top of page
Search

ni Dominic Santos @News | March 1, 2025



Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at Pres. Donald J. Trump - Circulated FB

Photo File: Circulated / Donald J. Trump



‘One of the most evil people in the world is dead’


Kinumpirma ni United States (US) President Donald Trump na patay na ang Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei kasunod ng ginawa nilang US-Israeli strike.


“Khamenei, one of the most evil people in History, is dead. This is not only Justice for the people of Iran, but for all Great Americans, and those people from many Countries throughout the World, that have been killed or mutilated by Khamenei and his gang of bloodthirsty THUGS,” ayon kay Trump.


Dagdag pa niya, “He was unable to avoid our Intelligence and Highly Sophisticated Tracking Systems and, working closely with Israel, there was not a thing he, or the other leaders that have been killed along with him, could do.”


Iginiit din niya na ito umano ang tamang pagkakataon para sa mga taga-Iran upang bawiin ang kanilang bansa dahil nabatid umano nila na ayaw nang lumaban ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), Military, at ng iba pang puwersa at humihingi umano ang mga ito ng ‘immunity’ mula sa kanila.


“As I said last night, “Now they can have Immunity, later they only get Death!” Hopefully, the IRGC and Police will peacefully merge with the Iranian Patriots, and work together as a unit to bring back the Country to the Greatness it deserves,” saad pa ni Trump.





Mga estudyante, kaanak ng Supreme Leader ng Iran, patay din sa airstrike





Iba pang patay sa airstrike


Kinumpirma ng Iranian state media na kabilang sa mga pumanaw sa US-Israeli airstrike ang babaeng anak at apo ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.


Kasabay nito ay patay din ang dalawang manugang ni Khamenei sa naturang airstrike.


Nadamay din ang hindi bababa sa 40 estudyante matapos bombahin ng Israel ang isang school building sa bayan ng Minab sa Southern Iran nitong Sabado, Pebrero 28.

 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 16, 2026



Donald J. Trump - FB

Photo: Donald J. Trump - FB



Naghahanda ang militar ng Estados Unidos para sa posibilidad ng tuluy-tuloy at ilang linggong operasyon laban sa Iran kung mag-uutos si US President Donald Trump na atakihin ang bansa. 


Ayon sa kanila, mas malawak at mas seryoso ang plano kumpara sa mga naunang military retaliation ng Amerika.


Nakasaad na nakatakdang makipagpulong sina Steve Witkoff at Jared Kushner, kinatawan ng Amerika, sa mga kinatawan ng Iran sa Geneva sa Martes, sa tulong ng Oman bilang tagapamagitan para talakayin ang kasunduang pangkapayapaan. Sinabi naman ni US Secretary of State Marco Rubio na mas nais ni Trump ang kasunduan sa Tehran, ngunit aminadong mahirap itong makamit.


Kasabay nito, patuloy ang pagdami ng puwersang militar ng US sa rehiyon. Kinumpirma ng Pentagon ang pagpapadala ng karagdagang aircraft carrier, libu-libong tropa, fighter aircraft, at guided-missile destroyers sa Middle East.


Sa isang talumpati sa North Carolina, binanggit ni Trump ang posibilidad ng “regime change” sa Iran, bagama’t hindi tinukoy kung sino ang nais niyang pumalit. Ayon sa White House spokesperson na si Anna Kelly, “all options on the table with regard to Iran,” at si Trump ang magpapasya base sa interes ng Amerika. Tumanggi namang magkomento ang Pentagon sa detalye ng operasyon.


Noong nakaraang taon, nagsagawa ang US ng limitadong pag-atake sa mga nuclear site ng Iran, kabilang ang “Midnight Hammer” na gumamit ng stealth bombers. Gumanti ang Iran sa pamamagitan ng limitadong strike sa isang base ng US sa Qatar. Ayon sa mga opisyal, mas kumplikado ang planong operasyon ngayon, at posibleng targetin hindi lamang ang nuclear facilities kundi pati ang mga pasilidad ng estado at seguridad ng bansa.


Babala ng mga eksperto, mataas ang panganib sa mga puwersa ng US dahil sa arsenal ng missile ng Iran. Posible rin na ang serye ng gantihan ay magpalawak sa tensyon ng gera sa buong rehiyon. Matatag ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran at sinabi nitong maaari silang gumanti laban sa alinmang base militar ng US sakaling atakihin ang kanilang teritoryo.


May mga base militar ang US sa Jordan, Kuwait, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, at Turkey. Sa gitna ng tumitinding tensyon, sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na anumang kasunduan sa Iran ay dapat maglaman ng elementong makikinabang sa Israel. Ipinahayag naman ng Iran na handa silang talakayin ang limitasyon sa nuclear program kapalit ng pag-alis ng mga sanksyon ng Amerika, ngunit tumangging isama sa negosasyon ang kanilang missile program.

 
 

by Info @World News | January 5, 2026



Foreign Minister Wang Yi - CGTN

Photo: SS / Foreign Minister Wang Yi - CGTN



NO COUNTRY CAN ACT AS THE WORLD’S POLICE


Ito ang iginiit ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kasunod ng ginawang pagdakip ng United States (US) kay Venezuelan President Nicolàs Maduro matapos ang kanilang umano’y ilegal na pag-atake sa Venezuela.


“We have never believed that any country can act as the world's police, nor do we accept that any nation can claim to be the world's judge,” ayon kay Yi.


Dagdag pa niya, “The sovereignty and security ​of all countries should be fully protected under international law.”


Kasalukuyang nakapiit sa New York detention center si Maduro at inaasahang haharap din sa pagdinig ng New York court dahil sa umano’y drug charges.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page