top of page
Search

ni MC / VA @Sports | July 7, 2023



ree

Laro ngayong Biyernes

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

11 a.m. – Poland vs Brazil

3 p.m. – Slovenia vs Italy

7 p.m. – Japan vs The Netherlands

Ibinuhos ng Brazil ang ngitngit na ganti sa Netherlands sa bisa ng 25-21, 25-15, 25-20 win para umangat sa team standings sa Volleyball Nations League (VNL) men’s tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Habang mabigat ang loob sa pagkatalo sa krusyal na Week 3 opener noong Martes laban sa Italy, nakaresbak ang Brazilians sa madaliang pagdispatsa sa Dutch sa loob lang ng 72 minuto at iangat ang record sa 7-3, ikatlong puwesto sa likod ng unbeaten Japan (9-0) at United States (8-1).


Pinatahimik ng Brazil, ang world No. 3 at ang 2021 VNL champion si Dutch ace Nimir Abdel-Aziz, ang world’s top-ranked spiker, na masipag sa kanyang mga atake para sa 23-25, 20-25, 25-15, 21-25 na pagkasawi sa Italy, 2 araw ang nakaraan.


May tig-10 puntos sina Henrique Honorato at Lucas Saatkamp habang si Ricardo Lucarelli Souza at Alan Souza ay may tig-9 bilang Brazilian quartet combo katuwang si world’s best setter Bruno Mossa Rezende na may 10 puntos kada set.


“We tried to limit their strong attackers. They have the best (opposite) spiker in the world in Nimir and we made a great job blocking him. That was the main thing in this win,” ani Rezende, ang team captain ng Brazil.


At nagawa nga ng Brazil na makuha ang unang panalo sa Philippine leg ng VNL na inorganisa ng International Volleyball Federation (FIVB).


Si Abdel-Aziz, matapos ang 24-point eruption sa 25-22, 25-22, 17-25, 25-18 win kontra Canada noong Miyerkules ay may 8 puntos lang sa Netherlands. Sasagupa ang Brazil ngayon kontra world No. 1 Poland na nasa No. 4 spot sa final preliminary leg ng VNL.

 
 

ni VA @Sports | July 6, 2023



ree

Dahil sa kanyang taas na 7-foot-3,may malaking tsansa si Kai Sotto na maging unang purong Filipino na makapasok at makalaro sa National Basketball Association (NBA).


Kasalukuyan ng nasa Orlando si Sotto at nagsimula ng masama ng koponan ng Magic para sa NBA Summer League na magsisimula sa Biyernes sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Inanunsiyo ng Magic sa kanilang social media post ang pagdating ni Sotto sa kanilang training facility sa AdventHealth Training Centre kasama ng mga rookies na sina Anthony Black at Jett Howard —ang kanilang 6th at 11th choices sa nakaraang Annual Rookie Kung makakapagpakita ng magandang performance, malaki ang tsansa ni Sotto na makapaglaro sa NBA.


Magsisimula ang kampanya ng Magic kontra Detroit Pistons sa Hulyo 8. Susunod nilang makakalaban ay ang Indiana Pacers sa Hulyo 10, ang New York Knicks sa Hulyo 12 at Portland Trail Blazers sa Hulyo 13.


Ayon kay Orlando head coach Jamahl Mosley, higit niyang tinitingnan maliban sa skills ang ugali at asal ng player. “Don’t try to do things that you’re not capable of doing. Do what you’re best capable of doing. And I think the more you try to do something you’re not, the more you get exposed. So just enjoy the journey. Enjoy the process, but be a sponge every single day,” ani Mosley. “They’re just soaking everything up that the coaches are teaching, and the coaches are doing a phenomenal job of breaking down things to the slowest level that it can be. So, they’re able to adjust to the game the right way," dagdag pa nito

 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 30, 2023



ree

Dadalhin ni Jaja Santiago ang kanyang karanasan at kahusayan sa JT Marvelous sa Japan V.League dala-dala ang ibang numero upang ipagpatuloy ang paglalaro sa labas ng bansa bilang premyadong middle blocker.


Inanunsiyo ng V.League division 1 ang pagkuha nila sa serbisyo ng 27-anyos mula Tanza, Cavite matapos ang ilang taon sa Saitama Ageo Medics na tinulungan niyang makakuha ng second seed sa regular season para sa 24-9 kartada, subalit kinapos sa round-robin semifinals nitong nagdaang season para sa 4th place finish.


I think this season will be an exciting and challenging year,” pahayag ni Santiago sa inilabas na statement sa kanilang website. “I will do my best to work together with my new teammates and show the best performance.”


Minsang hinirang na two-time Best middle blocker ang 6-foot-5 defender na naging laman ng balita na muling magbabalik sa Premier Volleyball League sa koponan ng Chery Tiggo Crossovers matapos mapabilang sa official line-up ng koponan sa 2023 Invitational Conference.


Tumapos sa 5th place ang JT Marvelous noong nagdaang regular season, matapos kapusin sa Top 4, para umabante sa playoffs patungong kampeonato. Nagsimulang maglaro sa Japan ang dating National University Lady Bulldogs standout noong 2018 para sa Aego Medics at dito na rin nakilala ang kanyang nobyo na si Japanese women’s assistant coach Taka Minowa, na na-engage sa kanya noong isang taon.


Huling beses kinatawan ni Santiago ang Pilipinas sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam, kung saan tumapos sila sa ikaapat na puwesto, habang naglaro ito sa Premier Volleyball League (PVL) noong 2021 Open Conference para tulungan ang Chery Tiggo na makuha ang unang kampeonato sa liga katulong ang kapatid na si Dindin Santiago-Manabat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page