top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 3, 2024



Photo: Bea Alonzo / Dominic Roque - Instagram


Sa latest post ni Bea Alonzo, nabanggit niyang sanay na sanay na siya sa pag-iisa. Nag-enjoy daw siya sa Spain nang magbakasyon doon dahil nagawa niya ang mga bagay na akala niya ay hindi niya magagawa. 


Wala siyang ka-date at walang mga kaibigan na kasama, mag-isa siyang nagpunta sa bar at namasyal sa mga scenic spots sa Spain. 


Ibang-iba ang freedom na kanyang naramdaman. Dito raw napatunayan ni Bea na hindi niya kailangan ang may ka-date upang sumaya ang kanyang buhay. 


Secured na secured ngayon si Bea Alonzo sa status niya bilang solo at single. Dati ay akala niya’y malungkot kapag walang love life, pero kasabay ng kanyang pagma-mature, marami siyang natutunan. Hindi lang daw puso ang dapat na pairalin kapag nagmamahal. 


Bukod dito, lagi niyang naaalala ang payo ng kanyang ina na gamitin din ang kanyang utak upang hindi magkamali sa pagpili ng lalaking mamahalin. 


Well, kailan kaya matatagpuan ni Bea Alonzo ang kanyang ‘the one’? Wala ba siyang regrets na pinakawalan niya si Dominic Roque?




MARAMING kalalakihan ang napa-wow nang makita ang mga sexy photos ni Julie Anne San Jose nang i-launch siya bilang Calendar Girl ng Ginebra para sa 2025.


May mga nagsasabing si Julie Anne ang karapat-dapat gumanap na Darna kung sakaling i-remake itong muli. Napunta na kasi sa ABS-CBN ang rights na gamitin ang Darna, at may pahintulot dito ang pamilya ng yumaong nobelista na si Mars Ravelo. 


Dati, ang GMA Network ang may-ari ng rights ng Darna, kaya nagawa ito ni Angel Locsin noong nasa GMA-7 pa siya. Sumunod na gumanap bilang Darna ay si Marian Rivera, at dito siya sumikat nang husto.


Kung sakali na matapos na ang kontrata ng ABS-CBN sa Ravelo family para sa rights ng Darna, posibleng mabenta ang rights nito sa ibang network. 


Well, wish ng mga fans at supporters ni Julie Anne San Jose na sana, siya na ang sumunod kay Marian Rivera bilang Darna. Bagay na bagay daw tiyak ang costume ni Darna sa Limitless Star.



Dahil sa kalasingan…

ARCHIE, WALA NANG KAYOD, NAKADEMANDA PA




SAYANG ang oportunidad na pinakawalan ni Archie Alemania. Dahil lang sa nawalan siya ng control sa sarili nang siya ay malasing, nakagawa siya ng mga bagay na labag sa kagandahang-asal. Hindi dahilan na single mom si Rita Daniela ay maaari na niyang bastusin ito. 

Pareho pa naman silang GMA artists at ‘kuya’ ang turing sa kanya ni Rita. Dapat ay inilalagay ni Archie sa tamang lugar ang kanyang sarili at hindi dapat nagpapakalasing. 

May problema ba si Archie Alemania sa kanyang personal na buhay? Ang asawa niya ngayon ay si Gee Canlas at may anak sila.

Nakarelasyon din niya si Mickey Ferriols noon, nagkaroon sila ng anak na lalaki pero nauwi rin sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama. 

Minsan din siyang na-link kay Kim Domingo nang magkasama sila sa isang project. 

Ngayong idinemanda siya ni Rita Daniela dahil sa ginawa niyang pambabastos sa pagkababae nito, jobless na siya dahil sa pagkakatanggal sa kanya sa seryeng Widows’ War (WW) at may haharapin pang kaso. 

Hindi man lang ba naisip ni Archie Alemania na ang kanyang kawalan ng control sa sarili kapag siya ay nalalasing ay malaking hadlang sa pag-angat ng kanyang career? 

Sayang!




 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 2, 2024



Photo: Marvin at Jolina - Marvin Agustin's FB


Tiyak na matutuwa ang mga loyal fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang kanilang reunion movie titled Ex Ex Lovers to be directed by JP Habac.  


Matagal nang inire-request ng kanilang mga fans na muli silang magtambal sa pelikula, at handa silang suportahan ang proyekto. 


Kumpirmado nang matutuloy ito sa ilalim ng Project 8 Productions, isang Manila-based movie outfit. Si Direk Dan Villegas, isa sa mga producers, ay masigasig na nagtatrabaho para sa Jolina at Marvin reunion movie.


Excited din sina Jolina at Marvin sa pagkakataong ito, na ilang taon nang hinihintay ng kanilang mga fans. Nais nila na sana ay walang aberya, dahil naiinip na rin ang kanilang mga supporters sa muli nilang pagtatambal sa big screen. 

Tiyak na magkakaroon pa rin ng kilig ang iconic love team nila.



SEN. BONG, BALIK-SITCOM BAGO MAG-ELEKSIYON





MASAYANG-MASAYA at excited ang buong cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (Part 3) sa kanilang first day of taping. 


Sa pangunguna nina Sen. Bong Revilla, Jr., Beauty Gonzalez, Carmi Martin, at Niño Muhlach, maayos naman ang mga eksenang kinunan. Lahat ay sabik na muling bumalik sa set dahil na-miss nila ang magandang samahan at pagkukulitan ng buong cast. 


Mapapanood pa rin si Sen. Bong sa telebisyon hanggang February 2025, ang pinaka-cut-off para sa mga artistang tatakbo sa election 2025. 


Pinagbigyan din ang kahilingan ng cast na magkaroon ng Part 3 ang serye na malaking tulong sa mga artista at production staff para magkaroon ng trabaho. Kaya ibinibigay nila ang todo-effort para sa action-comedy serye. 


Aabangan din ng mga viewers ang mga big stars na tiyak na papasok at magge-guest.



PINAGHAHANDAAN nang husto ni Ruru Madrid ang sequel ng hit series niyang Lolong, na malapit nang muling mapanood sa GMA-7. Kapansin-pansin na medyo lumaki ang katawan ni Ruru at fit na fit na siya para sa mga action scenes. 

Isang malaking proyekto ito at big-budgeted ang Lolong, na talagang gagastusan ng GMA Network, hindi lang sa cast at location, kundi maging sa mga special effects. Tiyak na aabangan ng mga viewers kung sinu-sino pang Kapuso stars ang madaragdag sa cast. 

Ikinatuwa rin ni Ruru na makakasama niya sa Lolong Part 2 si Rocco Nacino. 

Magiging abala si Ruru sa pagpasok ng taong 2025, excited din siya dahil nakasama siya sa pelikulang Green Bones (GB) sa MMFF 2024, na bida si Dennis Trillo. 

Kakaiba ang tema ng GB at parehong markado ang role nila rito. Ang GB ay joint venture ng GMA Pictures at ng movie outfit nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kasama rin ang mga artista tulad nina Iza Calzado, Kylie Padilla, Alessandra de Rossi, at Sofia Pablo.



Maka-relate kaya si Manilyn Reynes sa episode ngayon ng Pepito Manaloto (PM)? 

Aligaga ang pamilya, kaibigan, at mga kasambahay ng Manaloto family sa paghahanda ng sorpresa para kay Elsa (Manilyn Reynes) na magga-graduate sa isang kursong kinuha niya. Gusto siyang bigyan ng kakaibang regalo at sorpresa ni Pepito (Michael V). 


Wow! Tiyak na maraming viewers ang matutuwa sa PM.

Congratulations, Manilyn!



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 1, 2024



Photo: Ang Labubu dolls nina Nadine Samonte at Marian Rivera / Instagram


Bina-bash ngayon ang Kapuso actress na si Nadine Samonte at inaakusahang nanggagaya kay Marian Rivera na nangongolekta na rin ng nauusong Labubu dolls. Hindi alam ni Nadine na may collection din ng Labubu dolls si Marian. 


Matagal na siyang may mga Labubu dolls, kaya unfair na siya ay laitin at i-bash ng ilang mga fans ni Marian at pagbintangang gaya-gaya lang. Tiyak na hindi rin gusto ni Marian ang ginagawa ng kanyang mga fans kay Nadine. 


Nabanggit naman ni Nadine Samonte na si Marian mismo ang nagsabi sa kanya kung sino ang mga suppliers niya ng mga rare at hard-to-find Labubu dolls. 


Aminado si Nadine na nasasaktan siya sa mga comments ng ilang bashers sa kanya. May isang basher kasi na pati 'yung insidente sa GMA Grand Ball ay binanggit pa, sabay sabing, “Kaya ka pala nawalan ng seat sa GMA Gala.” 


Ang tanong, ano'ng connect nito sa kanyang pagko-collect ng Labubu dolls? 

Well, bakit nga kaya si Nadine lang ang isini-single out at inaaway ng mga fans ni Marian Rivera dahil lang sa Labubu dolls? Marami naman sila, tulad nina Heart Evangelista, Vice Ganda, Anne Curtis at Jinkee Pacquiao na Labubu dolls collectors din. 


Si Heart, hindi bumibili dahil pinadadalhan siya ng mga suppliers ng orihinal na Labubu dolls. 


'Kakalokah ang mga bashers ngayon, umaastang mga "Monster Dolls" na rin!



TIYAK na maraming mga fans ni Julie Anne San Jose ang nagulat nang tanggapin niya ang offer upang maging Calendar Girl ng Ginebra. Hindi naman kasi siya sexy star na tulad ng ibang naunang Calendar Girls. 


Nag-umpisa siya bilang wholesome na singer, hanggang naging artista. Bihasa na rin si Julie Anne sa pagho-host ng talent search show tulad ng The Clash (TC), at mentor naman siya sa The Voice Kids (TVK). 


Binansagan din si Julie Anne bilang Limitless Star dahil sa tagumpay ng kanyang mga concerts. 


Well, career move ba para kay Julie Anne San Jose ang kanyang pagtanggap na maging Calendar Girl? At okey naman kaya sa nobyo niyang si Rayver Cruz ang pagbabagong-imahe niya.


Sey naman ng mga netizens, hindi na teenager si Julie Anne. Kailangan na rin na mag-grow at mag-level-up siya bilang artist. Besides, ang mga sexy pictorial naman niya bilang Calendar Girl ay hindi vulgar kundi konting pasilip lang sa kanyang kaseksihan at nasa tamang edad na rin naman siya.



MARAMING fans ni Sen. Lito Lapid ang nagtatanong kung ano na raw ang mangyayari sa kanyang karakter bilang si Primo sa Batang Quiapo (BQ), kapag ipinatupad na ang pagpapa-ban na lumabas sa telebisyon ang sinumang artista na kakandidato sa midterm elections 2025. Pagpapahingahin ba ang kanyang role o tuluyan nang papatayin sa istorya ng BQ


Tiyak na marami ang maghahanap at magpoprotestang mga viewers kung hindi na mapapanood si Sen. Lito Lapid sa BQ. Importante pa naman ang kanyang partisipasyon sa serye ni Coco Martin dahil siya ang nagsu-supervise ng mga stunts na ginagawa at kinokonsulta rin siya ni Coco kung ano pa ang puwedeng gawin upang mapaganda pa ang serye.


Nami-miss ni Sen. Lito ang pag-arte kaya nalilibang siya sa kanyang role sa BQ.

Samantala, isa si Sen. Lito Lapid sa mga nagpadala ng ayuda sa mga binahang lalawigan nang manalasa ang Bagyong Kristine. Naging aktibo sa pagtulong ang kanyang staff upang mapabilis ang pagpapadala ng tulong sa mga binaha sa Bicol Region. 

Sa Boracay, nagpadala siya ng team upang tulungan ang mga stranded na transport drivers at mga pasyente ng hospital. Namigay din siya ng mga medical kits. 



ANG ‘power couple’ na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen ang special guests sa birthday episode ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kaya hindi napigilang maging emosyonal nina Ariel at Boy nang sila ay magkaharap. 


Matagal nang mina-manage ni Boy ang career ni Ariel, at malalim ang kanilang pinagsamahan. Hindi man sila madalas na magkita at magkausap, hindi nawawala ang respeto nila sa isa’t isa. 


Sey nga ni Ariel Rivera, malaki ang nagawa ni Tito Boy upang mabago ang kanyang buhay at magkaroon ng singing career. Siya raw ang nagsilbing mentor/adviser niya at marami itong naituro sa kanya. 


Napupuri naman ni Boy Abunda ang tahimik at simpleng pamumuhay ng pamilya nina Gelli at Ariel Rivera. Hindi materialistic ang couple, sa kabila ng kanilang celebrity status. 


Isa pa sa mga napuri ni Tito Boy kay Gelli ay hindi ito naniwala sa kumalat na intriga noon na ayaw sa kanya ni Tito Boy para kay Ariel Rivera. Ngayon ay nakikita naman ng lahat na in good terms sila ni Gelli at masaya ang married life nila at may grown-up kids na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page