top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 22, 2022



Matapos matalisod sa second set,winalis ng Petro Gazz Angels ang huling dalawang sets,25-22,19-25, 25-22, 25-18 upang maigupo ang PLDT Power Hitters at umangat sa liderato ng Group B na may 2-0 marka kahapon sa 2022 PVL Open Conference sa Paco Arena.

Nagposte ng 13 puntos si dating UP Lady spiker Nicole Tiamzon na kinabibilangan ng 12 hits upang pamunuan ang nasabing panalo ng Angels na nagsadlak sa PLDT sa ikalawang sunod nitong kabiguan upang manatiling undefeated sa Pool B sa 2-0 kabuntot ang Creamline Cool Smashers sa 1-0 na kasalukuyang kalaban ang Balipure Water Defenders sa ikalawang laro.

"Noong first set ok naman yung performance namin, pero 'yung mga service errors, 'yung mga dapat di pumupuntos sa'min yun 'yung tumaas nu'ng second set,tapos nawalan kami ng first ball," ani Tiamzon kung bakit nasingitan sila sa second frame. "Going to third and fourth set, nag adjust kami,ibinalik namin yung first ball para maka-atake at ma-distribute 'yung bola ng maayos," dagdag nito.

Sumalo naman ng 15 excellent digs at 3 excellent receptions si Bangs Pineda, habang may 9 pts si Aiza Pontillas at 10 excellent digs, samantalang may 20 excellent sets si Rhea Saet. Dalawa pang manlalaro ng Angels ang tumapos na may double figure sa katauhan nina MJ Philips at Jonah Sabete na may 11 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nauwi naman sa wala ang game high 17 puntos ni Christine Joy Soyud na kinabibilangan ng 12 hits, 3 blocks at 2 aces dahil bigo siyang maisalba ang High Speed Hitters. Nag-ambag naman ng 10 pts si Dell Palomata, at 8 pts kay Mika Reyes. May 23 excellent sets si Rhea Dimaculangan, habang may 35 excellent digs si Kath Arado at 13 kay Chin Basas ngunit kinapos. Mga laro ngayon Paco Arena- 3 pm Choco Mucho vs. Cignal; 6 pm Army vs. Chery Tiggo.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 21, 2022



Pinataob ng Cignal ang dating namumunong F2 Logistics ,25-14, 25-21, 19-25, 25-19 para sa ikalawang sunod nilang panalo sa 2022 PVL Open Conference kahapon sa Paco Arena sa Manila.


Mainit ang naging simula ng HD Spikers na kumamada ng 7-1 sa first set na naging daan sa kanilang panalo na sinundan pa ng 10-1 panimula sa second upang maiposte ang 2-0 bentahe sa laro. Ngunit di naman agad sumuko ang Cargo Movers at nakapuwersa pa ng fourth set makaraang itala ang 13-3 pagtapos sa third set.


Nagtala ng tig-13 puntos sina Ces Molina at Rachel Ann Daquis habang nagdagdag ng 12 puntos si Ria Meneses upang pangunahan ang nasabing panalo ng HD Spikers. Sa kabilang dako, nanguna naman para sa Cargo Movers na bumagsak sa markang 2-1, panalo-talo si Tin Tiamzon na nagtapos na may 15 puntos kasunod si Kim Dy na may 11 puntos at Abby Maraño na may 10 puntos.


Talagang tinapangan lang namin at kung anong ginagawa ng first six ginagawa rin ng second six. Masasabi naming tapang lang talaga, lalo na nung mas nasaktan sa amin, kaya sa lahat ng aspeto na ginagawa namin kailangan ng double effort lalo na kung yung game namin ay dikitan. Dapat i-master at pagtibayin pa para tuloy tuloy ang panalo,” wika ni Cignal HD setter Gel Cayuna, matapos ang laro na may 18 excellent sets at 7pts kabilang ang 3 service aces.


Dahil sa panalo, nangingibabaw ngayon ang Cignal sa Pool A taglay ang markang 2-0 habang nalasap naman ng Cargo Movers ang unang pagkatalo sa 2-1 kartada, kung saan pinagbidahan sila ni Tim Tiamzon sa 15 pts, na may 17 excellent digs, at 5 excellent reception. Nagbigay din ng 11pts si Kim Kianna Dy at 10pts kay Abby Marano, samantalang may 26 excellent digs at 9 excellent reception si Dawn Macandili.

 
 

ni VA - @Sports | March 18, 2022



Sa halip na maresolba, tila mas lumalaki pa ang gusot sa pagitan ng pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Association’s (PATAFA) at ni Filipino Olympian pole vaulter EJ Obiena.

Ito'y makaraang maghain ng contempt ang apat na Senador sa pangunguna ni Senadora Pia Cayetano kontra sa PATAFA board dahil umano sa paglabag ng mga ito sa utos ng Senate Committee on Sports na ayusin ang gulo nila ng Asian record holder na si Obiena sa pamamagitan ng mediation na ikinasa ng Philippine Sports Commission (PSC). "In compliance with the requirements of Section 18 of the Senate Rules, several colleagues have co-signed my motion. They include Senate President Vicente Sotto III, Senator Francis Tolentino, and Senator Panfilo Lacson," saad ni Cayetano sa inilabas nitong statement.

Hindi nakalahok si Obiena sa World Indoor Championships sa Serbia kahit pa nag-qualify sya sa torneo dahil sa away nila ng PATAFA. Hindi siya inindorso ng PATAFA sa World Indoors sa Belgrade maging sa mga susunod pa nilang nakahanay na sasalihang international tournaments ngayong taon na kinabibilangan ng Vietnam SEA Games sa Mayo, World Championships sa Oregon sa Hulyo, at Asian Games sa Hangzhou ,sa Setyembre.


Ayon kay Cayetano, sa isinagawa nilang Senate hearing noong na nakaraang buwan, nagpakita si Obiena ng mga dokumento na nabayaran na ang suweldo ng kanyang coach na si Vitaly Petrov na kinumpirma naman ng huli. "Obiena did admit to delays in sending the payments, which he attributed to the difficulties he encountered in handling the funds, such as the conversion of Philippine pesos to Euros, as well as the late transfer of his training funds," ayon sa Senadora. Ngunit hindi umano ito tinanggap ng PATAFA na nagpahayag pa umano ng pagdududa sa authenticity ng liquidation reports ni Obiena.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page