top of page
Search

ni VA @Sports | August 25, 2023


ree

Malaki ang tsansa ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na makapagtala ng back-to-back podium finishes sa World Athletics Championship's pagkaraan nyang umusad sa finals ng men’s pole vault noong Miyerkules sa Budapest, Hungary.

Kasamang nag-qualify ni Obiena sa medal round sina reigning world at Olympics champion Armand Duplantis ng Sweden at Chris Nilsen ng US kaya't naitakda ang matinding labanan ng world's top 3 pole vaulters.

Ang unang Filipino na nagkamit ng medalya sa World championship na ginanap sa Eugene, Oregon, USA noong nakaraang taon, natalon ni Obiena ang baras na itinaas sa 5.75 meters upang tumabla sa top spot ng qualifying kasama nina Duplantis, Nilsen at Kurtis Marschall ng Australia.


ree

Dalawang beses siyang tumalon, at nalampasan ang 5.55m at 5.75m sa isang subok lamang bago nakapasok ang 13 pole vaulters bilang finalists.


Kasama nilang umusad ng finals na gaganapin bukas-Sabado (Agosto 26 sina Thibaut Collet ng France, Ersu Sasma ng Turkey, Ben Broeders ng Belgium, Claudio Michel Stecchi ng Italy, Yao Jie at Huang Bokai ng China, Zach McWhorter ng US at sina Piotr Liserk at Robert Sobera ng Poland.

 
 

ni VA @Sports | August 21, 2023


ree

Agad masusubok ang tikas ng Gilas Pilipinas sa nakatakda nilang pagsagupa sa Dominican Republic sa pagbubukas ng 2023 FIBA World Cup sa Sabado-Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Pinangungunahan ni Minnesota Timberwolves ace Karl-Anthony Towns, target ng Dominicans na maitala ang pinakamataas nilang pagtatapos sa World Cup kasunod ng nauna nilang tatlong appearances noong 1978 kung saan tumapos silang pang-12, 13th noong 2014 at 16th noong 2019.

Naging two-time All-NBA Third Team member at 3-time All-Star, Isa si Towns sa mga pinakamahusay na manlalarong sasabak sa World Cup.

Taglay ng seven-foot big man ang career average na 23 puntos, 11.2 rebounds, 3.2 assists at 1.3 blocks sa loob ng 8 season's niya sa Timberwolves.

Bukod sa pagiging matinding puwersa sa gitna kaya rin ni Towns na maging outside threat matapos niyang mapanalunan ang NBA Three-Point Contest noong isang taon kung saan tinalo niya ang mga top gunners ng liga na sina Trae Young, Luke Kennard, Patty Mills at CJ McCollum.


Bukod Kay Towns, inaasahan ding magpapahirap sa kanilang mga kalaban si Victor Liz na mahigit isang dekada ng miyembro ng Dominican Republic national team.

Ang 2023 World Cup ang ikatlo ng World Cup stint, ng 6-foot-1 guard na si Liz. Ang 37-anyos na si Liz ang naging scoring leader ng Dominican Republic sa nakaraang Americas Qualifiers. Kasalukuyang nasa No. 23 spot sa world ranking, ang Dominican Republic ang ikalawang highest ranked team sa Group A kasunod ng No. 10 Italy at mas mataas sa No. 40 Philippines at No. 41 Angola.

Tatangkain ng Dominicans na muling talunin ang GIlas na ginapi na nila noong nakaraang FIBA Olympic Qualifying Tournament noong Hulyo 2021, 94-67.


Kung ang Dominican Republic ay may Towns, inaasahan namang mangunguna para sa Gilas Pilipinas si Utah Jazz star Jordan Clarkson na may career-high averages na 20.8 puntos, 4.4 assists, at 4 rebounds sa nakaraang NBA season.

 
 

ni Anthony E. Servinio / VA @Sports | August 20, 2023


ree

Nagpatikim ang Gilas Pilipinas ng maaaring masilayan sa 2023 FIBA World Cup sa 85-62 tambak sa Cote D’Ivoire Biyernes ng gabi sa Philsports Arena. Humataw ang mga Pinoy sa huling quarter kung saan nalimitahan ang mga bisitang Elephants sa 9 puntos lang.


Nag-shoot ang Cote D’Ivoire sa pagbukas ng fourth quarter, 55-60, subalit sinagot ito ng 7 magkasunod na puntos at hudyat ng paglayo, 67-55. Ang 85-62 ang inakamalaking agwat sa buong laro.


Gumamit ng 13 players si Coach Chot Reyes, sobra ng isa sa kailangang 12 para sa torneo. Limang Gilas ang nagsumite ng 10 o higit na puntos sa pangunguna nina Jordan Clarkson at June Mar Fajardo na parehong may 13 puntos.


Si Clarkson din ang pinakababad sa 24 minuto. Ang iba pang may 10 o higit na puntos ay sina AJ Edu na may 12 at 7 rebound, Scottie Thompson na may 11 at Kai Sotto 10.


Ipinasok na first five sina Clarkson, Edu, Japeth Aguilar, Dwight Ramos at Roger Pogoy at kinuha ng Pilipinas ang first quarter, 27-24. Ang iba pang naglaro ay sina Rhenz Abando, Kiefer Ravena, CJ Perez, Jamie Malonzo at Chris Newsome habang hindi sumalang sina Ray Parks, Calvin Oftana at Thirdy Ravena. Namuno sa Elephants sina Bazoumana Koune at Maxence Dadiet na parehong may 12 puntos.


Hindi binuksan ang laro sa publiko. Ito rin ang patakaran na paiiralin sa mga nalalabing laro ng Gilas laban sa Montenegro (Aug. 20) at Mexico bago ang unang opisyal na laro sa Agosto 25 kontra Dominican Republic.


Kasalukuyang #42 sa FIBA Ranking ang Elephants, mas mababa sa Gilas na #40.


Nagtapos sila ng ika-29 sa 2019 World Cup at ika-21 noong 2010.


Ang Cote D’Ivoire ay nabunot sa Grupo G na gaganapin sa Jakarta, Indonesia. Kasama nila sa grupo ay ang defending champion Espanya, Brazil at Iran.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page