top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 19, 2025



Photo: Ice at Jake Zyrus - IG


Marami ang natuwa sa naging pahayag ni Ice Seguerra na tutulungan niya ang kapwa transman na si Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) kung babalik ito sa Pilipinas. 


Balitang tumamlay ang career ni Jake Zyrus at wala nang kumukuha sa kanya para mag-show sa ibang bansa. Nakikitira na lang daw ito ngayon sa mga kaibigan at laging naglalasing.  


Labis na nanghihinayang si Ice kay Jake Zyrus. Alam niya kung gaano kahirap ang pinagdaraanan nito ngayon dahil dumaan din si Ice sa matinding depresyon noon. 

Pero dahil naririyan ang partner niyang si Liza Diño na nagmahal, sumuporta at gumabay sa kanya, napaglabanan niya ang depresyon.  


Sumiglang muli ang kanyang career at nakabalik siya sa music scene. Aktibung-aktibo na ulit si Ice sa mga shows at concerts.


Ayon sa kanya, isang support group na magmamalasakit at magmamahal ang kailangan ngayon ni Jake Zyrus upang makabangon. Hindi pa naman huli ang lahat. May mga kaibigan ding gustong tumulong kay Jake para makabalik muli. Kailangan lang niyang umuwi ng Pilipinas at harapin ang bagong buhay. Huwag na niyang pairalin ang pride at mag-self-pity.  



ISA-ISA nang nagbabalikan ang mga dating Kapuso stars na nagsilipatan sa ibang network. Maraming pangalan ang lumulutang tulad nina Angel Locsin, Iza Calzado, Nikki Valdez, Vina Morales, atbp..


Nauna nang nakumpirma na kasama sa cast ng Lolong si Nikki. Ngayon, kumpirmado na rin ang pagbabalik ni Vina sa Kapuso Network bilang bahagi ng cast ng seryeng Cruz vs. Cruz (CvsC). Tiyak din na papasok siya sa All-Out Sundays (AOS) dahil singer naman siya. 


Matatandaang dati nang naging bahagi si Vina Morales ng SOP, ang musical/variety show ng GMA na napapanood tuwing Linggo.  


Tanong ng mga netizens, magiging asset ba si Vina Morales sa kanyang pagbabalik? Kung pagiging singer-performer ang pagbabasehan, mas malawak ang kanyang experience kumpara sa mga singers ngayon sa AOS. Hindi naman siya mag-a-attitude dahil marunong siyang makisama sa mga kapwa singers.

Hindi dapat ma-insecure sa kanya ang mga hosts ng AOS.



BIBIHIRANG artista ang tulad ni Hilda Koronel na matagal nang nawala sa sirkulasyon at hindi na gumagawa ng pelikula pero laging inaabangan ang pagbabalik sa showbiz. Nag-iwan kasi siya ng marka sa magagandang pelikula tulad ng Insiang na umani ng parangal abroad.  


May kakaibang tatak si Hilda bilang aktres kaya maraming producers at direktor ang laging nag-aabang sa kanyang pagbabalik. Ngayong tumanggap siya ng bagong pelikula, marami na ang naghihintay sa kanyang bagong atake sa pagganap. 


Ibang-iba ang level ni Hilda kumpara kina Nora Aunor at Vilma Santos, kaya lagi siyang may puwang sa showbiz anumang oras na gusto niyang bumalik sa pag-arte.  


Natural na VIP ang treatment sa kanya ng lahat. Maraming artista ang gustong makatrabaho si Hilda Koronel. Suwerte si Bea Alonzo dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama noon sa isang pelikula ang batikang aktres.  



KUNG may isang celebrity na gustong tularan ni Beauty Gonzalez sakaling ma-reincarnate siya at magkaroon ng bagong katauhan, ito ay walang iba kundi ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.  


Hinangaan daw ni Beauty kung paano i-handle ni Vilma ang kanyang career at na-maintain ang kasikatan sa mahigit limang dekada sa showbiz. Bukod dito, naging matagumpay din si Ate Vi sa kanyang political career. Mahusay niyang nagampanan ang pagiging public servant kaya minahal siya ng mga Batangueño.  


Wish ni Beauty na makasama si Vilma Santos sa isang pelikula. 


Samantala, sa action-seryeng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) Season 3, papasok na ang character ng veteran actress/beauty queen na si Gloria Diaz, na tiyak na ikagugulat ng maraming viewers.  


Si Gloria ang tunay na ina ni Beauty Gonzalez na matagal nang nawala. Kaya magugulo ang buhay ni Beauty dahil sa mga kaganapang mangyayari. 


Punumpuno pa rin ng action scenes ang TWMNPSMNM Season 3 at hindi ito tinipid.


Kaya naman inspirado si Sen. Bong Revilla dahil para na rin siyang gumawa ng isang malaking action movie. Siya ay gumaganap bilang Police Major Bartolome Reynaldo. 

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 18, 2025



Photo: Jillian Ward at Sofia Pablo - Instagram


Ayon sa kuwento ni Sofia Pablo nang mainterbyu ni Nelson Canlas para sa segment niya sa GMA Integrated News, apat na taon niyang hindi kinausap ang Kapuso actor na si Will Ashley. 


Magkakasama sila noon nina Jillian Ward at Althea Ablan sa afternoon soap na Prima Donnas (PD) at okey ang kanilang samahan hanggang sa matapos ang serye. 


Kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Sofia nang mabago ang lahat at bigla na lang silang hindi nagkaroon ng komunikasyon.  


Pero may ilang insiders ng PD ang nag-chika na si Will ang pinag-awayan nina Jillian at Sofia. Pareho raw silang nagkagusto kay Will, pero mas close si Will kay Sofia, kaya nasira ang dating magandang friendship ng PD stars.  


Ngayon ay may bagong serye sa GMA Network si Sofia Pablo, ang Prinsesa ng City Jail (PCJ) kapareha si Allan Ansay. 


Si Jillian naman ay may tatlong leading men sa My Ilongga Girl (MIG), pero mas marami ang nagsasabing mas may chemistry sila ni Michael Sager. 

So, nasaan na ngayon si Will Ashley?  



SA unang gabi ng burol ni DV Savellano sa kanilang bayan sa Cabugao, Ilocos Sur, marami ang nagulat sa husay ni Dina Bonnevie sa pagsasalita ng Ilocano dialect. 


Ilocano ang ginamit na lengguwahe ni Dina sa kanyang pag-welcome at pagpapasalamat sa lahat ng dumating upang makiramay.  


Sa loob ng 12 taon na pagsasama nina Dina at DV, natuto na ang aktres magsalita ng Ilocano dialect. Kaya napalapit na rin siya sa mga constituents ng kanyang yumaong mister. 


Maging sa pamilya ni DV ay close si Bonnevie. Pumayag siyang sa Cabugao, Ilocos Sur

ilagak ang kanyang mister.  


Sa panahon ng kanyang pagluluksa, naramdaman ni Dina ang pagdamay ng lahat. Ang malungkot lang ay hindi na nila makakasama ang kanyang mister sa kanyang kaarawan sa January 27. 


Niyayaya si Ms. D ng kanyang anak na si Danica Sotto-Pingris na magbakasyon sa Switzerland upang dalawin ang kanyang lola (Dina’s mom) na ngayon ay 88 years old na.



MARAMING viewers ng Pepito Manaloto (PM) ang nagtatanong kung puwede kayang mag-guest sa sitcom sina Bea Binene at Inah de Belen? Sila kasi ang dalawang babaeng naugnay kay Jake Vargas (Chito). 


Si Bea ay naging GF at ka-love team ni Jake noong nag-uumpisa pa lamang siya sa GMA-7. Hindi nga lang nagtagal ang kanilang relasyon at nagkani-kanya ng landas ang kanilang career. 


Si Inah (anak nina Janice de Belen at John Estrada) ay nobya ni Jake. Two years na silang nagli-live-in. Pareho na silang nasa tamang edad, kaya tanggap ng lahat ang kanilang relasyon at ang hindi nila pagpapakasal.  


Anyway, parang sa takbo ng kuwento ng PM ay hindi pa pumapasok ang posibilidad ng pag-aasawa ni Chito (Jake). May mga nililigawan pa lamang siya, samantalang si Clarissa ay may mga crush na rin.


Sa PM na lumaki at nagdalaga si Angel Satsumi (Clarissa). Ganu’n na katagal tumatakbo ang family sitcom nina Michael V. at Manilyn Reynes. 

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 17, 2025



Photo: Willie Revillame at Randy - Instagram


Nag-anunsiyo na si Willie Revillame na hanggang February 10 na lamang siya sa programang Wil To Win (WTW) na umeere sa TV5. 


Sa huling araw daw niya sa show ay mamimigay siya ng premyo sa mga tao sa studio. 

May limit lang ang mga papapasukin na studio audience, kaya tiyak na dudumugin ang show ni Wil.


Pahayag pa ni Willie, kahit wala na siya sa WTW, magtutuluy-tuloy pa rin ang kanyang show. Pansamantala, ang BFF niyang si Randy Santiago ang papalit at magho-host ng programa. 


Well, kung anuman ang maging kapalaran ni Willie Revillame sa midterm elections, ipinauubaya na lang niya sa Diyos. Hindi siya nag-back-out na tulad ng inaakala ng iba noon, lalo na’t independent candidate siya at hindi sumama sa anumang partido. 


Susubukan ni Willie kung may karisma pa siya sa tao. After all, puwede naman niyang balikan ang kanyang TV show upang makatulong sa mahihirap nating kababayan.



LABIS na ikinatuwa nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang pagpayag nina Judy Ann Santos at Mylene Dizon na mag-guest sa movie nilang Ex Ex Lovers (EEL)


Para na rin itong reunion ng kanilang GIMIK barkada, kaya nag-enjoy sila sa kanilang mga eksena. 


Mula’t sapul ay close friends sina Jolens at Juday, kahit pilit silang pinagkukumpara ng mga fans. At kahit bihirang magkita sina Juday at Jolina, hindi nagbago ang kanilang friendship. Ramdam nila ang sinseridad ng isa’t isa.


Samantala, si Marvin Agustin ang paboritong leading man at screen partner ni Jolina. Swak na swak ang kanilang ugali at personalidad. 


In fact, para kay Jolens, si Marvin ang kanyang soulmate dahil magkasundo sila sa maraming bagay. Ilang beses nang pinlano noon ang kanilang reunion movie, pero laging nauudlot. Hanggang sa dumating ang tamang panahon at natapos din nila ang pelikulang matagal nang hinihintay ng kanilang mga tagahanga.


Kaya hinay-hinay lang daw… KIM, AYAW NANG MASAKTAN, NAG-IINGAT KAY PAULO 



Fangirl ang peg ni Konsehal Aiko Melendez nang tanungin niya ang psychic na si Jay Costura kung magkakatuluyan ba sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Sobra raw siyang kinikilig sa tambalang KimPau na mala-KathNiel ang dating. 


Wish ni Aiko na mauwi sa totohanan ang pagmamahalan ng dalawa dahil bagay sila sa isa’t isa.


Pero ayon nga sa psychic na si Jay Costura, medyo nag-aalangan si Kim sa kanyang feelings kaya ayaw pang bumigay kay Paulo. Nag-iingat lang ang Chinita Princess dahil ayaw na niyang masaktan pang muli pagkatapos ng breakup nila ni Xian Lim. Kaya panahon na lang ang makakapagsabi kung si Paulo Avelino ang itinakda para sa kanya.


Natutuwa naman ang KimPau fans dahil may movie ngayon ang kanilang mga idolo na ipapalabas na sa Marso. Wish nila na masundan pa ang mga projects na gagawin ng KimPau. 


Payo naman ng mga netizens ay huwag ipilit ng mga fans na mauwi sa totohanan ang love team nina Kim Chiu at Paulo Avelino.



MARAMI ang nakakapansin na blooming ngayon si Lorna Tolentino (LT) at may kakaibang spark sa kanyang mga mata.


Nag-aayos na rin ngayon si LT at bumabalik ang dati niyang ganda. Kaya lahat ay naniniwala na may love life siya ngayon at may taong nagpapasaya sa kanya. 


Inili-link ngayon si Lorna kay Supremo a.k.a. Sen. Lito Lapid na kasama niya sa Batang Quiapo (BQ). Usap-usapan sa showbiz circle na may “something” na raw kina LT at Sen. Lito. Pero walang pag-amin mula sa kanila, kaya marami ang nagsasabing promo lang ito para sa BQ


Ganunpaman, tinutukso pa rin sila ng kanilang mga co-stars sa set ng BQ. Tulad ni John Estrada na pinapipili si Lorna kung ano ang gusto niya — tisoy o moreno? 


Hindi ito agad masagot ni LT, kaya si John na ang sumagot ng “Moreno!” 

At sino pa ba naman ang aktor na moreno kundi si Sen. Lito Lapid! 


Marami ang kinikilig ngayon sa kanilang tambalang PrimAnda (Primo-Amanda) na mala-BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) ang peg.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page