top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 11, 2020



Pumanaw na ang prime minister ng Bahrain at staunch ally ng Saudi Arabia at United States (US) na si Sheikh Khalifa bin Salman al Khalifa sa edad na 84 sa Mayo Clinic sa US ngayong Miyerkules.


Si Sheikh Khalifa ay kilala bilang pinakamahabang nagserbisyo bilang prime minister sa buong mundo.


Siya ay nagsimulang maging prime minister matapos ideklara ang kalayaan ng Sunni Muslim-led island kingdom sa Britain noong 1971. Ang pamilya ng al-Khalifa na ang namuno rito simula pa noong 1783.


Matatandaang pumunta pa si Sheikh Khalifa sa Germany para sa treatment ng hindi pa sinasabing sakit at bumalik sa Bahrain noong March.


Ayon sa isang state news agency ng Bahrain, isasagawa ang burol sa pag-uwi ng katawan nito sa Bahrain. Inaasahan din na ekslusibo ang burol sa kanyang pamilya.


Idineklara rin ang pagdadalamhati ng Bahrain nang isang linggo kaya naman isasara ang government ministries at departments hanggang sa Huwebes.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 11, 2020




Plano nang ibahagi sa darating na Lunes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang cash assistance para sa mga public transportation operators na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay LTFRB Regional Director for National Capital Region (NCR) Atty. Zona Tamayo, idadaan sa Land Bank of the Philippines ang cash assistance. Ngayong Miyerkules sana ipa-finalize ang listahan ng mga mabibigyan ngunit nakansela dahil sa Bagyong Ulysses.


"But we're looking at Friday to iron everything and hopefully by afternoon ng Friday or early Monday, the operators with the required data na nasa amin would already receive their allocations for the direct cash benefit," dagdag ni Tamayo.


Parte ng P9.5 bilyong inilaan ng pamahalaan sa road sector sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga operator na naapektuhan ng pandemya.


Ang P2.6 bilyon dito ay inilaan para sa mga critically-impacted business sa transportation agency at kabilang dito ang mga operator ng public utility jeepneys, UV Express, PhilCab, bus at mini bus na makakatanggap ng tig-P6,500.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 11, 2020




Pinaalalahanan ng PAGASA ngayong Miyerkules ang lahat ng mga residenteng malapit sa Pasig, Marikina at Tullahan river dahil sa posibleng pagtaas ng tubig sanhi ng Bagyong Ulysses.


Sa advisory na inilabas kaninang alas-3 ng hapon, sinabi ng PAGASA na sa pagdaan ng Bagyong Ulysses sa Luzon at sa papalapit nitong pag-landfall, maaaring tumaas ang water level ng upper at lower Marikina, Pasig at Tullahan River.


Kaya naman pinag-iingat ang mga residenteng naninirahan sa mga sumusunod na lugar at maging alerto sa posibilidad na pagbaha at landslide:


Upper Marikina River:

• Rodriguez

• Antipolo

• San Mateo

• Quezon City

• Marikina

• Pasig


Lower Marikina River:

• Pasig

• Mandaluyong


Pasig River:

• Quezon City

• Mandaluyong

• Manila


Tullahan River:

• Quezon City

• Caloocan

• Malabon

• Navotas

• Valenzuela


• Mango River (Rodriguez)

• Nanka River (Marikina, San Mateo, Antipolo)

• San Juan River (Quezon City, San Juan, Manila)


Pinaalalahanan din ng PAGASA ang mga residente sa Cagayan at Isabela sa posibilidad na pag-apaw ng Cagayan River basin.


Sa ngayon ay nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Aurora, Catanduanes, Camarines Norte, pati na rin ang ilang parte ng Camarines Sur, Quirino at Nueva Vizcaya dahil sa Bagyong Ulysses.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page