top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | April 7, 2022




Nakuha sa dikdikan ang panalo ng Creamline Cool Smasher hanggang dulo ng set 4 laban sa Petro Gazz Angels, 25-16, 23-25, 25-12, 32-30, sa Game One ng 2022 Premier Volleyball League finals kagabi sa dinumog na SM Mall of Asia Arena.


Nang ilagay ni Jonah Sabete ang Angels sa matchpoints, hindi pumayag si Alyssa Valdez at tumarak ito ng spike kasunod ng isa pang ace ni Tots Carlos para itarak ang scores sa 24-all sa 4th set.

Nabigo man si Jia De Guzman na makuha ang bola sa net, muling umiskor si Valdez. Isang off-the-block ang binanatan nito para sa 25. Nakakuha ng tsansa si Nicole Tiamzon sa opening at bigyan ng laman ang Petro Gazz, pero ipinatas ni Jema Galanza uli ang iskor.

Sa unang laro, lumapit ang Choco Mucho sa target na third place finish makaraang pataubin ang Cignal HD, 25-17, 25-21, 21-25, 25-22. Nagtala ng game high 23 puntos si Kat Tolentino na sinundan ng 11 puntos ni Isa Molde upang pamunuan ang nasabing panalo ng Flying Titans sa Game 1 ng sarili nilang battle for third place series.


Samantala, nakuha ng PLDT ang 5th place finish kasunod ng panalo sa five-set 25-21, 21-25, 25-17, 28-30, 15-8 laban sa F2 Logistics para sa 5th-6th classification phase sa PVL sa FilOil Flying V Centre noong Martes ng gabi. Bumida si Fiola Ceballos, nang tumapos ng 18 puntos, kasama ang 26 excellent digs at seven excellent receptions habang si Chin Basas ay dumagdag ng 18 marka.

Nagawa pang makalaman ng High Speed Hitters sa 6 puntos sa 5th frame, 13-7 mula sa ace ni Rhea Dimaculangan. Pero si Kianna Dy ang tumapat sa PLDT para sa match point at makaiskor para sa patuloy na mabuhay ang kampanya ng Cargo Movers.Isa pang attack error ni Dy ang nagpatapos sa match.

“Satisfied naman kasi from one and a half month kami nag training at least nakita na namin yung potential ng team namin,” ayon kay head coach George Pascua makaraang manalo.

Samantala, nakabangon buhat sa kinasadlakang dalawang sunod na kabiguan ang University of Perpetual matapos gapiin ang Arellano University, 87-70.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | April 6, 2022




Nailusot ng Balipure Water Defenders ang unang panalo sa komperensya nang silatin ang Chery Tiggo Crossovers sa bisa ng 15-25, 25-20, 18-25, 25-22 at 15-7, kahapon sa classification matches ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan City.


Nagtapos sa double digit sina Bernadette Flora sa 14 pts. Marian Buitre ng 13 pts, Janine Marciano sa 11 pts, at tig-10pts sina Genevieve Casugod at Norielle Ipac.


Magkagayunman, nasa 9th place classification ang Water Defenders , Chery Tiggo sa 8th place at Black Mamba Army Lady Troopers sa 7th place. Maglalaban sa 6th at 5th place ang F2 Logistics at PLDT High Speed Hitters kagabi.

Samantala, lamang ang talento, skills at crowd ang Creamline ngunit di ito alintana ng Petro Gazz na sasabak bilang underdog sa title series ng 2022 PVL Open Conference ngayong gabi sa MOA Arena. “We will prepare hard, we will try our best,” ani Petro Gazz coach Jerry Yee, nang gapiin ang paboritong Cignal HD Spikers sa Final 4 round na pumigil sa naunang inaasahang salpukan ng mga unbeaten teams sa finals. Ganap na 6 p.m. ang Game 1 best-of-three title series. Magsasalpukan ng Cignal HD at Choco Mucho para sa third place ng 3 p.m.

Creamline is intact, strong and has the chemistry,” ayon kay Yee na tinutukoy ang firepower na taglay ng Cool Smashers na sina Tots Carlos, Alyssa Valdez at Jema Galanza. “If (setter) Jia (De Guzman) gets active in the middle, ‘masakit sa ulo.So I see no advantage (for us).

Tatangkain naman ng Creamline na makopo ang ika-4 na PVL crown at maging ikalawang pro- champion ng liga kasunod ng Chery Tiggo. Sa ikatlong titular showdown, tatangkain ng Angels na masundan ang tagumpay noong 2019 Reinforced Conference na posibleng pagsimulan ng rivalry. “Masaya, masarap kung rivalry, it will be an honor to be labeled as Creamline’s rival. It’s a compliment,” ani Yee na sasandig sa mga beteranong sina Myla Pablo, Grethcel Soltones, Aiza Pontillas, MJ Phillips, Jonah Sabete, Nicole Tiamzon, Seth Rodriguez, Djanel Cheng, Remy Palma, liberos Shiela Pineda ,Cienne Cruz at setter Chie Saet.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | April 4, 2022



Muling nakausad sa championship round ang Creamline Cool Smashers matapos pabagsakin ang utol na Choco Mucho Flying Titans sa bisa ng 3-to-1 sets sa iskor na 23-25, 25-19, 25-18 at 25-15 sa uminit na laban sa Game 2 ng best-of-three semifinal series sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa a Mall of Asia Arena kahapon sa Pasay City.



Nagtulong-tulong ang three-headed monster ng Creamline na sina Tots Carlos, Jema Galanza at Alyssa Valdez para pangunahan ang atake ng koponan. Humataw ng 18 puntos (16 attacks, 1 block, 1 ace) si Galanza kasama ang 15 excellent digs na naging mabisang sandata ng Cool Smashers sa mga importanteng atake, habang pinangunahan ni Carlos ang puntusan sa 23 (19pts, 3 ace, 1 block), gayundin ang 5 excellent receptions ni Valdez sa 17pts. May 14pts ang Flying Titans kay Kat Tolentino at 13 pts kay Des Cheng na nabigong makapasok muli ng finals sa ikalawang sunod na pagkakataon kontra Cool Smashers.

Nag-training lang kami ng mabuti at binasa namin yung kalaban at yung tiwala ko sa sarili ko kase last game medyo off, pero ngayon sabi ko babawi talaga ako at saka gusto kong pumasok kami sa finals,” wika ni Jema Galanza sa post-game interview sa kanya. “Kapag nakikita ko yung teammates ko na masaya na andun yung tiwala nila sa akin na nabibigay ko talaga yung lahat. Tingin ko pinag-aralan nila kami at talagang malakas ang Choco Mucho at mga bata pa.”

Samantala, ang lakas ng laro ni Dindin Santiago-Manabat para sa Chery Tiggo ang tumalo sa Black Mamba Army sa five-set war. Ginapi ng Crossovers sa two-set lead at nanlusaw sa fifth set para kunin ang 25-15, 25-20, 20-25, 23-25, 15-12 win sa classification phase. Nakagawa si Santiago-Manabat ng 32 points, 26 kills, three aces at three blocks. Dumagdag si Mylene Paat ng 22 points para sa kabuuang 64 kills ng Crossovers sa game. Ang panalo sa BaliPure sa Martes at makatitiyak ng 7th place para sa Crossovers.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page