa Hunyo - ang 2022 FIVB Volleyball Nations League’s (VNL) men at women pool matches sa Smart Araneta Coliseum.


Simula sa Abril ay maari nang makabili ng tiket para sa week 2 ng top-level women's preliminary round para sa lalaruin sa Hunyo 14 -19. Matapos ang isang araw, ang Week 2 ng men's pool matches ay sisimulan naman sa Hunyo 21 - 26.


Inaasahang mapupuno ng ng fans ang Big Dome kasabay ng pagluwag sa health and safety protocols sa Metro Manila. Pinasalamatan ng PNVF ang FIVB sa pagbibigay ng pagkakataon sa Pilipinas na mai-host ang VNL sa unang pagkakataon mula noong 2018.


We anticipate the return of world-class volleyball action in the country and we’re confident that with pandemic waning, the fans will enjoy the matches,” ayon kay PNVF President Ramon “Tats” Suzara sa isang virtual presscon kahapon. May halagang P2,000 ang tiket sa courtside seats, P1,500 sa Patron A, P1,000 sa Patron B, P500 sa Lower Box, P200 sa Upper Box at P100 sar General Admission.


Ang 3-time VNL champion at Tokyo Olympics gold medalist na United States ang una sa women's pool kasama ang reigning Asian champion Japan, Southeast Asian queen Thailand, China, Poland, Belarus at Canada. Ang Tokyo Olympics gold medalist France ang una sa men's side at susubukin sila ng fan favorite Japan, Slovenia, Argentina, Italy, Germany at The Netherlands.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 15, 2022




Nangunguna ang mga beteranang manlalaro na sina Afril Bernardino at Janine Pontejos sa listahan ng 17-player Gilas Pilipinas Women para sa 31st Hanoi Southeast Asian Games sa Mayo 12- 23.

Ang listahan ay isinumite ni Gilas Women head coach Patrick Aquino sa Philippine Olympic Committee (POC) noong Sabado.

Kasama ng dalawa sa listahan sina Clare Castro, Chack Cabinbin, Andrea Tongco, Gemma Miranda Angel Surada, Kristine Cayabyab, Khate Castillo, Camille Clarin, Karl Ann Pingol, Katrina Guytingco, Monique del Carmen, Gabi Bade, Ella Fajardo, Monique del Carmen, Malia Bambrick at Mai-loni Henson.

Wala sa listahan si Gilas women star center na si Jack Animam dahil nagpapagaling pa ito ng kanyang injury sa tuhod na nakuha niya habang naglalaro sa koponan ng Radnicki Kragujevac sa First Women's Basketball League sa Serbia.


Handa na rin ang Gilas team sa 5-on-5 sa SEAG na dedepensa ng korona. Una si six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, snipers Matthew Wright, Robert Bolick nt Kevin Alas. Maglalaro rin sa national team sina big men Poy Erram, Mo Tautuaa, Isaac Go, Roger Pogoy, Troy Rosario at Kib Montalbo, gayundin sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Will Navarro, Lebron Lopez at ang 6-foot-7 Fil-American na si Caelum Harris mula Stewarts Creek High School sa Tennessee, US.


Nakatakda munang tapusin ng national team ang PBA Governors Cup bago magsanay at makapaghanda para sa biennial meet na ilang edisyon ng pinaghaharian ng bansa kabilang ang 2019 Manila meet kung saan nagsama-sama ang grupo ng PBA players para sa gold medal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page