top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 10, 2024



Photo: Jinkee Pacquiao at Anabelle Rama / IG


Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, may lamat umano ang pagkakaibigan nina Jinkee Pacquiao at Annabelle Rama. 


Dati’y suki ni Annabelle si Jinkee sa pagbili ng alahas, ngunit nagkaroon ng problema sa isang business transaction na naging sanhi ng kanilang alitan.  


Kunsabagay, hindi naman hilig ni Jinkee ang showbiz. Masaya na siya sa tahimik at marangyang pamumuhay kasama ang pamilya.  


Hindi rin siya nakikipagkumpitensiya sa kahit sino, at mas pinipili ang mapayapang buhay bilang “First Lady” ni Manny "Pacman" Pacquiao.



Natututwa ang mga fans ni Julia Montes dahil aktibo na muli ang aktres sa paggawa ng pelikula, dahilan upang muling sumigla ang kanyang karera. 


Ilang taon ding nagpahinga sa showbiz si Julia, at bagama't hindi niya direktang inaamin, alam ng publiko na mas pinili niya ang tahimik at masayang buhay sa piling ni Coco Martin. 


Ngayon, masaya ang mga tagahanga dahil bumabalik na si Julia sa pag-arte at may basbas pa ito mula kay Coco. 


Una niyang ginawa ang pelikula kasama si Alden Richards. Ngayon naman, sumabak siya sa action-drama film na Topakk kasama sina Arjo Atayde, Sid Lucero, Kokoy de Santos, atbp. sa direksiyon ni Richard Somes.  


Pinuri ni Sylvia Sanchez si Julia dahil wala itong kaarte-arte at kinakaya kahit ang mga mahihirap at delikadong eksena. Kinarir ni Julia ang pagiging “Action Queen”. 


Well, panatag naman si Coco Martin dahil walang kissing o love scenes ang aktres sa pelikulang Topakk


Isa ang Topakk sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.



MAHIGIT tatlong dekada na mula nang iwan ni Julie Ann Fortich ang showbiz. Siya ay ini-launch ng Agrix Films at nakasabay nina Azenith Briones at Janet Bordon (SLN). 


Sa kanyang kaarawan kamakailan, dumalo sina Azenith at Daisy Romualdez upang magdiwang kasama niya.  


Si Julie Ann ay nakapareha noon ng ilang sikat na action stars tulad nina Rudy Fernandez at Ace Vergel. Ang kanyang unang pelikula ay Sa Pusod ng Sierra Madre (SPNSM). 


Noong 1982, iniwan niya ang showbiz matapos magdesisyon na bumuo ng sariling pamilya.  


Sa kasalukuyan, dalawang beses na siyang nabiyuda, kaya’t pinili nang huwag magpakasal muli. 


Bagama't kaya pa niyang bumalik sa showbiz, masaya na siya sa kanyang domesticated life.  


Samantala, isang malaking sorpresa para kay Julie Ann ang natanggap niyang ruby earrings mula kay Azenith bilang regalo, patunay ng tunay na pagkakaibigan at pagiging mapagbigay ni Azenith.





 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 9, 2024



Photo: Vice Ganda sa mediacon ng And The Bread Winner Is - YT


Tama ang sinabi ng isang magaling na psychic na malungkot at problemado ngayon si Vice Ganda. Recently ay nag-share nga ang comedian/TV host ng kanyang pinagdaraanan ngayon, binanggit din niya ang tungkol sa kanyang mental health. 


Sa kabila ng pagiging bilyonaryo ni Vice, pagkakaroon ng mansion at mga luxury cars, hindi pa rin tunay na masaya ang buhay niya. Nakakaramdam siya ng kalungkutan at emptiness, kahit sikat na sikat at may love life naman siya. 


Hindi nga maipaliwanag ni Vice Ganda kung saan nanggagaling ang nararamdamang kalungkutan.  


May mga netizens ang nagsasabing sign daw ito na may insecurity na rin si Vice Ganda. Natatakot siyang dumating ang panahon na hindi na siya gaanong sikat at hindi na pagkakaguluhan ng mga tao. 


Magiging sukatan pa rin ng kasikatan ni Vice Ganda ang resulta sa takilya ng kanyang entry sa MMFF 2024.


Magagaling na artista ang kasama ni Vice sa And The Breadwinner Is… tulad nina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Kokoy de Santos, atbp.. 


Si Jun Robles Lana ang direktor ng movie. Ito ang ika-walong pelikula na ginawa ni Vice Ganda na isinali sa taunang filmfest ng MMFF.


Kahit ‘di na bata…

MARIS, MARUPOK AT NAGPABOLA KAY ANTHONY



Matatagalan bang makalimutan ng publiko ang iskandalo nina Maris Racal at Anthony Jennings? 


Halos buong bansa ay pinag-usapan ang kumalat na screenshot ng convo nina Maris at Anthony. Naging hot issue ito sa apat na sulok ng showbiz. Kani-kanya ng opinion ang ilang celebrities, ganoon din ang mga netizens.  


Merong nakisimpatya kay Maris at naintindihan ang kanyang sitwasyon. Biktima lang daw si Maris ng panloloko ng isang aktor na gustong sumikat agad. 


Pero, may mga nagsasabi naman na nasa tamang edad na ang aktres at hindi na menor-de-edad. Naging marupok lang siya at nagpabola sa aktor.  


At dahil sa iskandalong kinasangkutan ni Maris, may mga endorsements siya na kinansela na ang kanyang kontrata bilang endorser. 


Well, palilipasin muna ang ilang panahon at kapag humupa na ang tsismis, hindi na siya huhusgahan. Kailangang tanggapin ni Maris ang reyalidad ng nagawa niyang pagkakamali sa larangan ng pag-ibig. 


Puwede pa naman siyang bumawi dahil magaling siyang artista. Pero, mas okay siguro kung mag-solo na lang siya at huwag nang magkaroon ng ka-love team.

Mas maraming oportunidad kapag hindi siya nakatali sa isang aktor lamang. Hindi malilimitahan ang puwede niyang tanggapin na role.  


After 4 yrs…

MIKAEL AT MEGAN, MAGKAKA-BABY NA



Masayang ibinalita ng power couple na sina Megan Young at Mikael Daez na malapit na silang maging mommy at daddy. Finally ay makukumpleto na rin ang kanilang pamilya. 


Four years nang mag-asawa sina Megan at Mikael, hindi nila agad pinlano ang pagkakaroon ng baby. Nag-enjoy muna sila sa kanilang mga adventures at bakasyon abroad. 


Sinulit nila ang panahon na sila ay magkasama at ang naging bonding at libangan ay ang pagba-vlog.


Sa isang dating interview, nabanggit ni Megan na takot siyang magbuntis, at inisip niya na hindi niya kakayanin ang panganganak. Kaya hindi naman siya pinilit ni Mikael na magkaroon agad sila ng baby pagkatapos ng kanilang kasal. 


Parehong naging busy sa kanilang career sina Megan at Mikael, at ngayon ay dumating na ang tamang panahon para sa kanilang baby project. 


Labis itong ikinatuwa ng mga kaibigang artista at ng mga loyal fans nina Megan at Mikael. Nagpaabot naman ng pagbati sa mag-asawa ang kanilang mga celebrity friends.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 8, 2024



Photo: Sylvia Sanchez - Instagram


Hindi lang artista si Sylvia Sanchez, siya rin ang producer ng Topakk na nag-aasikaso sa lahat ng aspeto at maging sa pagpo-promote ng kanilang pelikula na pinalad mapili para sa MMFF 2024. 


Si Sylvia ang aligaga at hands-on sa pagsu-supervise at pagma-market ng movie abroad. 

Nauna na kasing naipalabas ang Topakk movie sa iba't ibang film festivals abroad tulad ng Cannes, Locarno at maging sa Austin, Texas. 


Bukod sa pagpo-promote ng movie, kasama rin si Sylvia sa mga TV guestings ng cast.

Sa sipag at dedikasyon ni Sylvia Sanchez bilang movie producer, parang nakita namin sa kanya ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde. Si Mother Lily, malakas ang karisma sa mga moviegoers. Alam din niya kung papatok ang isang pelikula. 


Ganu'n na ganu'n si Sylvia, napaka-personal din ng pakikitungo niya sa kanyang mga artista.



Matunog na matunog ang pangalan ni Dennis Trillo na mananalong Best Actor sa

darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024. 


Ibang Dennis daw ang mapapanood ng lahat sa kanyang role sa pelikulang Green Bones (GB). 


Base sa teaser ng movie na ipinasilip na, markado at malakas ang impact ng character ni Dennis sa GB, tiyak daw na magiging mahigpit siyang kalaban nina Aga Muhlach at Arjo Atayde bilang Best Actor.


Truly deserving kahit na sino sa kanila ang manalo. Ang titindi ng ginampanang role nina Dennis Trillo (Green Bones), Aga Muhlach (Uninvited), at Arjo Atayde (Topakk) sa kani-kanilang entry sa 50TH MMFF.



Feeling napakaguwapo naman nitong si Anthony Jennings na nagawang manloko at paglaruan ang feelings ni Maris Racal. 


Matagal na niyang karelasyon si Jamella Villanueva, pero nakipag-break sa dating nobya para umangat ang kanyang career. 


Alam ni Anthony na malungkot at brokenhearted si Maris dahil sa breakup nila ni Rico Blanco. Sinamantala niya ito at patuloy na nagpanggap na mahal ang aktres, ayon na rin sa kuwento ni Maris.


Ilang beses naman daw siyang tinanong ni Maris sa estado ng relasyon nila ni Jamella Villanueva, at ang naging kasagutan ni Anthony ay single na siya at matagal na silang break ng GF. 


So, ano'ng intensiyon ni Anthony kung ganu'n? Paibigin si Maris para sumikat ang kanilang love team? 


Tama lang na buwagin na ang tambalang MaThon (Maris at Anthony) at bigyan ng leksiyon si Anthony na ang image ngayon ay user na, cheater pa. 


No wonder na tulad ni Maris, bina-bash at durog siya sa mga netizens. Wala siyang balls para aminin ang kanyang ginawang panloloko.


Nagde-demand ngayon si Maris kay Anthony Jennings na siya naman ang magbigay ng statement tungkol sa nakakahiya at kontrobersiyal na isyu sa kanilang relasyon, pero tanging "sorry" ang sinabi ng aktor sa publiko. 


Samantala, dahil sa nangyari, posibleng mag-demand ng refund ang ilang kumpanya sa kanilang ibinayad kina Maris at Anthony bilang endorsers dahil may nilabag sa morality clause at posibleng wala na ring kumuha pa sa kanila para mag-endorse.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page