top of page
Search

ni VA @Sports | February 16, 2024



ree


Muling lalaro para sa Gilas Pilipinas sa darating na unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na linggo ang beteranong forward ng Barangay Ginebra sa PBA na si Japeth Aguilar.Ayon kay Gilas Gilas head coach Tim Cone, si Aguilar ay itinalaga niya bilang kapalit ng injured na si AJ Edu. Hindi naman kataka-taka ang desisyon ni Cone dahil noon pa man ay bahagi na ng Gilas si Aguilar mula sa orihinal na Gilas team na hawak pa noon ni coach Rajko Toroman.


Nakapaglaro rin ito sa tatlong edisyon ng FIBA World Cup noong 2014 sa Spain, 2019 sa China at 2023 dito sa Manila.


Kasama rin si Aguilar sa koponang nagwagi ng gold medal noong nakaraang 19th Asian Games. Ngunit nang italaga si Cone bilang mentor ng Nationals, hindi kasama si Aguilar sa 12-man line-up na binuo nito dahil mas pinili niya ang mga nakababatang mga big men na sina June Mar Fajardo, Kai Sotto, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagtamo si Edu ng torn meniscus habang  naglalaro sa koponan ng Toyama Grouses sa Japan B. League noong Nobyembre kaya nagdesisyon si Cone na muling kunin ang serbisyo ni Aguilar para sa GIlas.


Ngunit inaasahan namang hanggang first window lamang lalaro si Aguilar sa national team dahil babalik na si Edu sa second window na gaganapin sa Abril.


 
 

ni VA @Sports | February 3, 2024


ree

Sisimulan ng PBA nang mas maaga ang Commissioner’s Cup finals habang mapapaaga rin ang pagbubukas ng 2024 Philippine Cup upang bigyang daan ang preparasyon at paghahandang gagawin ng Gilas Pilipinas para sa unang dalawang windows ng FIBA Asia Cup 2025 qualifiers.


Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ginawa nila ang kaukulang adjustment para sa nakatakdang pagsabak ng Gilas sa darating na Fiba Asia Cup qualifiers na idaraos sa Hong Kong sa Pebrero 22 at sa Chinese Taipei sa Pebrero 25 gayundin sa Fiba Olympic qualifying tournament 2024 na gaganapin naman sa Riga, Latvia sa  Hulyo 2 - 7.


Kaya naman sinimulan na ang Commissioner's Cup finals kagabi, dalawang araw pagkatapos makamit ng Magnolia ang huling finals berth makaraang talunin ang Phoenix Super LPG sa semis.


Ang opening ng 48th season Philippine Cup ay isasagawa sa Pebrero 28 sa halip na Marso 3, ayon pa sa PBA chief upang mabigyan pa ang Gilas Pilipinas ng karagdagang mga araw upang mapaghandaan ang OQT kung saan may apat na spots na nakataya para sa 2024 Paris Olympics. Etong finals, dapat may gap ito ng isang araw pa. Dapat Linggo pa ito. Pero ito ay dahil sa Gilas para mapakawalan natin sa Gilas ang mga players,” paliwanag ni Marcial.

 

 
 

ni VA @Sports | January 29, 2023


ree

Mula sa 12 nagsanay sa Australia, 10 mga Filipinong boksingero na lamang ang magtatangkang makasama ni Eumir Marcial sa pagkatawan sa bansa sa darating na 2024 Paris Olympics.


Ang nasabing 10 mga boksingero na kinabibilangan ng 5 lalaki at 5 babae ay nakatakdang sumabak sa matitinding qualifiers na gaganapin sa Busto Arsizio, Italy sa Pebrero 29-Marso 12 at sa Bangkok, Thailand sa Mayo 23-Hunyo 3.


Ayon kay ABAP secretary-general Marcus Manalo, inaasahan na nilang magiging mahirap para sa mga nasabing boksingero ang mag-qualify.


Sa ngayon ay may 109 ng mga boksingero mula sa 49 na bansa ang nakakuha na ng kanilang ticket para sa Paris Games sa pamamagitan ng naging tagumpay nila sa mga continental tournaments na kinabibilangan ng European Games, Asian Games, Pan American Games, Pacific Games at Africa Games.


Sa nasabing bilang, ang Australia ang may pinakamaraming nakuhang slots matapos magkamit ng 12 sa 13 divisions, kasunod ang Brazil na may 9. 


Sa Asian region, nangunguna ang China na may 7 qualifiers kasunod ang Thailand, Uzbekistan at Chinese-Taipei na may tig-4 habang may tig-2 naman ang Kazakhstan, Tajikistan, North Korea at Japan.May 50 slots ang nakataya para sa idaraos na Italy qualifier na kinabibilangan ng 28 sa men’s division at 22 sa women’s.  Limampu't-isa namang boxers ang makakakuha ng slots sa Bangkok qualifier.


May inilaan naman ang International Olympic Committee  (IOC) na apat na universality slots sa men's division para sa 57kg, 63.5kg, 71kg at 80kg divisions at lima sa women's para sa 50kg, 54kg, 57kg, 60kg at 66kg divisions.Ang mga makikipagsapalarang Filipino boxers ay sina Rogen Ladon, 30-anyos (51kg), Carlo Paalam, 25-anyos (57kg), Mark Ashley Fajardo, 19-anyos (63.5kg), Ronald Chavez Jr., 24-anyos (71kg) at John Marvin, 31-anyos (92kg) sa kalalakihan at sina Aira Villegas, 28-anyos (50kg), Claudine Veloso, 24-anyos (54kg), Nesthy Petecio, 31-anyos (57kg), Riza Pasuit, 31-anyos (60kg) at Hergie Bacyadan, 29-anyos (75kg).Ayon kay Manalo, mula sa kanilang training camp sa Australia noong Enero 14-27 ang sampung Pinoy boxers ay lalahok sa Boxam Tournament sa Alicante, Spain sa Enero 29-Pebrero 4. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page