top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | May 6, 2026



US Central Command


Itinanggi ng United States Central Command ang ulat na tinamaan ang isang barko ng US Navy matapos maglabas ng pahayag ang ilang Iranian news agencies na umano’y may inatakeng sasakyang pandagat malapit sa isang pantalan sa timog-silangan ng Strait of Hormuz.


Ayon sa panig ng Iran, ang naturang barko ay umano’y lumabag sa maritime security kaya napilitang umatras. Subalit nilinaw ng US Central Command na walang anumang Navy ship ang tinamaan o nasira sa naturang insidente.


Kasabay nito, inihayag ng US military ang bagong inisyatiba na sinusuportahan ni US President Donald Trump, kung saan maaaring gamitin ang naval at air assets upang gabayan ang mga commercial vessel na dumaraan sa Strait of Hormuz. Layunin nitong matulungan ang mga barkong naipit sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.


Batay sa mga ulat, ilang commercial vessel ang sinasabing inaatake o pinipigilan ng Iran kapag wala umanong pahintulot na makadaan. Dahil dito, pinapayuhan ang mga barko na dumaan sa mga katubigan ng Oman sa loob ng itinatag na “enhanced security area.”


Mariing tinutulan ng Iran ang hakbang ng Estados Unidos at tinawag itong paglabag sa umiiral na ceasefire. Samantala, iginiit naman ng U.S. na bahagi ito ng “Project Freedom” na naglalayong tulungan ang mga seafarers na naiipit sa tensyon, kabilang ang mga nakararanas ng kakulangan sa pagkain at tubig sa gitna ng sigalot.


 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | April 24, 2026



U.S. forces nag-patrol sa Arabian Sea malapit sa MV Touska , April 20, 2026 - US Navy photo


Nagpatuloy ang tensyon sa Strait of Hormuz matapos ang mga ulat ng umano’y pag-atake ng Iran sa tatlong barko malapit sa isa sa pinakamahalagang daluyan ng langis at gas sa mundo, na nagdulot ng pangamba sa posibleng epekto sa pandaigdigang suplay.


Ayon sa mga ulat, iginiit ng Iran na ang mga hakbang ay tugon sa umano’y naval blockade ng Estados Unidos at sa ilang insidente sa karagatan. Dalawang barko umano ang nasamsam habang isa pa ang naiulat na na-stranded malapit sa baybayin ng Iran.


Naganap ang insidente ilang araw matapos ang magkakasalungat na pahayag mula sa US at Iran hinggil sa kondisyon ng pagbubukas ng strait, na nagdulot ng kalituhan sa mga barkong dumaraan sa ruta.


Ayon sa mga analyst, lumilikha ng “genuine confusion” ang magkasalungat na utos at pahayag mula sa dalawang panig. Giit nila, ginagamit umano ng Tehran ang kontrol sa Strait of Hormuz bilang leverage sa negosasyon at bilang paraan upang maapektuhan ang shipping costs at insurance premiums ng mga barko.


Sa kasalukuyan, daan-daang barko at libu-libong tripulante ang naiulat na naiipit pa rin sa rehiyon, habang nananatiling pabago-bago ang sitwasyon sa isa sa pinaka-kritikal na shipping routes sa pandaigdigang kalakalan ng langis at gas.

 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | April 23, 2026



US Navy ship blasts Iranian cargo ship - Reuters

Photo: Reuters / Circulated



Biglang tumaas ang presyo ng krudo kasunod ng ulat na pinaputukan at sinamsam ng US Navy ang isang Iranian-flagged cargo ship sa Gulf of Oman, matapos umanong subukang umiwas sa naval blockade.


Nagbanta ang Iran ng agarang pagganti sa insidente, na tinawag nitong “armed piracy,” habang patuloy ang paglala ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa rehiyon.


Dahil sa pangyayari, naapektuhan ang daloy ng suplay sa Strait of Hormuz—isang kritikal na daluyan ng langis sa pandaigdigang merkado—na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng langis. Umakyat ang presyo ng U.S. crude sa $87.90 (P5.2K) kada bariles, habang ang Brent crude ay pumalo sa $95.64 (P5.7K).


Nauna rito, bahagyang bumaba pa ang presyo ng langis dahil sa pag-asa ng merkado sa posibleng pagbubukas ng ruta at pagluwag ng tensyon. Gayunman, nabaligtad ito matapos ang panibagong eskalasyon ng alitan.


Sa gitna ng krisis, nananatiling malabo ang usapang pangkapayapaan, habang tumatanggi ang Iran na lumahok sa panibagong negosasyon sa Pakistan dahil sa patuloy na blockade ng Estados Unidos.





Pakistan, nakiusap

US-IRAN CEASEFIRE, EXTENDED — TRUMP


INANUNSYO ni US President Donald Trump na pinalawig na niya ang ceasefire sa Iran matapos umanong makiusap ang Pakistan, habang hinihintay pa ang pagsusumite ng “unified proposal” mula sa Tehran.


Ayon kay Trump, mananatiling epektibo ang tigil-putukan hanggang sa makapagpasa ang Iran ng kanilang panukala at matapos ang negosasyon sa pagitan ng magkabilang panig.


“He’s directed our Military to continue the Blockade and, in all other respects, remain ready and able, and will therefore extend the Ceasefire until such time as their proposal is submitted, and discussions are concluded, one way or the other,” pahayag ni Trump.


Sa gitna nito, nananatiling walang katiyakan ang direksyon ng usapang pangkapayapaan habang papalapit ang pagtatapos ng orihinal na dalawang linggong ceasefire.


Nagpahayag pa rin ng pag-aalinlangan ang Iran kung lalahok ito sa panibagong pag-uusap, binanggit ang umano’y “unacceptable actions” ng Estados Unidos, kabilang ang patuloy na blockade sa Strait of Hormuz.


Kinansela rin umano ni US Vice President JD Vance ang nakatakdang pagbisita sa Pakistan para sa ikalawang yugto ng negosasyon, habang nagpapatuloy ang konsultasyon ng mga opisyal ng Amerika hinggil sa susunod na hakbang sa usapang pangkapayapaan.


Samantala, patuloy ang pagsisikap ng Pakistan na paglapitin ang dalawang panig upang maiwasan ang muling pagsiklab ng mas malawak na labanan.


Sa ngayon, nananatiling bukas ang posibilidad ng panibagong negosasyon o paglala ng tensyon, habang hinihintay ang magiging desisyon ng Iran at Estados Unidos.





2 SUNDALO, KULONG SA PAGWASAK NG REBULTO NI HESUS



ISANG sundalong Israeli na umano’y sumira sa rebulto ni Hesus gamit ang sledgehammer sa Lebanon, kasama ang isa pang sundalong kumuha ng larawan ng insidente, ay parurusahan ng tig-30 araw na military detention, ayon sa Israel Defense Forces.


Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang sundalo ay tatanggalin din sa combat duty, habang anim pang sundalo na naroroon ngunit hindi kumilos o nag-ulat ay hiwalay na iimbestigahan at papatawan ng kaukulang aksyon.


Naganap ang insidente sa Debel, southern Lebanon, at kumalat ang larawan nito online na nagdulot ng malawak na pagkondena.


Iginiit ng IDF na labag sa kanilang mga patakaran ang ginawa ng mga sundalo at ipinahayag ang paghingi ng paumanhin. Pinalitan na rin nila ang nasirang rebulto sa koordinasyon sa lokal na komunidad at nilinaw na ang kanilang operasyon ay nakatuon lamang laban sa Hezbollah at iba pang armadong grupo, hindi sa mga sibilyan.



Kinondena rin ng mga lokal na lider simbahan ang insidente bilang paglapastangan sa mga simbolong panrelihiyon, habang nanawagan ng agarang parusa ang embahador

ng Estados Unidos sa Israel.


Nauna nang nagpahayag ng panghihinayang ang Israeli Prime Minister na si Benjamin Netanyahu sa insidente at sa naging epekto nito sa mga mananampalataya sa Lebanon at sa buong mundo.


Sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon, nananatili pa rin ang mga sundalong Israeli sa southern Lebanon kasunod ng pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Lebanon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page