top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | April 22, 2026



Donald J. Trump - The White House

Photo: The White House



Magpapaso na ang ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran gabi ng Miyerkules (oras sa Washington), ayon kay US President Donald Trump.


Ayon kay Trump, malaki ang posibilidad na hindi na niya ito palawigin kung walang mabubuong kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.


Inaasahan din niyang maaaring muling sumiklab ang labanan kung mabibigo ang ikalawang yugto ng pag-uusap na makapaghatid ng konkretong kasunduan.


Samantala, ngayong Martes ay inaasahang lilipad patungong Pakistan si US Vice President JD Vance kasama ang ilang matataas na opisyal ng Estados Unidos, bilang paghahanda sa posibleng panibagong round ng negosasyon.


Nagpahayag din si Trump ng kumpiyansa na makikibahagi ang Iran sa usapan, sa kabila ng naunang pahayag ng Tehran na hindi ito dadalo at walang nakatakdang negosasyon sa kasalukuyan.





Suspek, nagpakamatay

32-ANYOS, TODAS SA PAMAMARIL



NASAWI ang isang 32-anyos na babaeng Canadian at ilang iba pa ang nasugatan matapos magpaputok ng baril ang isang lalaki sa historical site sa Mexico. Matapos ang insidente, nagpakamatay ang suspek.


Nagpahayag ng pakikiisa si Claudia Sheinbaum sa mga biktima ng pamamaril sa sinaunang pyramid complex ng Teotihuacán, na isang UNESCO World Heritage Site at kilalang tourist destination.


Naganap ang insidente pitong linggo bago ang pagbubukas ng FIFA World Cup sa Mexico City.


Narekober ng pulisya ang baril, patalim, at mga bala sa lugar. Kinumpirma ni Canada's foreign minister Anita Anand na may isang Canadian na nasawi at isa pang sugatan, habang kabilang din sa mga nasugatan ang dalawang Colombian at isang Russian, ayon kay Cristóbal Castañeda Camarillo.


Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng gunman.


Sa kabila ng karahasang may kaugnayan sa drug cartel sa Mexico, bihira ang ganitong insidente na sangkot ang mga turista. Inaasahang aabot sa 5.5 milyong bisita ang darating para sa World Cup, kung saan magde-deploy ang bansa ng halos 100,000 security personnel para sa seguridad.


 
 

ni Dominic Santos @World News | April 17, 2026



AI Donald Trump


Muling nag-post ng isang Artificial Intelligence (AI) image si United States (US) President Donald Trump kasama ang imahe ni Hesus sa kabila ng mga pambabatikos na natanggap sa una nitong inilabas na makikitang nagpapagaling siya ng isang lalaki bilang si Hesus.


Ayon sa caption ni Trump, maaari umanong hindi na naman magustuhan ng umano’y “Radical Left Lunatics” ang kanyang post ngunit tingin niya umano ay ‘nice’ ang larawan kung saan ipinapakita na yakap-yakap siya ni Hesus.

 
 

by BRT @World News | March 24, 2026



Strait of Hormuz - Donald J. Trump - Reuters - FB

Photo: File / Donald J. Trump - Reuters - FB



Pinagbantaan ni US President Donald Trump ang Iran at inaatasan nito ang Tehran na muling buksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras o haharap ito sa posibleng pag-atake ng Amerika sa kanilang mga pasilidad ng kuryente.


Sa kanyang mensahe sa Truth Social, sinabi ni Trump na handang targetin ng militar ng US ang mga power grid ng Iran, lalo na ang pinakamalalaking planta nito kung hindi agad papayagan ang malayang pagdaan ng mga barko.


Ang tumitinding alitan ay nag-ugat sa halos pagsasara ng Iran sa nasabing strait, na dinaraanan ng halos 20 percent ng pandaigdigang suplay ng langis. Dahil dito, sumipa ang presyo ng krudo at lumampas sa $100 (P6K) kada bariles.


Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin, iginiit ni Trump na hindi kritikal ang Strait of Hormuz para sa US, at tinawag ang mataas na presyo ng langis bilang “maliit na kapalit” para sa mas malawak na seguridad ng mundo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page