top of page
Search

ni Thea Janica Teh | December 1, 2020




Umabot sa 78 pasyente ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ngayong Martes.


Agad na pinayuhan ni Dr. Rose Marie Liquete na bumisita agad sa clinic o ospital ang sinumang makararanas ng ilang sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panginginig, muscle pain, pagsusuka, paninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pagtatae at rashes. Ito ay upang makakuha agad ng prophylaxis na dapat inumin sa loob ng 24 hanggang 72 oras at maagapan ang sakit.


Kung hindi ito maaagapan agad, maaari itong humantong sa acute kidney o liver failure at maging respiratory failure.


Dagdag ni Dr. Liquete, upang maiwasan ang leptospirosis, kinakailangan na huwag magbabad sa maruming tubig at linisin at itapon sa tamang tapunan ang mga basura. Aniya, “Environmental ang importanteng prevention.”

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 1, 2020




Hello, Bulgarians! Tinatayang nasa P23.1 bilyong halaga ng 13th month bonus na ang naipamahagi gamit ang Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) at iba pang participating banks ng Social Security System (SSS) sa pakikipagtulungan sa Development Bank of the Philippines (DBP) na maaari nang matanggap ngayong Disyembre 1-4, 2020.


Bukod pa rito, naipamahagi na rin ng SSS ang mahigit P2 bilyon para sa NON-PESONet participating banks na madi-disbursed na sa mga pensioners sa Disyembre 4.


Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, masaya nitong ipinaaalam sa kanilang mga pensiyunado na maaari na nilang makuha ang kanilang 13th month bonus nang mas maaga kaysa noong isang taon. Naglaan umano ang SSS ng mahigit P25.2 bilyon para sa bonus kasama na ang December pensions.


Ang lahat ng mga pensiyunado ay makatatanggap na ng kanilang 13th month bonus ngayong Disyembre 1 habang ang kanilang pension naman ay matatanggap sa pagitan ng Disyembre 1-15. Ang mga makatatanggap naman ng pension simula Disyembre 16-31 ay makukuha ang kanilang bonus sa Disyembre 4.


Samantala, para naman sa mga nag-advanced 18-month pensions at naipong ACOP-suspended pension, matatanggap nila ang kanilang bonus sa Disyembre 4 at 16.


Nakipagtulungan na ang SSS sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) upang unahin ang mga delivery ng checks at ma-enjoy agad ng mga pensionado ang kanilang bonus.


Para sa iba pang katanungan, maaaring i-follow ang kanilang Facebook Page na Philippine Social Security System, Instagram sa @mysssph, Twitter sa PHLSSS o sumali sa kanilang Viber Community na MYSSSPH Updates.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 29, 2020




Mas pinababa na ang presyo ng COVID-19 test sa Philippine Red Cross (PRC) upang mas maraming tao ang mahikayat na sumailalim dito.


Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, nakipag-deal umano ito sa China upang makabili ng mga test kits sa pinakamababang presyo.


Tinatayang nasa ₱3,409 na lamang ito kung kakaltasan pa gamit ang PhilHealth at ₱3,800 naman para sa pribadong indibidwal.


Dagdag pa ni Gordon, susubukan pa umano nilang babaan ang presyo upang maging abot-kaya sa lahat.


Matatandaang noong Nobyembre 25 ay naglabas ang Department of Health ng price cap na ₱4,500 to ₱5,000 (Pribadong pasilidad) at ₱3,800 (Pampublikong pasilidad) para sa Real-time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page