top of page
Search

ni VA - @Sports | October 17, 2022



ree

Nanguna si rookie center Kacey Dela Rosa para sa Ateneo nang padapain nito ang University of the Philippines, 67-61, upang makabalik sa win column ng UAAP Season 85 women's basketball tournament sa MOA Arena kahapon.


Produkto ng Chiang Kai Shek, nagtala si De la Rosa ng 30 puntos, 20 rebounds, at 7 blocks upang pamunuan ang Blue Eagles sa pag-ahon sa kinasadlakang 3-game losing streak at umangat sa rekord na 2-3 sa team standings.


Nagposte naman ng triple double 11 puntos, 11 rebounds at 10 assists bukod pa sa 3 steals bilang katuwang ni De La Rosa sa pamumuno ng beteranang si Jhazmin Joson sa superb triple-double 11 points at 11 rebounds.


Nanguna naman sa natalong UP si Kaye Pesquera na may 16 puntos. Ang triple-double ni Joson ang una sa UAAP women's basketball mula noong 2017 nang magposte si Ria Nabalan ng National University ng 12 puntos, 10 rebounds at 10 assists sa kanilang 76-56 na panalo kontra Far Eastern University.


Nauna rito, tumabla ang University of Santo Tomas sa ikalawang puwesto matapos durugin ang University of the East, 107-44.

Nagsimulang kumalas ang Tigresses sa second quarter matapos magsalansan ng 34 puntos at limitahan ang Lady Warriors sa 7 puntos.


Dahil sa panalo, umangat sila sa markang 4-1, panalo-talo katabla ng De La Salle University sa ikalawang puwesto. "I just told the girls na medyo tight sila noong first quarter," ani UST coach Haydee Ong. "We let UE score 15 points and we only scored 18 points. Our defense started noong second quarter, and medyo nahirapan ang UE."


Nanatiling walang analog ang UE matapos ang 5 laro.


 
 

ni VA - @Sports | October 16, 2022



ree

Tuloy pa rin ang pamamayagpag ng 6-time defending women's champion National University matapos iposte ang kanilang ika-101 panalo kahapon sa pamamagitan ng paggapi sa Adamson University,100-66, kahapon sa UAAP Season 85 women’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Limang manlalaro ng Lady Bulldogs sa pangunguna ni Tin Cayabyab ang umiskor ng 19 puntos, 8 rebounds at 3 steals. “Tin Cayabyab, I’ve been missing her for four games already.


Good thing maganda ‘yung start niya and ‘yung teammates niya looking for her para mabuhay ‘yung kumpyansa niya,” wika ni Lady Bulldogs coach Aris Dimaunahan.

Ang iba pang kakampi ni Cayabyab na nagtala ng double digit ay sina Karl Ann Pingol na tumapos ding may 19 puntos, Angel Surada na may 12 puntos at 10 rebounds at sina Camille Clarin at Princess Fabruada na may tig-10 puntos.

Dahil sa panalo, umangat ang NU sa barahang 5-0 habang bumaba ang Lady Falcons sa rekord na 2-3.

Nauwi naman sa wala ang game high 28 puntos ni Lady Falcon Dindy Medina dahil bigo syang isalba ang kanilang koponan sa pagkatalo.


Sa unang laro, naitala ng De La Salle University ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang Far Eastern University, 65-58.

Dahil sa panalo, umangat ang Lady Archers sa kartadang 4-1, panalo-talo habang ibinaba nila ang Lady Tamaraws sa kabaligtarang 1-4 na marka.

Namuno sa panalo si Fina Niantcho na nagtala ng double-double 16 puntos, 19 rebounds, 2 steals at isang block kasunod si Charmine Torres na may 16 puntos at 8 rebounds.

 
 

ni VA - @Sports | October 14, 2022



ree

Hindi pa tapos ang pagtatala ng rekord at kasaysayan sa aklat ng basketball partikular sa women's division at collegiate ranks ang National University (NU) women's basketball team.


Noong Miyerkules ng hapon, nakamit ng Lady Bulldogs ang kanilang ika-100 sunod na panalo nang kanilang padapain ang University of the Philippines Fighting Maroons, 79-44 sa pagpapatuloy ng UAAP Season 85 women's basketball tournament sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion sa Manila.

Matapos mabigo sa Game 3 ng Season 76 finals noong 2013, nagsunud-sunod na ang tagumpay ng Lady Bulldogs at literal na dinomina ang liga na pinatutunayan ng nakamit nilang 6 na sunod na kampeonato.

At noon ngang Miyerkules ng hapon, pinalawig nila ang kanilang record unbeaten run sa UAAP hanggang 100 games.


Ayon sa bagong Lady Bulldogs coach na si Aris Dimaunahan, iniaalay nila at ibinabahagi ang tagumpay sa mga taong nagsimula at nagtala ng nasabing rekord partikular si dating NU Lady Bulldogs coach Patrick Aquino na siyang may akda ng unang 96 na panalo. at mga manlalarong gaya nina Afril Bernardino, Jack Animam, Trixie Antiquiera, Monique del Carmen, Rhena Itesi, Gemma Miranda, Kaye Pingol at Tin Abriam. Those guys started all of this and we are honoring them by playing hard every day, practicing well every day,”ayon pa kay Dimaunahan. “We hope to continue what they started.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page