top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 20, 2023



ree

Kinoronohan sina Pinoy Pride Jordan Clarkson, Collin Sexton at Walker Kessler ng host Utah Jazz bilang kampeon ng Kia Skills Challenge sa pagpatuloy ng 2023 NBA All-Star Weekend kahapon sa Vivint Arena. Nakibahagi rin sa eksena ang mga kampeon ng AT&T Slam Dunk Mac McClung ng Philadelphia 76ers at Starry 3-Point Contest Damian Lillard ng Portland Trail Blazers.

Matapos ang mabagal na simula, bumawi ang Jazz sa dalawang sumunod na paligsahan na pagalingan sa pasahan at pag-shoot. Pumangatlo lang ang Utah sa unang round na karerang relay kung saan umarangkada ang Team Rookies nina Paolo Banchero ng Orlando Magic, Jabari Smith Jr. ng Houston Rockets at Jaden Ivey ng Detroit Pistons at pumangalawang Team Antetokoumpo ng magkapatid na Thanasis at Alexandros at si Jrue Holiday na pinalitan si Giannis na nagpapagaling ng pilay sa pulso.

Nauwi sa wakas ni Lillard ang tropeo matapos mabigo noong 2014 at 2019. Ipinasok niya ang huling apat na bola upang magtala ng 26 at lampasan ang 25 puntos ng naunang tumira na si 2020 champion Buddy Hield ng Indiana Pacers.

Naubusan ng talas ng pangatlong kalahok na si Tyrese Haliburton ng Pacers at 17 puntos lang siya matapos pantayan sa elimination round ang pinakamataas na marka na 31 puntos ni Stephen Curry noong 2021. Espesyal din ang tagumpay para kay Lillard na naglaro suot ang uniporme ng kanyang paaralan Weber State University sa bayan ng Ogden, Utah na 50 kilometro lang ang layo sa Vivint Arena.

Tinuldukan ng 6’2” guwardiyang si McClung ang gabi sa kanyang sunod-sunod na perpektong dunk laban kay 6’9” Trey Murphy III ng New Orleans Pelicans sa finals. Tinanggap niya ang Dr. J Trophy mula mismo sa alamat ng 76ers na si Julius Erving.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 30, 2021


ree

Pumanaw na ang dating manlalaro ng Utah Jazz na si Mark Eaton sa edad na 64 noong Sabado. Pahayag ng Utah Jazz, “We are heartbroken by the passing of Utah Jazz legend Mark Eaton.


“Our thoughts are with his family as we all mourn the loss of a great man, mentor, athlete and staple of the community.” Samantala, ayon sa ulat, umalis ng bahay si Eaton noong Biyernes nang gabi upang magbisikleta sa Summit County, Utah.


Ilang sandali lamang ang nakalilipas ay may tumawag sa 911 at iniulat na nakahandusay na si Eaton sa roadway na unconscious.


Naisugod pa sa ospital si Eaton ngunit kalaunan ay binawian ng buhay. Ayon naman sa imbestigasyon ng awtoridad, walang motor vehicle na involved sa insidente.


Samantala, si Eaton ay nagtrabaho bilang auto mechanic sa Arizona noong 1977 kung saan isang basketball coach ang nakakita sa kanya at hinikayat siyang pumasok sa Cypress College.


Matapos nito ay nag-transfer siya sa University of California at Los Angeles (UCLA) kung saan hinawakan siya ng legendary coach na si John Wooden.


Nang maging miyembro ng Jazz si Eaton, nanguna siya sa blocked shots nu’ng 1984, 1985, 1987 at 1988 seasons at nakapagtala siya ng NBA record na 456 blocks sa 184-85 campaign.


Binansagan ding NBA Defensive Player of the Year si Eaton noong 1985 at 1989.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page