top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 28, 2020




Naabot ng munisipalidad ng La Trinidad, Benguet ang pinakamababang temperatura sa 9.9 degrees Celsius dahil sa hanging amihan nitong Huwebes nang umaga.


Ayon sa PAGASA weather forecaster na si Ariel Rojas, lalo pa itong bababa sa second half ng December at mas lalamig pa pagtungtong ng Enero at Pebrero na peak month ng amihan sa Pilipinas.


Samantala, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang malamig na panahon ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa pagkalat ng COVID-19. Ngunit, pinaalalahanan nito ang lahat na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 
 

Nabigyan ng ayuda ng Tzu Chi Foundation

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 28, 2020




Hello, Bulgarians! Sa pagpapatuloy ng pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, minabuti ng Philippine chapter of the Buddhist Compassion Relief Tzu Chi Foundation na mamahagi ng bigas at grocery items sa halos 971 miyembro ng 4 na tricycle at jeepney operator at driver associations sa Valenzuela City noong Nobyembre 22, 2020.


Kabilang sa mga nabigyan ng bigas at grocery items ay 258 jeepney drivers mula sa Karuhatan – Gen. T. de Leon - Ugong Jeepney Operators and Drivers Association (KARTUJODA), 240 jeepney drivers mula sa Malinta – Valenzuela – Novaliches Operators and Drivers Association, Inc. (MAVANODA) at Malinta – Caloocan – Novaliches Jeepney Operators and Drivers Association, Inc. (MACANOJODA).


Samantala, 268 tricycle drivers naman mula sa Veinte Reales – Lingunan Tricycle Operators and Drivers Association (VRLTODA) at 205 tricycle drivers mula sa Canumay West Tricycle Operators and Drivers Association (CAWETODA) ang nabigyan din ng donasyon.


Nilalaman ng dalawang 10 kilo ng bigas, spaghetti sauce, pasta noodles, cooking oil, iodized rock salt, raw sugar, condensed milk, multi-grain instant mix, cane vinegar, soy sauce, toothpaste, toothbrush at detergent bar ang natanggap ng bawat driver at operator.


Nakatanggap din ang mga ito ng mga “new normal essentials” tulad ng face mask at face shield sa Mid-Year Relief Operations na ginanap sa Amphitheater ng Valenzuela City People’s Park.


Sa pangunguna ng ilang staff ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Engineering Office, Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG), Bantay Bayan at Valenzuela People’s Park na in-assist ng Tzu Chi volunteers, napanatili nito at naobserba ang physical distancing habang pinapamigay ang mga donasyon.


Ang Tzu Foundation ay isang international non-profit humanitarian organization na itinatag sa Taiwan ni Dharma Master Cheng Yen noonh 1966.


Bukod sa Valenzuela City, namigay na rin ito ng relief goods sa Antipolo, Marikina at Mandaluyong.


Samantala, upang makatulong sa lahat ng tricycle driver na lubos na naapektuhan ng pandemya, inaprubahan ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ang Ordinance No. 710, Series of 2020 o “Pasabuy sa TODA Ordinance,” na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa mga ito sa pamamagitan ng online delivery service kasama ang JoyRide, Happy Move PH at Food Panda Philippines, Incorporated.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 25, 2020




Maaari nang i-text ng mga concerned citizens ang kanilang hinaing at suhestiyon sa pamahalaan nang libre, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.


Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na idinagdag ng Office of the President ang text service platform na 8888 Citizen’s Complaint Center (8888 CCC) upang malaman ang hinaharap na problema ng mga simpleng mamamayan.


Aniya, “Citizens can now simply text 8888 from both Globe and Smart and their affiliate telcos and raise their concerns, complaints and grievances on graft and corrupt practices by government officials and employees and slow and inefficient delivery of government services and requests for government assistance, free of charge.”


Dagdag pa nito, one text away na lamang ang pagsumbong sa mga korap, tamad at walang kakayahang maging opisyal sa gobyerno.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page