top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 4, 2025



Photo: Seth Fedelin at Francine Diaz - Instagram


Out of curiosity, pinanood namin ang pelikulang My Future You (MFY). Gusto naming alamin kung bakit na-nominate si Seth Fedelin bilang Best Actor sa MMFF 2024 Awards Night.  


Malaking katanungan din sa marami kung bakit si Seth ang pinili ng mga jurors ng MMFF na mapasama sa mga nominees at hindi si Aga Muhlach na isang mahusay na dramatic actor.  


Well, physically, maganda ang porma ni Seth, artistang-artista ang aura. Parang pinagsamang James Reid at Daniel Padilla ang kanyang karisma, cute at heartthrob.  


Pasado ang kanyang acting dahil natural at effortless at puwede pang hasain bilang dramatic actor. 


May kilig at chemistry ang tambalan nila ni Francine Diaz. Pero, dapat siguro ay si Francine ang mag-adjust at baguhin ang kanyang hitsura. Si Seth, mukhang bagets, habang si Francine ay medyo mature na ang hitsura sa big screen.  


Mabigyan lang ng magandang projects sina Seth at Francine, sila ang puwedeng pumalit kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



DAHIL sa kanyang anak na si Katie na na-diagnose na may mild autism, nagdesisyon ang Kapuso actress na si Katrina Halili na magbawas muna ng workload sa showbiz at mag-limit ng tatanggaping projects.  


Nakiusap si Katrina sa GMA Network na isang serye na lang sa isang taon ang kanyang gagawin. Gusto muna niyang pagtuunan ng pansin at panahon ang kanyang anak. 


Pinayuhan daw siya ng doktor ni Katie na bigyan ng personal na atensiyon ang bata hanggang sa tumungtong ito ng 12 years old.  


Magagamot naman daw ang mild autism ni Katie basta mabigyan ng tamang pangangalaga. Kaya handa si Katrina Halili na isakripisyo muna ang kanyang career alang-alang sa kanyang anak na si Katie.  



LOLA na si Pokwang at may apo na siya sa anak niyang si Ria Mae. Lalaki ang apo ni Pokwang na ngayon ay apat na taong gulang na. 


Inamin lang niya ito nang mag-guest sila ni Ria Mae sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). 


Inamin din ni Pokwang na isa sa mga dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa karelasyong si Lee O’Brian bukod sa isyu ng pera at third party ay ang kagustuhan ni Lee na palayasin si Ria Mae nang ito’y mabuntis nang hindi kasal. 


Hindi pumayag si Pokwang sa gusto ni Lee O’Brian. Mas kailangan daw siya ng kanyang anak sa panahon ng pagbubuntis nito.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 3, 2025



Photo: Eugene Domingo - Instagram


Marami sa mga nakapanood ng pelikulang And The Breadwinner Is… (ATBI) ang nagsasabing mukhang na-intimidate si Eugene Domingo kay Vice Ganda, kaya nag-underacting si Uge sa kanilang mga eksena sa nasabing pelikula na kasama sa filmfest. 


Sinadya raw ni Uge na hindi sabayan ang intense acting ni Vice, lalo na sa kanilang showdown scenes. 


Hinatak ni Eugene si Vice para mas lumutang sa eksena kung saan gumanap ito bilang si Bambi, ang kanyang kapatid. 


Sabi ng mga fans ni Uge, mas magaling na actress/comedienne ang kanilang idolo na ilang beses nang nagbida sa mga pelikula. Hindi siya nararapat na ilagay sa kategoryang supporting lamang. Nataon lang na mas sikat ngayon si Vice Ganda at siya ang poste at nagdadala sa programang It’s Showtime (IS), kaya siya ang bida sa ATBI


Isa nang icon at beterana sa larangan ng pag-arte si Eugene Domingo, deserve niya ang respeto ng mga bumubuo sa movie industry.



Aminado ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 Best Actress na si Judy Ann Santos na at this point of her life ay medyo choosy na siya sa movie project na tatanggapin. Hindi na kasi katulad ng dati na ang concern niya sa pagtanggap ng project ay upang kumita para maitawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya noong single pa lamang siya.


Nang makapag-ipon at makapagpundar ng kabuhayan para sa kanyang ina at mga kapatid, nag-decide si Juday na mamili na lang ng gagawing project.


Iba na ang status ni Judy Ann nang magpakasal sila ni Ryan Agoncillo at magkaroon ng mga anak. Nagtayo sila ng sariling resto business at ito ang pambalanse ni Juday sa kanyang showbiz career. Kaya kapag may magandang istorya na dumarating ay kanyang tinatanggap upang mapagbigyan ang kanyang mga tagahanga. 


Five years nang hindi gumawa ng pelikula si Judy Ann Santos, kaya medyo nakaramdam siya ng kaba at na-insecure kung kaya pa ba niyang umarte nang seryoso.


Well, ngayong nanalong Best Actress si Judy Ann sa kanyang MMFF entry, at least, napatunayan niyang hindi pa siya kinakalawang sa pag-arte. 



Happy na kay Atong ngayon…

KEEMPEE, 4 BESES BINASTED NI SUNSHINE


MAY mga aktor din pala na nanligaw noon kay Sunshine Cruz bago niya naging nobyo si Cesar Montano na kanyang pinakasalan. 


Si Cesar ang kanyang first boyfriend, at nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon. 

Pero bago ang aktor, nanligaw din kay Sunshine sina Tonton Gutierrez, Kier Legaspi at Keempee de Leon na basted lahat sa kanya kaya binansagan siyang “Basted Queen”. 


Si Keempee, apat na beses na binasted ni Sunshine dahil patuloy pa rin na nanliligaw kahit binasted na. 


Maging si Raymart Santiago ay nanligaw din kay Sunshine, pero hindi tumagal at nag-back-out dahil sa dami ng chaperones na kasama nito kapag sila ay nagde-date. 


Kaya ang official na first boyfriend ni Sunshine Cruz ay ang aktor na si Cesar Montano. Nagpakasal sila at nagkaroon ng tatlong anak na babae, na ngayon ay mga dalaga na.


Six years tumagal ang marriage nina Sunshine at Cesar bago naghiwalay. 

Ngayon ay masaya na rin si Cesar Montano sa kanyang karelasyon, at si Sunshine ay muling nakatagpo ng pag-ibig sa businessman na si Atong Ang.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 30, 2024



Photo: Chloe at Carlos Yulo - IG


Balitang nag-aalala ang mga taong nagmamalasakit sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa patuloy nilang paglustay ni Chloe San Jose sa milyones na kinita niya. 


Puro luho tulad ng pamamasyal abroad at pagsa-shopping ang kanilang ginagawa, gayung wala namang perang pumapasok. 


Sunud-sunuran na lang si Carlos sa mga kapritso ng nobyang si Chloe. Hindi niya namamalayan na unti-unti nang nasasaid ang milyones niyang kinita bilang gold medalist sa Paris Olympics 2024.


Hanggang ngayon ay negatibo pa rin ang imahe ni Carlos sa publiko dahil sa patuloy niyang pagtiis sa sariling pamilya, kaya wala na rin ang malalaking produktong nagkakainteres na siya ay kuning endorser. 


Lumipas na rin ang kanyang kasikatan. Marami ring Pinoy ang dismayado kay Carlos Yulo dahil ni hindi siya naghatid ng pagbati sa kanyang magulang at mga kapatid noong

Pasko, gayung sa social media ay may Christmas greetings sila ni Chloe para sa ibang tao.


Ganito kataas ang pride ni Carlos Yulo, at hindi siya dapat tularan ng ibang kabataan ngayon. Hindi siya karapat-dapat na maging idolo.



PANGATLONG Best Actress award na pala ni Judy Ann Santos ang pagkakapanalo niya sa ginanap na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night.


Una siyang itinanghal na Best Actress ng MMFF noong 2006 via the movie Kasal, Kasali, Kasalo (KKK). Ang second MMFF Best Actress trophy niya ay nakuha niya noong 2019 sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Mindanao


At ngayong 2024, nanalo siyang Best Actress sa kanyang role sa horror movie. 

Sey nga ni Judy Ann, hindi siya gaanong nag-expect na mananalo dahil pawang magagaling ang kapwa niya nominadong Best Actress tulad na lang ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.


Ibang-iba rin ang role ni Vilma sa pelikulang Uninvited. Kaya ganoon na lamang ang gulat at tuwa ni Juday nang siya ang nanalong Best Actress. 


Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang buong cast ng kanyang movie, ang kanyang producer, direktor, at inialay niya ang kanyang award sa mga mahal niya sa buhay.



BAGO pa ginanap ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2024, marami na ang nagsasabing tiyak nang si Ruru Madrid ang mananalong Best Supporting Actor via his role sa pelikulang Green Bones (GB).


Markado ang kanyang character sa movie, at lutang na lutang ang husay niyang umarte. Match na match sila ni Dennis Trillo kaya marami ang naantig sa kanilang mga eksena.


As expected, si Ruru Madrid nga ang itinanghal na Best Supporting Actor ng MMFF 2024.


Ayon rin kay Ogie Diaz, naikuwento sa kanya ni Ruru na pinaghandaan nito nang husto ang kanyang character sa GB noong tinanggap niya ang project. Nag-undergo siya ng acting workshop bago nagsimula ang shooting. Bukod dito, may isang klase raw ng cologne na ginagamit si Ruru kapag nagsu-shooting siya ng GB upang lagi niyang maalala ang kanyang karakter na ginagampanan.


Maraming taong pinasalamatan si Ruru Madrid noong siya ay nanalong Best Supporting Actor. Pero mukhang nakalimutan niyang banggitin ang kanyang mentor, ang yumaong direktor na si Maryo J. Delos Reyes na siyang unang nagtiwala sa kanya nang isama siya sa pelikulang Bamboo Flowers (BF). 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page