top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 28, 2024



Photo: Kobe at Kyline - Instagram, Kobe Paras


Inseperable ang magkasintahang sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, kaya madalas silang magkasama sa iba't ibang events at okasyon. Kapag may mga shows na tinatanggap si Kyline, lagi niyang kasama ang nobyo niyang si Kobe. Dahil dito, sobrang kinikilig ang kanilang mga fans.


Pasado si Kobe sa mga solid fans ni Kyline dahil mabait, marespeto, at alagang-alaga niya ang aktres. Gayunpaman, may ilang mga netizens na nagtatanong kung ano na ang plano ni Kobe sa kanyang basketball career. Mukhang nalilibang na raw ito sa showbiz dahil sa palaging pagsama sa kanyang nobya.  


Samantala, wish ni Kobe na makasama ang kanyang ina na si Jackie Forster ngayong Pasko. Pero dahil nasa abroad ito, hindi ito makakauwi ng Pilipinas. Kaya naman sa bahay na lang daw nina Kyline siya magpa-Pasko, kasama ang pamilya ng aktres. Para kay Kobe, sila na ang magiging pamilya niya ngayong Kapaskuhan.  



MALAKI ang pasasalamat ni Heart Evangelista sa mga photographers na nagko-cover sa mga Fashion Week events sa Paris at New York.


Dahil sa kanilang magagandang kuha, nakuha si Heart bilang cover ng international magazine na Vogue.


Malaking boost ito para sa kanyang modeling career, kaya’t naging in-demand siyang endorser ng malalaking beauty products at iba pang kumpanya.


Ang latest niyang endorsement ay ang Coke Zero in can. Napakasosyal ng kanyang photos para sa nasabing soft drink ad campaign.


Bukod dito, ang pagsikat ni Heart sa mga fashion events ay napapansin ng malalaking business groups sa Paris at New York. Kahit abala, hindi nakakalimutan ni Heart na mag-treat ng merienda para sa mga photographers na nagko-cover ng events. 


Paborito siya ng mga foreign photographers dahil napaka-sweet niya at hindi umaastang primadonna. Dahil dito, lumulutang ang presence niya kahit maraming magagandang international models na rumarampa sa Fashion Week.  



DAHIL sa kanyang sipag at taos-pusong pagtulong sa mga nangangailangan, sunud-sunod ang mga parangal na natanggap ni Sen. Bong Revilla, Jr. 


Sa nakaraang Lingkod Bayan Awards 2024, isa siya sa mga pinarangalan bilang Outstanding Senator of the Philippines.


Sa Gawad Pilipino Awards, binigyan siya ng parangal bilang “Asia’s Distinguished Leader

in Public Service”. 


Nakikita ng sambayanan na si Sen. Bong ang nangunguna sa pagtulong tuwing may kalamidad. Maging ang mga binaha at nasunugan ay agad niyang pinupuntahan upang magbigay ng ayuda.  


Marami rin siyang naipasang batas na lubos na kapaki-pakinabang, tulad ng “Expanded Senior Citizens Act” at ang batas na nagdaragdag ng allowance para sa mga guro. 


Siya rin ang masigasig na tumutol sa “no payment, no enrollment policy” sa mga paaralan.  


Dahil dito, nasa top senatoriables si Sen. Bong Revilla, Jr.. Marami ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang isang public servant.  



HINAHANAPAN ng GMA Network si Jillian Ward ng babagay sa kanya bilang love team o leading man. Mukhang may chemistry naman sila ng Sparkle artist na si Michael Sager, na guwapo at tisoy. Bagay ang kanilang personalidad dahil mestiza type si Jillian.  


Kampante si Jillian kay Michael dahil nagkatrabaho na sila sa seryeng Abot Kamay na Pangarap (AKNP). Madali silang nagkasundo, kaya’t meron nang mga fans ang kanilang tambalan, ang “JilMike”. 


May bagong hairstyle ngayon si Jillian—nagpakulay siya ng buhok, at bumagay naman ito sa kanyang mestiza features. 


Bukod sa kanyang guest appearance sa sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, gumaganap din siyang doktora rito.  


Excited si Jillian sa kanyang bagong proyekto—isang romantic-comedy movie. Gustung-gusto niya ito dahil sobra siyang napagod sa mga dramatic scenes ng AKNP.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 27, 2024



Photo: Darren Espanto at Cassy Legaspi - NP / Rei Anicoche Tan FB


Samantala, na-curious kami nang makita naming sweet na naman sina Darren Espanto at Cassy Legaspi na parehong um-attend sa birthday party ni Ms. Rhea Tan kamakailan.


Parehong endorsers ng Beautederm ang dalawa na minsan na ring na-link lalo na nu'ng makasama sila sa movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa nakaraang MMFF 2023, ang When I Met You in Tokyo.


Pareho namang single ngayon sina Darren at Cassy at wala pa ring ibang nali-link sa kanila kaya kung maging close uli sila, wala namang masama.



MEMORABLE birthday gift para sa CEO ng Beautéderm, Inc. na si Rhea Anicoche Tan ang karangalang natanggap niya kamakailan. 


Siya ang hinirang na Darling of the Press ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa katatapos lang na 39th Star Awards for Movies. 


Bukod dito, siya rin ang ginawaran ng Diamond Award for Excellence in Business and Wellness ng Pampanga Press Club.  


Sobra ang dedikasyon at sipag ni Rhea Tan sa kanyang Beautéderm business, kung saan mga sikat na celebrities ang kanyang mga brand ambassadors. 


Mahal ni Rhea Tan ang kanyang mga endorsers at itinuturing na niyang pamilya ang mga ito. 


Well-loved siya ng kanyang celebrity endorsers dahil sa pagiging down-to-earth, humble at generous.

Congratulations, Ms. Rhea Anicoche Tan and belated Happy Birthday!



Akala mo vice-president, ha? BAGUHANG AKTOR, TALO PA ANG DYOWANG MAY-ARI NG BAHAY, TODO-UTOS SA MGA KASAMBAHAY


BLIND ITEM:

USAP-USAPAN ngayon sa showbiz ang baguhang aktor na nagkaere at may attitude na matapos maging jowa ng isang sikat na celebrity. 


Kung umasta raw ang baguhang aktor ay parang siya ang may-ari ng mansion ng kanyang jowa. Grabe raw itong mag-utos sa mga kasambahay, kaya inis na inis ang mga ito sa kanya. Daig pa raw ng baguhang aktor ang mismong may-ari ng bahay kung mag-utos.


May mga sikreto rin daw ang baguhang aktor na alam ng mga kasambahay, kabilang na ang pagkakaroon nito ng anak. Tiyak na makakaapekto ito sa kanyang career kapag nalantad sa publiko. 


Ang tanong ng mga netizens, alam kaya ng sikat na celebrity na may anak na ang jowa niyang aktor? Mananahimik na lang ba ito at magpapakamartir para lang hindi siya iwan ng spoiled niyang jowa? 



LUBOS ang pasasalamat ni Roderick Paulate kay Nora Aunor at sa NV Productions dahil sa pagkakataong makasama siya sa pelikulang Alkitrang Dugo (AD) na naging matagumpay at pinag-usapan sa buong showbiz noon. 


Kaya naman, nang siya ang nahirang na recipient ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, dito niya idinaan ang kanyang pasasalamat sa Superstar at National Artist na si Nora.  


Limampu’t walong taon na sa showbiz si Roderick, na nagsimula bilang child actor. Nakagawa na siya ng 150 pelikula. Marami sa mga ito ay produced ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde. 


Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang Seiko Films, kung saan gumawa siya ng dalawang pelikula — Ako si Kiko, Ako si Kikay at Leron, Leron Sinta (LSS). 


Nagpapasalamat din si Roderick dahil aktibo pa rin siya sa paggawa ng pelikula at patuloy na kinukuha ng mga producers. 


May sitcom din siya sa TV5, ang Da Pers Family (DPF), kasama sina Aga Muhlach, Charlene Gonzales, Bayani Agbayani, Atasha at Andres Muhlach.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 26, 2024



Photo: Kim Chiu - FB, IG - Tanduay


Marami ang nagulat kung bakit ang Chinita Princess na si Kim Chiu ang piniling Calendar Girl ng Tanduay, eh, hindi naman siya matatawag na sexy. 


Bukod dito, flat-chested si Kim, para siyang kawayan na diretso lang ang katawan at walang puwet. Hindi siya tulad ng ibang Calendar Girls na voluptuous at oozing with sex appeal.


Anyway, hindi naman nagpaapekto si Kim sa kanyang mga bashers, dedma siya sa mga kritiko. Naniniwala si Chinita Princess na hindi na uso 'yung may voluptuous body lang ang may karapatan na matawag na sexy. Kahit ano pa ang body shape ng isang babae, kahit na tabachingching pa, basta’t feeling niya ay sexy siya, ‘yun na ‘yun!


Hindi dapat ma-insecure kung hindi pang-Ms. Universe ang korte ng katawan. Walang kiber si Kim kahit na sabihin pa ng mga bashers na kaya lang siya kinuha bilang Calendar Girl ay dahil sikat na sikat siya.



Malaking threat sa ibang movie outfits ngayon ang Mentorque Productions na pinamumunuan ni Bryan Diamante. Sila rin ang producer ng pelikulang Mallari na pinagbidahan ni Piolo Pascual at kumita nang malaki noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023. 


Super-bongga ang ginawang pag-promote noon ng Mentorque Productions sa Mallari, talagang pinag-usapan at tumatak sa moviegoers ang pelikula at humakot ng awards.


Ngayon, mas malaking hamon ang haharapin ng Mentorque Productions sa pelikulang Uninvited na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Aga Muhlach, kasama sina Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, RK Bagatsing, Gio Alvarez, Gabby Padilla, atbp..


Maging si Direk Dan Villegas ay may dapat patunayan sa pelikulang Uninvited. Dalawang premyadong artista ang bida sa movie, sina Vilma Santos at Aga Muhlach. Kakaiba ito sa mga pelikulang kanyang nai-direct. 


Masusubukan ang galing ng partnership nina Direk Dan Villegas at Bryan Diamante ng Mentorque Productions sa pelikulang Uninvited na kasama sa MMFF 2024.



Marami ang nagsasabing bumagay kay Ruru Madrid ang kanyang new look ngayon para sa kanyang role sa part 2 ng seryeng Lolong


Maikli ang buhok at ang tikas-tikas ng porma ni Ruru, at lumutang ang kanyang pagiging action star. 


Matured na ang aktor, hindi na siya ang dating Ruru Madrid na patpatin at mukhang malnourished.


Kinarir nang husto ni Ruru ang pagpapaganda ng kanyang katawan upang maging physically fit siya sa pagsisimula niyang mag-taping para sa sequel ng Lolong


Marami siyang fight scenes, kaya nag-undergo siya ng training sa martial arts. Kailangan sa kanyang mga eksena na maging maliksi siya at malakas.


Pabor naman ang ilang mga netizens sa ginagawang ito ni Ruru Madrid para sa kanyang career. Hindi naman siya forever na matinee idol at nakatali sa kanyang ka-love team. Mas makakabuti kay Ruru kung magso-solo lang siya at luminya sa pagiging action star.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page