top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 16, 2025



Photo: Julie Ann San Jose at Rayver Cruz - Instagram


Nagpahayag ng concern at pag-aalala ang mga loyal fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na baka matulad din sila sa tambalang JakBie na naghiwalay matapos ang pitong taong relasyon. 


Kaya naman, sinasabihan na nila sina Julie Anne at Rayver na magpakasal na upang hindi na magkahiwalay pa.


Kung si Rayver ang tatanungin, handa na siyang pakasalan si Julie Anne anumang oras na gustuhin nito. 


Ilang beses na niyang sinasabi na si Julie Anne ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay. 


Vocal din naman si Julie Anne sa pagsasabing mahal niya si Rayver at malalim na ang level ng kanilang relasyon. Masaya siyang kasama lagi ang singer-actor.  


Pero, at this point of her career, may mga pangarap pa siyang gustong tuparin. Priority pa rin ng Limitless Star ang kanyang career. 


Malaki ang tiwala ni Julie Anne sa nobyong si Rayver Cruz. Hindi nila kailangang madaliin ang pagpapakasal. Maraming oportunidad ang naghihintay para mas gumanda pa ang kanilang future.


Ayaw na ayaw makita nu'ng magladlad…

BB, KA-TIKTOK NA SI ROBIN NGAYON



Tanggap na pala ni Sen. Robin Padilla si BB Gandanghari sa kanyang pagiging miyembro ng LGBT+ community. Ito ang naibahagi ni BB kay Boy Abunda sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). 


Kung noong si Rustom Padilla pa siya ay kuya ang trato sa kanya ni Sen. Robin, ngayon na BB na ang kanyang katauhan, younger sister na ang turing sa kanya ng utol.


Malaking factor ang kanilang Mama Eva sa pagtanggap sa kanya ni Robin. Noong una raw siyang nagladlad ng kanyang tunay na katauhan, halos ayaw siyang makita ng kapatid. Pero ngayon ay magkasundung-magkasundo na sila.  


Maraming natuwa at naaliw sa ginawa nilang Tiktok ni Sen. Robin. It seems masaya naman ngayon si BB sa kanyang bagong katauhan. Babaeng-babae na ang hitsura niya at tanggap siya ng lahat, hindi na siya nakakaranas ng bashing at panlalait. 


Behaved naman kasi si BB Gandanghari at hindi nai-involve sa anumang iskandalo.



ALL-OUT ang suporta ng GMA Network sa pagbabalik ng action seryeng Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.


Mas pinalaki at pinalawak ang istorya ng Lolong 2. Halos 50 stars ang nasa cast na may kani-kanyang role na ginagampanan. 


Bukod kay Ruru Madrid, kasama sa major cast sina Shaira Diaz, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Mikoy Morales, Paul Salas, Klea Pineda, at Maui Taylor.  


May role rin dito sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Tetchie Agbayani, atbp.. 


Ang Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) ay mula sa direksiyon nina Mark Baco at Romel Penesa. 


Alagang-alaga ng GMA Network ang career ni Ruru Madrid at proud ang Kapuso Network sa mga achievements ng aktor. 


Masipag ding mag-promote at umikot si Ruru sa mga regional shows. Mas sineseryoso at tinututukan ni Ruru ang kanyang pagganap sa sequel ng Lolong. Hindi lang siya sa drama mahusay, kundi maging sa mga action scenes, kaya action hero ang kanyang tatahakin.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 15, 2025



Photo: Dina Bonnevie - IG


Tumatak na sa showbiz na prangka at mataray si Dina Bonnevie. Kaya naman kapag kasama siya sa anumang serye, laging alerto ang kanyang mga co-stars. Iniiwasan nilang masampulan ng katarayan ni Ms. D.  


Tulad na lang ni Alma Moreno na nakasama ni Dina sa isang serye. Natatawang kuwento ni Dina, 6 AM ang call time nila, pero si Alma, 4 AM pa lang ay nasa set na. 


Alam kasi ni Alma na napaka-professional ni Dina, kaya inunahan na niya ito sa set.  


Maging si Alice Dixson ay may naging experience rin kay Dina Bonnevie nang magkasama sila sa isang serye. Pinaghandaan daw nang husto ni Alice ang mga eksena nila, at na-star struck siya dahil kahit tapos na ang eksena ay in character pa rin si Dina. 


Dati nang humanga si Alice kay Dina nang mapanood niya ito sa pelikulang Magdusa Ka (MK). But so far, hindi naman siya nakatikim ng pagtataray ni Dina. 


Nang mapangasawa ni Dina si DV Savellano, maraming adjustment ang ginawa niya. Natuto siyang makisama sa lahat ng klase ng tao, humaba ang kanyang pasensiya, at mahinahon na siyang magsalita.  


Kapag tumatanggap siya ng project na may pagka-kontrabida ang role, nakikiusap siya sa direktor na huwag masyadong “bad girl” ang karakter niya, lalo na kapag malapit na ang campaign season. 


Ang yumaong mister ni Dina na si DV Savellano ay naging vice-mayor, governor ng Ilocos Sur, congressman ng 1st District ng Ilocos Sur, at huling naging Dept. of Agriculture undersecretary.  



Noong magkasama sila sa afternoon soap na Prima Donnas (PD), umugong ang balitang may namumuong rivalry sa pagitan nina Jillian Ward at Sofia Pablo. May isyu raw sa dalawa, kaya hindi magkasundo. 


Isa sa mga itinuturong dahilan ay ang isang young actor na pareho nilang nagugustuhan. Pero wala naman silang pag-amin tungkol dito.


Nang matapos ang PD, hindi na muling nagkasama sa serye sina Jillian at Sofia. Bumida si Jillian sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) na tumagal ng dalawang taon. Ngayon ay bibida siyang muli sa My Ilongga Girl (MIG), at tatlo ang kanyang magiging leading men.


Si Sofia naman ay binigyan ng bagong serye, ang Prinsesa ng City Jail (PNCJ), kapareha si Allen Ansay. 


Aminado si Sofia Pablo na hindi sila nagkakausap ni Jillian Ward nang matapos ang PD.

Kung tutuusin, wala naman silang issue dahil wala silang pinag-aawayan. Sadya lang magkaiba sila ng interes ni Jillian. 


Kaya, nakikiusap si Sofia Pablo sa lahat na huwag silang pagsabungin ni Jillian. Wish niyang parehong maging maganda ang ratings ng kani-kanilang show sa GMA-7.  



Sa totoo lang, marami ang naiinggit kay Beauty Gonzalez dahil nakapareha niya si Sen. Bong Revilla, Jr. sa action seryeng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) na nasa Season 3 na ngayon. 


Marami naman daw single na aktres na puwedeng maging leading lady ni Sen. Bong, pero si Beauty na may asawa’t anak pa ang napili. 


At ‘yun ay sa kabila ng hindi siya gaanong sanay mag-Tagalog. Madalas ay Bisayang dialect (Cebuano) ang ginagamit niya sa serye.



Thankful si Beauty dahil pinapayagan siyang mag-dialogue sa Bisaya, at comedy ang dating nito. 


Ayon naman kay Sen. Bong, swak sila ni Beauty at magaan katrabaho ang aktres. Wala itong kaarte-arte kahit ano ang kailangan niyang gawin sa kanyang mga eksena.


Dagdag na saya naman sa serye ang partisipasyon nina Carmi Martin, Niño Muhlach, Mae Bautista, atbp.. 


Marami pang kontrabida actors ang papasok sa istorya kaya tiyak na mapapasabak nang husto sa mga action scenes si Police Major Bartolome (Bong Revilla). Para kang nanonood ng action movie sa bawat episode.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 14, 2025



Photo: Mark Herras - Instagram


Para sa amin, hindi isyu at hindi big deal ang ginawang pagpe-perform ni Mark Herras sa isang gay bar. Trabaho lang iyon, at hindi naman dapat na ikahiya lalo na’t kailangan ni Mark na kumayod dahil buntis na naman ang kanyang karelasyong si Nicole Donesa sa pangalawa nilang anak. 


May pamilyang dapat buhayin at itaguyod si Mark kaya kung may mga shows na iniaalok sa kanya na puwedeng pagkakitaan, kanyang tinatanggap lalo’t wala siyang regular show sa GMA-7 ngayon. 


In a way, nag-mature na rin ang dating “Bad Boy ng Dance Floor”. Feel na feel na niya ang pagiging padre de pamilya. Responsable na siya at hindi na happy-go-lucky guy. 

Alam na ni Mark ang kanyang mga prayoridad sa buhay. Natuto na siya sa mga pagkakamaling nagawa. 


Kaya hindi dapat kutyain at pagtawanan ng mga netizens ang pagpe-perform ni Mark Herras sa gay bar na mala-Magic Mike ang dating. Ang importante ay nagsisikap siyang kumita nang maayos para sa kanyang pamilya. Mas gugustuhin na ni Mark ang ganito sa halip na manghingi, mangutang at mamalimos ng tulong sa mga kapwa niya artista. 

Malakas pa naman siya at kayang magbanat ng buto.



Malaking tanong para sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino kung bakit biglang naurong ang pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) mula sa original playdate nito sa February, gayung dapat ay Valentine offering ito ng Star Cinema.


Bakit daw biglang ipinalit ang movie nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, at ang KimPau movie ay sa Marso na ipapalabas?  


May inilabas nang statement ang Star Cinema tungkol sa nasabing pagbabago ng playdate, pero hindi ito lubos na matanggap ng mga supporters ng KimPau love team. 


Sey naman ng mga netizens, bilang producer, karapatan ng Star Cinema na magbago ng desisyon sa playdate ng kanilang pelikula.   


Seniority-wise, lamang ang Jolina-Marvin tandem kumpara sa tambalang KimPau. At may solid fans and supporters pa rin hanggang ngayon sina Jolens at Marvin. 

Ilang taon nang hinihintay ang pagbabalik ng tambalan nila sa big screen. For sure, panonoorin ng kanilang mga fans ang reunion movie nilang Ex Ex Lovers (EEL) na swak sa Valentine playdate. Kaya huwag nang umapela pa ang KimPau fans.


Padir na si Joey, 5 taong ‘di kinausap… 

KEEMPEE, 2 TAONG TINIKIS ANG MADIR NA SI DARIA


Para kay Keempee de Leon, pinakamasaya at memorable ang kanyang 52nd birthday celebration na inorganisa ng kanyang dad na si Joey de Leon.


The best gift ito na kanyang natanggap dahil mas nagkalapit sila ng loob ng kanyang dad. Kulang ang isang araw upang sila ay mag-bonding. Sinusulit nila ang limang taon na wala silang komunikasyon.


Bukod sa kanyang Daddy Joey, dalawang taon ding hindi nakipag-ugnayan si Keempee sa kanyang mom, ang veteran actress na si Daria Ramirez. 


Nagkaroon sila ng samaan ng loob, at aminado si Keempee na pinairal niya ang kanyang pride at iniwasan ang ina. Sinadya ni Keempee na putulin ang kanilang komunikasyon.  


Pero dumating din sa punto na na-realize niya ang kanyang pagkakamali. Siya na ang gumawa ng paraan upang magkita sila ng kanyang mom at nag-sorry siya rito.

Ngayon, ang gaan-gaan na ng pakiramdam ni Keempee. Naayos na ang kanyang problema sa pamilya. Kasunod nito ay ang pagsiglang muli ng kanyang career. 


Kasama siya sa bagong serye ng GMA-7, ang Prinsesa Ng City Jail (PCJ) na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay. 


Wish ng mga fans ni Keempee ay magtuluy-tuloy na ang magagandang kaganapan sa buhay ng aktor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page