top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 31, 2025



Photo: Sunshine Cruz, Atong Ang at Gretchen Barretto - FB, IG


Balitang-balita ngayon ang diumano’y pagsosoli ni Sunshine Cruz ng luxury car na iniregalo sa kanya ni Atong Ang. 


Iba-iba ang reaksiyon ng mga netizens sa kanyang ginawa. May mga pumupuri sa hindi pagiging “Bilmoko Girl” ni Sunshine. Maaari raw na sinusubukan lang siya ng multi-millionaire businessman kung masisilaw sa mga materyal na bagay.  


May ilan naman ang labis na nanghihinayang sa luxury car na isinoli ni Sunshine dahil milyones ang halaga nito. Besides, regalo ito sa kanya at hindi naman niya hiningi.


Anyway, marami ang naiintriga ngayon dahil kalat na ang tsikang split na raw sina Sunshine at Atong. At ang tsismis ay galing daw mismo sa kampo ni Gretchen Barretto. 


Labis itong ikinagulat ng marami dahil nagbigay ng pahayag noon si Atong na gusto na niyang pakasalan si Sunshine Cruz.


Well, marami ang sumusubaybay sa love story nina Sunshine at Atong. Lahat ay nagtatanong kung tatagal kaya sila ng 5 years tulad nina Atong at Gretchen.


‘Yan ang inaabangan ng madlang people.



MARAMING fans nina Sen. Lito Lapid at Lorna Tolentino ang nagtatanong kung paano na raw ang tandem nila bilang Primo at Amanda sa Batang Quiapo (BQ) ngayong mawawala na ang character ng aktor-senador sa serye?


Ano na ang magaganap sa buhay ni Amanda kapag wala na ang Supremo?

Well, ngayong Pebrero ay magsisimula na ang campaign period. Tatakbo ulit bilang senador si Lito Lapid, kaya kailangan niyang sumunod sa ruling ng COMELEC. 


Hindi na muna siya lalabas sa anumang TV show kahit guesting lamang. Kailangan ding mag-ikot ng team ni Lapid upang mangampanya.  


Ganunpaman, nangako si Sen. Lapid na babalikan niya ang BQ pagkatapos ng midterm election sa Mayo. Sigurado naman na magagawan ng paraan ng writer ng BQ kung paano ibabalik ang kanyang character bilang si Primo.


Samantala, labis na ikinalungkot ni Sen. Lapid ang pagkamatay ng dalawang sundalo ng PA Infantry Division sa Basilan na tinambangan ng mga tauhan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front). Nasawi sa naturang engkuwentro sina Cpl. Orland James Diamel at Pfc. Mark Bakat. 


Labindalawa rin ang mga nasugatang sundalo ng PA 32nd Infantry Battalion.  

Nangako si Sen. Lapid na magbibigay ng tulong at ayuda sa pamilya ng mga namatay at nasugatang sundalo. Umaapela rin siya sa MILF na irespeto ang peace agreement upang magkaroon ng kapayapaan sa Basilan. 


Taong 2014 nang lumagda ang MILF sa Comprehensive Agreement ng Bangsamoro para sa kapayapaan sa Mindanao.  



MAY request o panawagan ang mga viewers ng Pinoy Big Brother (PBB) ngayong may collab na ang Star Magic stars at GMA Sparkle artists. Tutal, PBB Celebrity Edition ito, kaya dapat ay pumili ng mga artistang may karisma, may kakaibang character at may colorful na buhay upang mag-create ng interest sa mga viewers.  


‘Wag naman daw puro ‘no names’ o ‘the who?’ ang isabak sa PBB Collab. Mas exciting at kaabang-abang ang bawat episode kung malalaking artista ng ABS-CBN at GMA

Network ang maglalaban-laban habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.


Balitang isang Kapuso star ang isasama bilang co-host ng PBB Collab, pero pahulaan muna ito ngayon kung sino siya.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 30, 2025



Photo: Bossing Vic Sotto at Darryl Yap - IG



Umamin pala ang controversial na direktor ng The Rapists of Pepsi Paloma movie na si Direk Darryl Yap sa korte na hindi totoong ni-rape ni Bossing Vic Sotto ang dating sexy star na si Pepsi Paloma. 


Sa panayam sa Net25 ng abogado ni Bossing Vic na si Atty. Enrique Dela Cruz kaugnay ng usapin ng kaso na isinampa ng TV host laban kay Yap, nagpapasalamat daw sila na napagbigyan sila ng korte na itigil ang pagpapalabas ng teaser kung saan direktang nababanggit ang pangalan ni Vic. 


Ito’y matapos nga raw sabihin ni Direk Darryl na hindi totoong ni-rape ng TV host si Pepsi. 


Ang tanong ngayon, kung umamin na pala si Yap na wala namang rape na nangyari, ano pa kayang gimik ang gagawin nito para ibenta ang kanyang pelikula? 


Iaatras pa kaya ni Bossing Vic ang kaso at maaawa kay Yap dahil sa pag-amin nito o tutuluyan niya pa rin ang direktor para maturuan ng leksiyon sa panggagamit sa kanya?



Kaya ‘di nag-aaway kahit 2 na ang anak… 

PAULEEN, TODO-ADJUST PARA KAY BOSSING VIC 


Walang away at wala ring tampuhan sa showbiz couple na sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa mga interviews sa kanila ay madalas na itinatanong kung meron bang mga bagay na hindi nila mapagkasunduan, at minsan ay pinag-aawayan. Natural lang kasi sa mag-asawa na may konting tampuhan at little quarrels, nagdaragdag daw ito ng kulay at excitement sa kanilang pagsasama. 


Pero, wala talagang masabi ang veteran Eat…Bulaga! (EB!) host dahil sa loob ng ilang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay wala pa silang naging seryosong away o tampuhan ni Pauleen (Poleng).  


Tanggap naman ni Poleng na kailangan niyang mag-adjust kay Bossing Vic at effective naman ito dahil kahit dalawa na ang anak nila ay super sweet pa rin sila sa isa’t isa. 


Larawan sila ng isang masayang pamilya at ‘yun ang bentahe ng pagiging mas mature ni Bossing Vic Sotto—malawak ang pang-unawa niya sa maraming bagay. Hindi sila basta mapaghihiwalay ng mga taong naiinggit sa kanilang pagmamahalan.



PAREHONG mahilig magluto sina Dina Bonnevie at Danica Sotto, kaya ito ang bonding nilang mag-ina kapag nagkikita at nagkakasama. 


Minsan ay may request sina Danica at Oyo Sotto sa kanilang mom na magluto ng paborito nilang ulam noong maliliit pa sila. Si Danica naman, nagluluto para kay Dina ng mga bagong recipe at putahe na kanyang natutunan. Nagse-share sila ng kani-kanilang cooking tips sa isa’t isa.


Kaya minsan ay nababanggit ni Dina na puwede sila ni Danica na kunin at gawing endorser ng anumang pagkain, produkto, o rekado na gamit sa pagluluto. 


Isa pa sa mga wishes ni Dina ay ang magkasama sila ni Danica sa isang cooking cum talk show na tatalakay sa daily lives ng mga maybahay. Puwede silang mag-guest ng mga female celebrities na magbibigay ng advice sa mga kababaihang may problema sa kanilang buhay may-asawa. 


Parehong madaldal at smart sina Dina at Danica, kaya umaatikabong kuwentuhan ang mangyayari kapag pinagsama sila sa isang show.


Well, good idea ito, at sana nga, matuloy na magkaroon ng Dina-Danica cooking show.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 29, 2025



Photo: Barbie Forteza - IG



Ine-enjoy ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kanyang journey sa ‘solo era’ niya ngayon. Naka-focus ang panahon niya para sa kanyang sariling kapakanan — self-love, self-growth, at self-care. 


Sa mahigit sampung taon niya sa showbiz, ang kanyang pamilya ang binigyan ng prayoridad ni Barbie Forteza. Pangarap niya na bigyan ng magandang buhay ang kanyang parents at mga kapatid. Nakapagpatayo siya ng bahay para sa mga mahal niya sa buhay. Sulit na sulit ang pagod at puyat ni Barbie para makapagpundar ng sariling bahay. 


Nagsisilbing inspirasyon kay Barbie ang kanyang pamilya upang patuloy siyang magsikap sa career. Masaya siya sa pagiging breadwinner. Ngayong loveless si Barbie at wala nang Jak Roberto sa buhay niya, pinapayuhan siya ng mga nagmamalasakit na kaibigan na bigyan ng panahon ang sariling kaligayahan. Panahon na rin na ang sarili naman niya ang pagmalasakitan ni Barbie.  


Samantala, ang ‘solo era’ ni Barbie Forteza ay hindi nangangahulugan na kakawala na siya sa BarDa tandem nila ni David Licauco. May mga upcoming projects siyang gagawin at posibleng ipareha siya sa ibang Kapuso actors.  



Nagsama sa 12 movies… 

VILMA, ‘DI NAKAKALIMUTANG BATIIN NI GLORIA ROMERO TUWING B-DAY





Hindi maiwasan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang maging emosyonal nang dumalaw sa wake ng yumaong veteran actress-Movie Queen na si Gloria Romero. 


Marami siyang happy memories kay Tita Glo dahil nakatrabaho niya ito sa 12 pelikulang kanilang ginawa, kasama na rito ang life story ng pamilyang Marcos na Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story.


Si Gloria Romero ang gumanap bilang Madam Imelda Marcos, habang si Vilma naman ang gumanap na Imee Marcos.  


Para kay Ate Vi, ang yumaong si Gloria Romero ang maituturing na “queenest” sa lahat ng movie queens sa showbiz. 


Hindi rin nakakalimutan ni Gloria na batiin si Vilma Santos tuwing kaarawan ng huli dahil ka-birthday ng Star for All Seasons ang anak ni Tita Glo na si Maritess Gutierrez.  

Para kay Vilma, isang malaking kawalan sa movie industry ang pagpanaw ng isang Gloria Romero na mahigit pitong dekada nang bahagi ng showbiz. Nagsimula ang kanyang career sa Sampaguita Pictures at nakapareha na niya halos lahat ng mga sikat na aktor noong 1950s, 1960s, at 1970s era. 


Maraming nagmamahal sa isang Gloria Romero. 


Kagabi ang huling lamay ng Movie Queen sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue, QC at ngayong Miyerkules siya ike-cremate.



PUMASOK na rin sa political arena ang beautiful wife ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Vitug-Ejercito via BFF Partylist. Si Precy ang first nominee ng BFF (Balikatan of Filipino Families). 


Deserve naman ni Precy ang maging public servant. Tulad ni Congw. Lani Mercado, ma-PR ang misis ni Sen. Jinggoy at malapit sa masa.


Kahit wala siyang katungkulan, marami ang lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong at medical assistance. Kapag may sunog at kalamidad, marami silang tinutulungan. 


Nang makita namin si Precy Vitug sa burol ni Gloria Romero, natanong namin kung bakit ngayon lang siya papasok sa pulitika. Dapat ay matagal na siyang nagkaroon ng puwesto dahil marami na siyang natulungan. 


Pero sabi nga ni Madam Precy V., baka ‘calling’ na rin niya at dumating na ang oportunidad sa tamang panahon. 


Kung si Congw. Lani Mercado ay maituturing na lucky charm at asset ni Sen. Bong Revilla, Jr., ganoon din si Precy Vitug para kay Sen. Jinggoy Estrada. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page