top of page
Search

ni VA/GA @Sports | March 27, 2023



ree

Determinado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabawi ang gold medal sa men’s basketball ng Southeast Asian Games mula sa koponan ng Indonesia na tumapos sa 52-game winning run at sa paghahari ng mga Pinoy sa rehiyon noong nakaraang 31st SEAGames sa Vietnam.


Ito ang misyon ng Pilipinas sa 32nd SEAG na gaganapin sa Phnom Penh sa Mayo “That moment is upon us, and we’re not leaving any stone unturned in our overall bid to regain basketball glory in our region," ani SBP president Al Panlilio.


Kaugnay nito, nagsumite ang SBP ng 28-man national pool sa 5-on-5 basketball para sa kanilang Entry By Name (EBN) list sa Philippine Olympic Committee. Nangunguna sa nasabing listahan sina 6-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Roger Pogoy at naturalized Filipino Justin Brownlee. Tanging sina Fajardo at Pogoy lamang ang natira mula sa 2021 lineup kung kaya pawang baguhang ang 26 pang isinama sa 5-on-5 Gilas pool.


Kabilang na rito ang mga bagong mukha na sina Mikey Williams, Jeremiah Gray, ang magkapatid na Michael at Ben Phillips, Mason Amos, Jerom Lastimosa, Brandon Rosser, Deschon Winston at AJ Edu. Ang iba pang kasama sa pool ay sina CJ Perez, Chris Ross, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Christian Standhardiger, Stanley Pringle Jr, Calvin Oftana, JP Erram, Mikey Williams, Chris Newsome, Raymond Almazan, Norman Aaron Black, Arvin Tolentino, Kevin Alas at Kevin Quiambao. Magsisilbing head coach nila si Chot Reyes. Sa men’s 3×3 na gagabayan ni coach Lester del Rosario, kabilang sa pool sina Angelo Kouame, Almond Vosotros, Samboy De Leon, Brandon Bates, Jorey Napoles, Lervin Flores, Joseph Eriobu, Jeff Manday, Alfred Batino at Joseph Sedurifa. Sa 5-on-5 Gilas Women team na nakatakdang ipagtanggol ang gold medal, nasa pool ni headcoach Patrick Aquino sina Jack Animam, Afril Bernardino, Stefanie Berberabe Mai Loni Henson. Kasama rin nila ang mga beteranang sina Sofia Roman, Mikka Cacho, Clare Castro, Chack Cabinbin, Khate Castillo, Camille Clarin, Monique Allison Del Carmen, Ella Fajardo, Katrina Guytingco, Andrea Tongco, Janine Pontejos, Tin Cayabyab, Ann Pingol, Jhazmin Joson, at Angel Surada.


 
 

ni VA - @Sports | March 21, 2023



ree

Itinanghal ang mga Cebuanong sina Karen Andrea Manayon at Matthew Justine Hermosa bilang elite champions ng National Aquathlon Open and Super Tri Kids Championships na idinaos sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Cebu noong Linggo.

Tinapos ng tubong Talisay na si Manayon ang 500m (swim) at 1.5km (run) race sa loob ng 17 minuto at 36 na segundo.

"I was not expecting to win but I have to do the work," wika ni Manayon. "I'm not really confident in swimming. I was having second thoughts so I gave it all in running."


Si Manayon ay bronze medalist sa sprint distance ng National Age Group Triathlon Series na ginanap sa Subic Bay noong nakaraang Enero.

Nangibabaw naman si Hermosa sa men's side matapos maorasan ng 15 minuto at 36 na segundo.

Nagtapos siyang pangalawa sa men's side ng nakaraang National Age Group Triathlon series kasunod ng nagkampeong si Filipino-Spanish Fernando Jose Casares.

Samantala, nagsipagwagi naman sina Dayshaun Ramos at Moira Frances Gabrielle Erediano sa junior elite category ng torneong inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at magkakatulong na itinaguyod ng Asian Centre for Insulation Philippines, Inc., Standard Insurance at ng Philippine Sports Commission.

Naorasan si Ramos ng 15:54 habang nagtala naman ng 19.54 ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang mga nanalo ay sina Darell Johnson at Sinagtala Cuevas (Youth 13-15); Pio Mishael Latonio at Maria Isabella Raagas (11-12); Julio Luis Malaluan at Jovie Yzelle Calisog (9-10); Richard Navo III and Athena Masadao (7-8) at Brisbane Ledesma (boys 6 years old and under).

 
 

ni VA @Sports | March 14, 2023



ree

Tinapos ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa third leg ng FIG Artistic Gymnastics World Cup Series na may double gold nang maghari rin ito sa vault finals sa pagtatapos ng kompetisyon noong Linggo sa Baku, Azerbaijan.

Sumandig sa nakuha nyang momentum mula sa pagkapanalo ng gold sa parallel bars noong Sabado, nagtala ng iskor na 14.933 si Yulo upang mangibabaw sa 8-man field at angkinin ang gold medal sa vault finals.

.

Tumapos namang pangalawa sa kanya si Great Britain gymnast Harry Hepworth na nagtala ng 14.816 puntos para sa silver kasunod si Shek Wait Hung ng Hong Kong na inuwi ang bronze sa naiposte nitong 17.716 puntos. Bumagsak naman sa ika-4 na puwesto ang top qualifier na si Mahdi Olfati ng na makaiskor ng 14.399 puntos. Kung susumahin, impresibo ang ipinakitang performances ni Yulo sa unang tatlong legs ng World Cup Series at ang katatapos na Baku leg ang maituturing na pinakamahusay.

Sa ngayon ay mayroon ng natipon si Yulo na tatlong golds, isang silver at dalawang bronzes sa ginaganap na World Cup Series. Magkakaroon ng pagkakataong magpahinga si Yulo bago muling sumabak sa fourth at huling leg ng series na idaraos sa Abril 27-30 sa Cairo, Egypt.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page