top of page
Search

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 21, 2020


ree


Hello, Bulgarians! Simula Disyembre 9, 2020, ni-refund na ng Social Security System (SSS) ang lahat ng April at May 2020 loan payments ng mga pensioner na humiram sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP).


Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, ito ay may kabuuang P253,584,557.76 sa 56,750 pensioner-borrowers.


Dagdag pa ni Ignacio, ang mga entitled sa refund na ito ay mga pensioners na nabawasan ang pension noong April at May sa ilalim ng PLP at kasalukuyang nag-amortize sa implementation date.


Ipinaliwanag naman ni Ignacio na makatatanggang ng 2 buwang refund ang mga pensioner na nakapagbayad ng loan amortization noong April at May 2020. Ang mga nagbayad ng May ay isang buwan lamang ang mare-refund.


“We want to advise our pensioners that they no longer have to visit SSS to apply for the said refund. Starting December 9 and 10, we automatically credited the refunds to qualified pensioners through their respective Union Bank QuickCard savings accounts where the proceeds of their pension loans were also credited,” sabi ni Ignacio.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Ignacio na extended ang loan payment term ng mga pensioners ng isa hanggang dalawang buwan ng walang additional interest o penalty. Ito ay extended hanggang June 2021.


Samantala, maaari namang mag-renew ng loan ang mga pensioners matapos ma-expired ang kanilang original loan payment term. Ngunit, ibababawas na ng SSS ang remaining balance mula sa una nitong loan.


Nagsimula ang PLP noong September 2018 upang matulungan ang mga retiree-pensioners sa kanilang short-term financial needs sa pmamagitan ng low-interest loan.


Mula January hanggang November 2020, nakapaglabas na ang SSS ng P3.17 bilyongworth ng pension loans para sa halos 69,813 pensioners.


Para sa iba png katanungan, maaaring i-follow ang SSS sa kanilang social media accounts Facebook (Philippine Social Security System); Instagram (@mysssph); Twitter (@PHLSSS) o sumali sa kanilang Viber community sa MYSSSPH Updates.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 19, 2020


ree


Inaprubahan na ng United States nitong Biyernes ang paggamit ng COVID-19 vaccine na Moderna, ang ikalawang vaccine na gagamitin bilang emergency use.


Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Stephen Hahn, "With the availability of two vaccines now for the prevention of COVID-19, the FDA has taken another crucial step in the fight against this global pandemic."


Agad din itong inanunsiyo ni US President Donald Trump sa kanyang Twitter account at sinabing "Congratulations, the Moderna vaccine is now available!"


Ang US ang kauna-unahang nag-authorize ng two-dose regimen sa Moderna, na ngayon ay ikalawang vaccine na ipamamahagi sa Western country sumunod sa Pfizer-BioNTech.


Nitong Disyembre 2, inaprubahan ng Britain ang Pfizer-BioNTech vaccine at sinundan na ito ng iba pang bansa sa buong mundo kabilang ang US.


Ang Pfizer at Moderna vaccine ay parehong base sa cutting edge mRNA (messenger ribonucleic acid) technology at pareho ring nagpakita ng 95% effectivity laban sa COVID-19.


May ilang side effects na naitala sa mga vaccine na ito tulad ng pain at the injection site, tiredness, headache, muscle pain, chills, joint pain, swollen lymph nodes, nausea, vomiting at fever.


Pero ayon sa US FDA, walang dapat ikabahala ang publiko dahil under monitoring na nila ang mga nakaranas ng side effects.


Plano nang ipadala sa US ang 20 milyong Moderna vaccine ngayong buwan at 80 milyon sa unang quarter ng 2021.


Samantala, ipamamahagi naman ang 100 milyong dose ng Moderna vaccine sa second quarter ng taon.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 19, 2020


ree


Malungkot na inanunsiyo ng vlogger na si Viy Cortez sa kanyang latest vlog na siya ay nakunan sa baby nito kay Cong TV na isa ring vlogger.


Sa video na may title na “Blessing”, ikinuwento nito na noong Disyembre 12 lang nila nalaman ni Cong na siya ay buntis.


Aniya, “Sobrang saya niya na nalaman niya na buntis ako. Tapos nagpa-check-up kami, nalaman ko na six weeks pregnant na ako nu'ng December 12."


Ipinamalita na rin ng dalawa ang unexpected blessing na ito sa kanilang pamilya at sa grupo nilang Team Payaman.


Sa sobrang saya umano nila ni Cong ay nagsimula na itong magplano para sa kanilang baby.


Ngunit, nitong Disyembre 18, sa kanilang monthsary, dinugo umano si Viy at nakunan.

"Kahapon, nakunan ako. At ngayong araw, na-confirm na wala na talaga. Nakunan pala talaga ako kahapon nu'ng dinugo ako."


Hindi napigilan ni Viy na maiyak sa kanyang pagkukuwento. Ginawa niya rin umano ang video na ito upang maalala ang kanilang baby kahit sa saglit na panahon lamang.


"Sobrang saglit lang, pero sa saglit na 'yun, sobrang dami naming plano ni Cong. Gusto kong makilala n'yo siya kahit ganu'n kasaglit."


Dagdag pa ni Viy, nag-aalala umano sa kanya si Cong ngunit, sinabi nito na nasa recovery stage na siya.


"Dumating siya, blessing siya ni Lord, pero siguro, ganu'n talaga. Baka hindi pa tamang oras, baka may tamang oras. Darating din 'yung tamang oras."


Nakilala si Viy Cortez at Cong TV sa kanilang nakakatuwang mga vlogs kasama ang Team Payaman at sa mga business nito tulad ng Cong clothing, VIY line cosmetics at marami pang iba.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page