top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 4, 2024



Photo: Sue Ramirez at Dominic Roque - IG


Ayon sa isang psychic, posibleng mabuntis si Sue Ramirez sa 2025. 

Bago pa umamin sa publiko si Sue sa estado ng relasyon nila ni Dominic Roque, nabanggit na ito ng card reader-psychic na si Jay Costura. 


Naniniwala ang nasabing psychic na magkarelasyon nga sina Sue at Dominic. At kung hindi raw sila magiging maingat, posibleng mabuntis si Sue sa pagpasok ng taong 2025. 


Dahil sa balitang ito, maraming netizens ang nagtatanong kung ano'ng katangian ang nakita o nagustuhan ni Dominic kay Sue? Maganda nga ito, pero hindi pa rin siya papantay sa karisma at level ni Bea Alonzo na ex-girlfriend ni Dominic.  


Ganunpaman, marami ang humanga kay Sue dahil hindi niya pinanghinayangan na makawala si Javi Benitez na super-rich businessman-politician. Hindi siya nasilaw sa mga material na bagay lamang. At marahil, 'yun din ang hinangaan sa kanya ni Dominic Roque. 


Well, posibleng si Sue ang itinakda para kay Dominic at hindi si Bea Alonzo.



Magaling na aktor si Dennis Trillo at nahasa na siya nang husto sa pag-arte sa loob ng maraming taon ng kanyang pagiging Kapuso artist. Lahat na ng klase ng roles ay kanyang nagampanan sa mga seryeng kanyang ginawa at nahubog ang kanyang kakayahan bilang aktor. 


May lalim umarte si Dennis, kaya patuloy na pinagtitiwalaan ng GMA-7, lalo na sa ipinakita niyang husay sa pagganap sa Pulang Araw (PA) bilang isang opisyal na Hapones. 


Puwede siyang bida/kontrabida at hindi namimili ng role. Kaya marami ang nagsasabing puwede na rin siyang magdirek ng serye. Panahon na rin upang mag-level-up siya sa kanyang propesyon. 


Hindi na pagdududahan ang kanyang kakayahan sakaling mabigyan siya ng break ng GMA-7 na magdirek ng serye. Pagdating sa trabaho, napakapropesyonal at hardworking ni Dennis. 


May request naman ang mga fans nila ni Jennylyn Mercado na sana ay magkasama sa isang serye ang power couple. Magiging madali ang kanilang pagtatrabaho dahil gamay nila ang isa’t isa. 


Puwedeng rom-com ang kanilang gawin para maiba naman. Pareho silang seryosong dramatic stars, pero bagay din daw kay Dennis ang role na may pagka-comedy dahil ito ang ginagawa niya sa kanyang mga TikTok videos. 


Pati nga ang anak nila ni Jennylyn na si Baby Dylan ay isinasama ni Dennis sa kanyang mga TikTok at napaka-cute nilang mag-ama.



KAKAIBA ang bagong reality show na mapapanood early next year sa GV Live App. Ito ang The Influencers Reality Challenge (TIRC). Dito ay puwedeng sumali ang lahat ng influencers — babae, lalaki at maging ang LGBT community. 


Magpapa-audition ang GV Productions sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang makahanap ng 30 influencers na handang sumabak sa mga challenges na ibibigay sa kanila. 


Ang TIRC ay mapapanood araw-araw sa loob ng 64 days. Malaki ang premyo na matatanggap ng mananalong Ultimate Influencer Champion tulad ng P3M cash prize, P3M worth of condo unit, isang artista van worth P3M, at 2-year contract sa GV Productions Inc. na ang Chief Executive Producer ay si Niño John Fariñas.  


Ang mapipiling 30 contestants ng TIRC ay magsasama-sama sa iisang bahay lamang. Isang ancestral house sa Narvacan, Ilocos Sur ang titirhan ng mga contestants.


Tiyak na kaabang-abang ang TIRC na mapapanood din sa iba't ibang bansa. Naniniwala ang mga bumubuo ng Good Vibes Productions Inc. na ang TIRC ay isang game-changer at nababagay sa makabagong panahon. Milyun-milyong influencers sa buong mundo ang makaka-relate.


Isang sikat na celebrity at content creator ang magsisilbing host ng reality show at ang twist ng challenges—puwedeng humingi ng tulong sa viewers ang contestant upang magawa niya ang mga challenges na ibinigay sa kanya. Bongga!

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 3, 2024



Photo: Kris Aquino - IG


December na, pero walang indikasyon na matutuloy ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino na una niyang ibinalita nang bumalik siya sa Pilipinas. 


Due to health reasons, hindi kakayanin ni Kristeta ang pressure sa muli niyang paghawak ng isang TV show, lalo na kung daily ito.


Gustung-gusto ng isip ni Kris ang makabalik sa pagho-host ng isang show, pero bumibigay ang kanyang katawan at hindi pa siya ganap na magaling.  


Kaya ang payo ng kanyang mga kaibigan, fans at supporters ay magpahinga muna siya upang bumalik ang sigla ng kanyang katawan. 


Dapat maging priority ni Kris ngayon ang kanyang kalusugan. Mas mahalaga na gumaling muna siya bago bumalik sa telebisyon. Mag-enjoy na lang muna siya kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa darating na Pasko!  


Sa ngayon, patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling ang mga taong nagmamahal kay Kris Aquino.  



TAMA lang ang desisyon ni Daniel Padilla na mag-switch na sa pagiging action star at 'wag na munang gumawa ng rom-com movies.


Nabuwag na ang love team nila ni Kathryn Bernardo nang sila ay maghiwalay. Kailangan na mag-solo muna siya at i-reinvent ang sarili bilang action star. 


Mas tatagal pa ang kanyang career kung lilinya siya ngayon bilang action star tulad ng kanyang Tito Robin Padilla at amang si Rommel Padilla.


Bagay kay Daniel ang bago niyang project sa ABS-CBN. Bibida siya sa action-drama seryeng Incognito kasama sina Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Anthony Jennings, Maris Racal at Kaila Estrada. 


Ang bongga ng ipinasilip na trailer ng Incognito na mistulang isang malaking action movie na ginastusan nang milyones. Ito ay mula sa direksiyon ni Lester Pimentel at mapapanood sa Netflix sa January 17, 2025. Sa January 20, 2025 ay eere rin ito sa iWant TFC, Kapamilya Channel, at A2Z Network. 


Punumpuno ng action ang mga eksena sa Incognito. Apat na buwang nag-undergo ng martial arts training ang buong cast bago sumabak sa mga action scenes. 



LABIS na nagtataka ang marami kung bakit pumasok na rin sa showbiz ang anak nina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski na si Robbie Jaworski. 


Anak-mayaman daw ito at hindi naman breadwinner ng pamilya. Nakapag-aral din siya sa mga prestihiyoso at mamahaling unibersidad at may mina-manage ngayon na hotel business. 


Sino ang kumumbinse kay Robbie na mag-artista na rin?  


Ang inaasahan ng iba ay lilinya si Robbie sa larong basketball, kung saan inidolo ng marami ang kanyang Lolo Robert Jaworski na mas kilala bilang Jawo o Big J. 


At bakit hindi rin siya luminya sa pagiging equestrian tulad ng kanyang mom na si Mikee Cojuangco o tumakbong pulitiko tulad ng kanyang Daddy Dodot na vice-mayor ngayon ng Pasig City?


Sa negosyo muna luminya si Robbie nang kailangan ng kanyang dad ang makakatulong sa pamamahala sa kanilang hotel business. Kaya medyo late na (he’s 24 years old now) nang nag-decide siyang mag-artista.


Pagdating sa love life, napaka-private ni Robbie. Pero aminado siyang super crush niya ang Chinita Princess na si Kim Chiu. Nasubaybayan daw ni Robbie ang pagsikat ni Kim at hanga siya sa pagiging mapagmahal sa pamilya ng aktres.


Well, good idea sana kung pagtatambalin sa isang project sina Kim Chiu at Robbie Jaworski, tutal, pareho naman silang Star Magic artist!



Tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng programang Unang Hirit para sa kanilang 25th year anniversary. 


Ang UH ang longest-running morning show sa telebisyon na sinubaybayan ng libu-libong viewers sa buong bansa.


Maraming celebrities ang naging bahagi ng Unang Hirit at maraming segments ang kanilang inihandog sa mga viewers.


Ilan sa mga orig na hosts ng UH ay sina Arnold Clavio, Suzy Entrata, Lyn Ching, at Connie Sison. 


Naging asset din sa UH sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Maris Umali at Atty. Gabby Concepcion.


Maging si Rhea Santos ay ilang taon ding naging bahagi ng UH, pero ngayon ay nakabase na sa Canada.


Si Luane Dy, nakasama rin sa UH bago nag-asawa.


Bongga ang inihanda ng production team ng Unang Hirit para sa kanilang 25th anniversary. Malalaking premyo ang kanilang ipamimigay sa kanilang mga loyal viewers.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 2, 2024



Photo: Mark Herras - Instagram


Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap si Mark Herras nang dumalo siya sa media conference ng bagong Influencers Reality Challenge na produced ng GV Productions. Slim si Mark ngayon, pero bagets pa rin ang dating. 


Ibinahagi niya na malapit nang matapos ang ipinatatayong bahay nila, at plano nilang doon na magdiwang ng Pasko at ng kanyang kaarawan ngayong December. 


May tatlong taong gulang na anak si Mark sa kanyang non-showbiz wife, at marami na raw ang nagbago sa kanyang buhay mula nang magkaroon ng pamilya.  


Wala na siyang nightlife at barkada, trabaho na lang ang pinagkakaabalahan niya. 


Wala na rin siyang manager, pero may two-year contract siya sa GMA Network. 


Sa ngayon, may mga out-of-town shows at events siyang pinagkakakitaan habang naghihintay ng bagong proyekto mula sa GMA.  


Huling napanood si Mark sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP). Dati, si Lolit Solis ang kanyang manager. Maayos naman ang kanilang paghihiwalay at maganda ang kanilang naging usapan. 


Ngayon, kahit ano'ng role ay tinatanggap ni Mark dahil kailangan niyang buhayin ang kanyang anak at asawa.  


Malaki na ang ipinagbago ni Mark Herras. Mas mature na siya at maayos ang tinatahak niyang landas ngayon. Siya ang kauna-unahang itinanghal na Male Grand Winner sa reality show na StarStruck.



Matagal nang bukas sa publiko ang personal na buhay ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Dahil sikat na artista siya, alam na ng marami kung sinu-sino ang mga naging karelasyon niya. Hindi naman niya ito itinago sa kanyang mga tagahanga.  


Si Edu Manzano ang una niyang pinakasalan, at nagkaroon sila ng anak na si Luis Manzano, na ngayon ay may sarili na ring pamilya.


Nang maghiwalay sila ni Edu at ma-annul ang kanilang kasal, naging karelasyon niya si Ralph Recto, na kalaunan ay kanyang pinakasalan. Nagkaroon sila ng isang anak na si Ryan Christian.  


Ngunit ngayon, ginagawang isyu ng mga kritiko ang tungkol sa pagkakaiba ng ama ng kanyang mga anak. 


Ayon kay Vilma, walang karapatan ang sinuman na husgahan ang kanyang pagkatao. Aniya, naging mabuti siyang tao at hindi siya nanakit ng iba upang marating ang kanyang estado sa industriya ng showbiz.  





Pawang magagaling kumanta at mag-perform ang P-Pop boyband na Magic Voyz. Lumalawak na ang kanilang fan base at dinarayo na ang kanilang mga concerts at shows.  


May walong miyembro ang Magic Voyz, sina John Mark Marcia, Juan Paolo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane. Sila ay mina-manage ngayon ni Lito de Guzman. 


Ang grupo ay inspired ng Magic Mike (MM) movie, kung saan macho at talented ang mga bida.  


Ang Magic Voyz ay nakapag-record na ng dalawang awitin, ang Huwag Mo Akong Titigan at Bintana


Isa sa maganda sa kanila ay ang kanilang samahan, walang inggitan at pantay-pantay ang role ng bawat miyembro.  


Sa kanilang latest concert na ginanap sa Viva Café, gumamit na sila ng live band, na lalong nagpakita ng husay nila sa pagkanta. 


Unti-unti nang tinatanggap at tinitilian ng mga fans ang Magic Voyz. Malakas ang kanilang karisma, lalo na sa kababaihan, at posibleng sumikat pa sila tulad ng SB19.

Ang kailangan lang ay dagdagan ang kanilang TV exposure at mall shows.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page