top of page
Search

ni Anthony E. Servinio / VA @Sports | July 29, 2023


ree

Krusyal ang magiging laban ng Filipinas sa "sugatang" Norway sa Linggo at alam ni Australian coach Alen Stajcic na puno ng paghihiganti ang loob ng Norway kapag nakasagupa na ng Filipinas football team ang European powerhouse ngayong Linggo para sa spot ng knockout round sa climax ng Group A action sa FIFA Women’s World Cup sa Eden Park sa New Zealand.


ree

I’m wary of the wounded animal. They (Norway) have taken a hit to their pride and I expect them to come out fighting. They are (former World Cup) champions for a reason. They have a fightback in them so we have to be ready for that,” saad ni Stajcic matapos ang team’s workout sa Olympic Park.


Unang naging group favorites, pero ang celebrated Grasshoppers ay nalagay sa last place kasunod na 0-1 setback laban sa Ferns noong nakaraang linggo at walang iskor din laban sa Switzerland sa Hamilton noong Martes.


Habang ang Filipinas na suportado ng Coca-Cola Phls ay nasa 3rd na sa sandaling magwagi ay garantiya na ang place sa knockout round-of-16.


Samantala, tumapos ang Philippine women's softball team na mas kilala sa bansag na RP Blu Girls ang kanilang kampanya sa XVII WBSC Women’s Softball World Cup bilang pang-apat makaraang yumukod sa host at world no. 8 Italy, 5-6 sa kanilang playoff match noong Huwebes ng gabi oras sa Pilipinas.


Nahinto sa kalagitnaan ang laro dahil sa sungit ng panahon sa Campo Comunale da Softball sa Castions di Strada. No. 26 sa world rankings, bigo ang mga Pinay na maulit ang kanilang naunang 6-5 na panalo kontra sa mga Italyana sa group stage na naging dahilan upang umabot sila ng playoffs. Lamang ang Italy, 5-3, nakaporma pa ang Blu Girls matapos tumuntong ng base sina Angelu Gabriel at Reyae Villamin.

Mabilis ding nakasagot ang mga Italyana sa ilalim ng 4th inning matapos maka- double ni Alessandra Rotondo.

 
 

ni VA @Sports | July 27, 2023



ree

Makaraang masiguro ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP)ang paglalaro ni Utah Jazz star Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas bilang naturalized player sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup, marami ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari kay Justin Brownlee?

Ang 6-foot-4 na si Brownlee ay itinalaga para maging Gilas' naturalized player sa Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China.

Base sa anunsiyo ni Gilas coach Chot Reyes noong nakaraang Martes sa pep rally na idinaos para sa men's at women's national teams si Brownlee ang magiging Gilas' naturalized player sa quadrennial games na idaraos sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

Ang 35-anyos na si Brownlee ay nauna nang naging national team naturalized player noong 6th at final window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Sa kanyang unang laro ay nagtala ito ng 17 puntos, 5 assists at 4 na rebounds sa 107-96 na panalo ng Gilas kontra Lebanon sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan noong Pebrero.

Kasunod nito ay nagpasabog naman siya ng 41 puntos at 12 rebounds sa 90-91 pagkatalo nila sa Jordan. Muling naglaro si Brownlee para sa Nationals sa Southeast Asian Games men's basketball tournament sa Cambodia noong Mayo kung saan pinamunuan niya ang koponan sa pagbawi ng gold medal.


Nasa maayos nang kondisyon si Bronny James, ang panganay na anak ni NBA superstar LeBron James, matapos itong ma-cardiac arrest sa kanilang praktis sa college basketball team, ayon sa US media reports kahapon. Nag-collapsed si Bronny James, 18 sa court habang nagte-training kasama ang University of Southern California team-mates. Ayon sa pamilya ng James inatake sa puso si Bronny habang nagpapraktis.

 
 

ni VA @Sports | July 24, 2023



ree

Nasagot ang mga katanungan at nabura ang mga pagdududa hinggil sa mga naunang commitment ni Kai Sotto na katawanin ang ating bansa at bandila partikular sa darating na FIBA Asia World Cup.

Nagpakita ang 7-foot-3 center sa Moro Lorenzo gym sa ensayo ng Gilas Pilipinas.


Kaugnay nito, may isinasaayos na palang deal ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para kay Sotto upang maglaro ito sa FIBA World Cup 2023.


Gayunman, wala pang kasiguruhan kung kailan sasama si Sotto sa ensayo ng Gilas dahil kailangan pa nito ng clearance mula sa doktor upang makalaro. "The doctor hasn't cleared him to play yet," ayon sa kampo ni Sotto.Kaya naman hindi pa tiyak kung makakasama siya ng Gilas sa pagsabak nito sa isang pocket tournament sa China na magsisimula sa ikalawang araw ng Agosto para pav rin sa ginagawa nilang paghahanda sa World Cup.


Samantala, hindi makakalaro para sa title retention bid ng Ateneo de Manila University ang kanilang lead point guard na si Forthsky Padrigao sa darating na UAAP Season 86. Ang incoming junior ay hindi maaaring maglaro para men's basketball team ng Blue Eagles makaraang itong ipailalim sa “academic probation.” Bagamat pumasa ito sa UAAP standards for student-athletes ng unibersidad, bigo naman ang 21-anyos na si Padrigao na maabot ang itinakdang quality point index (QPI) para sa mga sophomores sa Ateneo.


Base sa panuntunan ng Ateneo, ang mga estudyanteng nasa ilalim ng "academic probation" ay hindi pinahihintulutang lumahok sa anumang extra-curricular activities, kabilang na ang paglahok sa anumang organisasyon at varsity teams upang makapag-focus ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Sa pagkawala ni Padrigao, aasa ang Ateneo kina Ian Espinosa at Jared Brown.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page