top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA / Delle Primo - @Sports | May 13, 2022



Naiposte ng National University (NU) ang ika-4 na sunod nilang panalo matapos igupo ang University of the East (UE) kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 84 women's volleybaĺl tournament sa Mall of Asia Arena.


Dinomina ng Lady Bulldogs ang Lady Warriors para maiposte ang 25-11, 25-20, 25-13 na panalo para manatilìng walang talo na nagsadlak sa Lady Warriors sa kabaligtarang 0-4 na kartada.


"Every team na makakalaban namin, nagpe-prepare kami nang maayos," ani NU Coach Karl Dimaculangan pagkaraang talunin ang dati niyang team.


Si Dimaculangan ang coach ng Lady Warriors noong Season 81 at 82 bago lumipat ng NU. Pinangunahan ni Sheena Toring ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 13 puntos mula sa 8 kills, 3 aces at isang block. Gaya ni Toring, tumapos ding may 13 puntos si Ivy Lacsina na kinabibilangan ng 12 hits na sinundan ni Michaela Belen na may 11 puntos, 11 ring digs at 8 excellent receptions.

Samantala, sa ikalawang laro, nakapagtala na ng unang panalo ang Ateneo de Manila University nang walisin ang Far Eastern University (FEU). Nakadagit agad ang Blue Eagles ng three-game slide 25-16, 25-14, 25-14 kontra sa Tamaraws.


Nanggaling ang FEU sa five-set win kontra University of the East, pero hindi nakaporma sa Ateneo. Lagpak sila sa 1-3 win-loss sa torneo, parehong record ng Lady Eagles.


"We're happy na nasa win column na kami," ayon kay Ateneo Coach Oliver Almadro. "I am really happy with what my players did. They responded right away sa challenge ko sa kanila yesterday, and they challenged themselves also."


 
 

ni VA - @Sports | May 11, 2022



May pagkakataon na ang mga NBA teams na makita nang personal at malapitan ang Filipino draft hopeful na si Kai Sotto bago isagawa ang 2022 NBA Draft.


Ayon kay Adam Zagoria ng New York Times, may nakatakdang "dozen workouts with NBA teams" para kay Sotto simula sa Mayo 23.

Sa mga nakaraang mock drafts , nananatiling wala sa top 60 si Sotto kaya naman inaasahang magpapakitang-gilas ito para sa kanyang pangarap na maging unang

homegrown Filipino na makapasok ng NBA.


Nagpakita ng solidong performance ang 7-foot-3 center sa nagdaang season ng National Basketball League (NBL)-Australia para sa koponan ng Adelaide 36ers matapos magtala ng averages na 7.6 puntos, 4.5 rebounds at 0.7 blocks sa loob ng 15.2 minuto at 23 laro.


Sinabi ng agent ni Sotto na si Joel Bell na makukuha sa draft si Sotto.


 
 

ni VA/MC - @Sports | April 29, 2022



Matapos ang season game sa Australia National Basketball League (NBL), naniniwala si Filipino center Kai Sotto na handa na siyang sumabak sa NBA.


Sinabi ng 19-anyos na si Sotto kahapon na kabilang na siya sa 2022 NBA Rookie Draft. "I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray for and support me during my quest to fulfill my ultimate dream," saad ni Sotto sa Instagram post kung saan nagpasalamat din siya sa team ng Adelaide 36ers.


Wala sa listahan ang Pinoy teenager bilang entry candidates na inilabas ng NBA noong Miyerkules, pero awtomatiko siyang eligible sa draft.


Makikipagsapalaran si Sotto matapos ang 23-game stint sa Adelaide NBL, kung saan siya may average na 7.32 points, 4.36 rebounds, at 0.68 block sa 15.2 minutes per game.


Kung mada-draft, si Sotto ay magiging ikalawang straight 36er na mapipili. Na-draft ng Oklahoma City Thunder si guard Josh Giddey at sixth overall sa 2021 NBA Rookie Draft matapos ang mahusay na laro sa Adelaide kung saan siya itinanghal na NBL Rookie of the Year.


Sa ngayon ay may dalawang NBA players na may lahing Filipino sa katauhan nina Jordan Clarkson ng Utah at Jalen Green ng Houston. Ang 2022 NBA Rookie Draft ay gaganapin sa Hunyo 23 sa Barclays Center sa Brooklyn.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page