top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 9, 2020




Umabot na sa 73 barangay sa Maynila ang naitalang “COVID-19 free” sa loob ng dalawang buwan, ayon kay Mayor Isko Moreno.


Simula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31, ito ang mga barangay na hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan:


District 1 - Barangays 3, 8, 30, 44, 83, 87, 124, 126, 127, 139, 143, 145

District 2 – Barangays 188, 217, 239, 240, 243, 244, 252, 258, 261

District 3 - Barangays 268, 270, 271, 272, 273, 295, 300, 303, 306, 307, 326, 330, 332, 344, 348, 349, 362, 363, 380, 390

District 4 - Barangays 446, 462, 469, 490, 501, 546, 552, 573, 577

District 5 - Barangays 661, 706, 711, 716, 742, 663-A, 749, 757, 758, 795

District 6 - Barangays 606, 608, 610, 613, 614, 626, 635, 647, 853, 865, 886, 891, 895


Inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno noong Agosto 31 na makatatanggap ng cash incentive na P100,000 ang barangay na magiging “COVID-19 free” sa loob ng dalawang buwan. Ito umano ang kanilang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa kanilang lungsod.


Aniya, “Ang goal natin ay zero COVID-19 infection for two months sa barangay, and I believe that you can do it. That is why we want to give you incentives.”

 
 

ni Thea Janica Teh | November 9, 2020



Tatlo ang patay at animnapu’t apat ang sugatan sa nangyaring riot sa New Bilibid Prison ngayong Lunes, ayon sa Department of Justice.


Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, hindi pa ito ang pinal na bilang ng mga nasaktan at nasugatan dahil kasalukuyan pang iniimbestigahan.


Kuwento ng Bureau of Corrections, nangyari umano ang “free-for-all scuffle” sa maximum security compound ng national penitentiary nitong alas-8 ng umaga.

Matatandaang saktong isang buwan ang nakalipas nang magkaroon din ng riot sa pagitan ng dalawang gang sa Bilibid na ikinamatay ng 9 na bilanggo.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 9, 2020




Sinuspinde ng dalawang linggo ng pamahalaang lokal ng Catanduanes ang operasyon ng mga commercial flights papunta at mula sa probinsiya upang maprayoridad ang mga flights na may dala ng mga relief goods.


Dahil sa Bagyong Rolly, nasira ang halos 20,000 kabahayan sa Catanduanes at nawalan ang mga residente ng mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Kaya naman, ito ang paraan upang mapabilis ang pag-abot ng mga tulong sa mga residenteng lubos na naapektuhan.


Sa ngayon ay nakapailalim pa rin ang Catanduanes sa state of calamity.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page