top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni BRT @Overseas News | April 27, 2026



Donald J. Trump ata ang gunman na bumaril - C-SPAN FB Circulated


Ligtas sina U.S. President Donald Trump at First Lady Melania Trump matapos silang agad na inilikas ng Secret Service mula sa White House Correspondents’ Dinner.


Ayon sa mga opisyal, may lalaking may dalang shotgun na sinubukang lumapit at pumasok sa seguridad ng event. 


Binaril umano ng suspek ang isang Secret Service agent, pero hindi ito nasaktan dahil protektado siya ng suot na gear.


Pagkaraan ng insidente, nag-post si Trump sa social media na nahuli na ang suspek. Sinabi rin niyang ligtas ang lahat ng opisyal na dumalo sa event.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang insidente.


 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | April 25, 2026



Donald J. Trump - Strait of Hormuz - Reuters


Inutusan ni US President Donald Trump ang United States Navy na paputukan ang anumang Iranian boat na mahuhuling naglalagay umano ng mga mina sa Strait of Hormuz.


Sa isang post sa social media, sinabi ni Trump: “I have ordered the United States Navy to shoot and kill any boat, small boats though they may be (Their naval ships are ALL, 159 of them, at the bottom of the sea!), that is putting mines in the waters of the Strait of Hormuz. There is to be no hesitation.”


Ayon kay Trump, patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang Estados Unidos upang alisin ang mga mina sa naturang strategic waterway. Iniulat din niya na ang mga American mine sweepers ay aktibong tumutulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng daluyan ng langis at kalakalan sa rehiyon, at inatasan umano niya ang pagpapalawak ng naturang operasyon ng tatlong beses.


Sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon, muling iginiit nina Trump at Defense Secretary Pete Hegseth na malaking bahagi na ng naval capabilities ng Iran ang nawasak na, kabilang ang tinatayang 150 barko.


Gayunman, iniulat na ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ay may natitirang mga asset, kabilang ang maliliit na bangka na patuloy na ginagamit sa mga operasyon sa dagat.


 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | April 24, 2026



Donald J. Trump - FB


Ipinahayag ni US President Donald Trump na umano’y pumayag ang Iran na huwag ituloy ang pagbitay sa walong babaeng raliyista, matapos umano niyang makiusap at bilang pagpapakita rin umano ng respeto sa kanya bilang Pangulo ng Estados Unidos.


Ayon kay Trump, apat sa mga kababaihan ay agad na palalayain habang ang apat pa ay makukulong ng isang buwan. Tinawag niya itong “very good news” at iginiit na resulta ito ng kanyang direktang pakiusap.


Gayunman, pinasinungalingan ng mga otoridad sa Iran ang naturang pahayag. Ayon sa Iranian judiciary news agency na Mizan News Agency, walang nakatakdang pagbitay sa nasabing mga kababaihan at tinawag nilang gawa-gawa lamang umano ito ng Amerika.


Giit pa ng Iran, ginagamit lamang umano ni Trump ang isyu upang magpakitang-gilas at ilihis ang atensyon mula sa iba pang isyung pampolitika at tensyon sa rehiyon, kabilang ang usapin sa Strait of Hormuz.


Dagdag pa ng Iran, may ilang naarestong kababaihan na nakalaya na, habang ang iba ay nahaharap sa mga kasong maaaring humantong sa pagkakakulong ngunit hindi sa parusang kamatayan.


Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa White House at Iranian Foreign Ministry kaugnay ng magkasalungat na ulat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page