top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 8, 2020




Nahuli na ng pulisya ngayong Linggo ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng cellphone ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Maynila.


Sa inilabas na report ng Ermita Police Station, kinilala ang mga suspek na sina Clarence Arevalo at John Paul Laurente Sunga.


Nahuli ang mga suspek ngayong Linggo sa follow-up operation sa Elisondo Street, Quiapo Maynila.


Matatandaang nanakaw sa paligid ng Manila City Hall at Mehan Garden ang cellphone ni Bello nitong Biyernes, Nobyembre 6.


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na karagdagang impormasyon ang mga pulis mula sa nangyaring insidente.

 
 

Gordon kay P-Du30: 'Di kami mukhang pera, kayo ang may utang!

ni Thea Janica Teh | November 6, 2020



Mariing iginiit ni Sen. Richard Gordon ngayong Biyernes ang paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mukhang pera ang Philippine Red Cross (PRC).


Nitong Huwebes, sa meeting kasama ang mga Cabinet members, habang tinatalakay ni Health Secretary Francisco Duque III ang COVID-19, sinabi ni Pangulong Duterte na mukhang pera ang PRC matapos ipatigil ang COVID-19 testing dahil sa utang ng pamahalaan na P1.1 bilyon.


Aniya, "Hindi kami mukhang pera. Pero sabi ko lang, dahan-dahan naman sa pananalita because nakakatulong naman kami. Hindi naman kami umutang, sila ang umutang, sila nagpa-test, ginawa namin. 'Di ba dapat bayaran ninyo?... I'm giving him the benefit of the doubt out of respect to the president."


Ipinatigil nitong Oktubre ng PRC ang COVID-19 testing sa mga paparating na Overseas Filipino Workers (OFW) dahil hindi pa umano nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang utang na umabot sa P1 bilyon.


Sa ngayon ay ibinalik na ng PRC ang serbisyo sa pagkuha ng COVID-19 testing matapos makapag-partial payment ang Philhealth.


Dagdag pa ni Gordon, nasa P20,000 ang swab test para sa COVID-19 sa Philippine airports. Kaya naman malaking tulong sa mga OFWs na P3,500 lamang ang swab kit kung sila ay miyembro ng PhilHealth at P4,000 naman para sa mga private individuals.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 5, 2020




Sisimulan na sa May 2021 ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine kung ang lahat ay maaayon sa plano ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., na siyang mamamahala sa distribusyon ng vaccine.


Kung masusunod umano ang time table proposal ni Galvez, maaaring manguna ang Pilipinas sa pamamahagi ng vaccine sa first quarter ng 2021. Ngunit, ito umano ay nakadepende pa rin sa pondo, development at approval ng vaccine.


Dagdag pa ni Galvez, kapag nagkaroon ng problema sa supply at demand ng vaccine, pinakamaaga na itong ipamamahagi sa katapusan ng taong 2021.


Samantala, nakapagtala nitong Miyerkules ng 987 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at ito na ang pinakamababang naitala sa loob ng 4 na buwan. Mayroon nang kabuuang 388,137 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page