top of page
Search

ni Thea Janica Teh | September 15, 2020



Pumanaw na ngayong Martes, Setyembre 15, ang Korean actress na si Oh In Hye, ayon sa Allkpop.


Sa inilabas na report ng Dispatch, isang K-pop culture website, sinabing nakitaan ito na makare-recover dahil bumalik ang paghinga at pulse rate ngunit hindi na ito nagising.


Naglabas na rin ang Soompi tungkol sa burol ng aktres sa Inha University Hospital.


Anila, “The late Oh In Hye’s funeral visitation has been arranged at our hospital.”


Sa imbestigasyon ng Incheon Yeonsu Police Station at Incheon Songdo Fire Station, naabutan ng mga ito ang 36-anyos na aktres bandang alas-5 ng umaga na inaatake sa puso sa bahay nito sa Songdo International Business District sa Incheon.


Ayon pa sa isang kaibigan ng aktres, tumawag na ito sa pulis dahil hindi umano sila sinasagot ni Oh In Hye.


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na iba pang detalye ngunit, may mga lumalabas na espekulasyon na nag-suicide ang aktres.


Nakilala si Oh In Hye sa mga palabas tulad ng The Plan, Wish Taxi, No Breathing at marami pang iba.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 15, 2020



Pumanaw na ngayong Martes, Setyembre 15, si Herminio Alcasid, Sr., ama ng singer-actor na si Ogie Alcasid.


Sa Instagram post ni Ogie, ibinahagi nito ang kanilang larawan at may caption na, “I will miss you so much Dad. My heart grieves knowing you are gone but I am at peace because you are in the loving arms of our Father in heaven."


Si Herminio ay isang abogado at isa sa mga itinalaga bilang board of director ng Philippine National Oil Co. Development and Management Corporation (PNOC) noong 2010.


Kalaunan ay hinirang na ito bilang President at CEO ng PNOC.


Bumuhos ang pakikiramay sa comment section ng post n Ogie at ilan sa mga nakiramay ay ang mga kapwa-artista nitong sina Judy Ann Santos, Gloc-9, Zsa Zsa Padilla, Marian Rivera at marami pang iba.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 14, 2020




Pag-aaralan muli ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng rapid antigen testing sa mga turistang papasok ng Pilipinas matapos makatanggap ng rekomedasyon sa World Health Organization ngayong Lunes.


Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang IATF Resolution No. 69 o ang paggamit ng antigen test kapalit ng RT-PCR test sa mga asymptomatic na turista ay nakitaan umano ng problema ng WHO.


Aniya, “Sabi ng WHO recommendation, it is not advisable to use it sa borders. Magkakaroon ng effect sa ginagawang guidelines, we recommended this be used sa borders and incoming tourists.”


Kaya naman isasailalim muli ito sa review ng mga health experts at IATF upang masiguro na maisasagawa pa rin ang mga guidelines na inihain sa bansa na may rekomendasyon ng global health expert.


Ang antigen test ay ginagamit upang makita ang unique part ng Coronavirus tulad ng specific protein at kapag ito ay na-detect, masasabing positibo ito sa test.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page