top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 7, 2025



Photo: Bianca Gonzales Intal - IG


Noong dalaga pa si Bianca Gonzalez ay mahilig talaga siya sa solo trip kapag bumibiyahe abroad dahil mas nag-e-enjoy daw siya sa ganito. Napapansin niya ang maliliit na bagay tulad ng mga lugar na kanyang pinapasyalan. 


Nang magpakasal si Bianca sa PBA player na si JC Intal, hindi na niya nagagawa ang solo trip abroad. 


Pero noong kanilang 10th wedding anniversary, niregaluhan siya ni JC ng solo trip na labis niyang na-appreciate. 


Two years ago, nang mag-celebrate siya ng kanyang 40th birthday ay muli siyang niregaluhan ng kanyang mister ng solo trip abroad. Napaka-supportive ng mister ni Bianca at alam ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.


Dalawa na ang anak nina Bianca at JC at napanatili nilang masaya, matibay at pribado ang kanilang married life. 


Sa ngayon, tuloy pa rin si Bianca sa kanyang showbiz career, at forte niya ang pagiging host. Isa si Bianca sa main hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) Collab Celebrity Edition


Co-hosts din dito sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Gabbi Garcia at Kim Chiu.



Sa isang reel na ginawa ni Toni Gonzaga, ibinahagi niya ang naging biyahe nila ng kanyang mister na si Direk Paul Soriano patungong Singapore. Manonood sila noon ng concert ni Taylor Swift at bale foursome sila ng kapatid na si Alex Gonzaga at asawa nitong si Mikee Morada. 


Well, sa airport pa lang ay ipinakita na ni Toni kung gaano siya inasikaso ni Direk Paul at tinulungan sa kanyang mga bagahe, at hanggang sa tinutuluyan nilang hotel at sa mga pinasyalan nilang malls upang mag-shopping. 


Mistula ngang prinsesa ang treatment ni Direk Paul kay Toni. Nagpa-reserve rin ng dinner si Paul sa isang sosyal na resto para sa kanilang apat. 


Wala nang ibang inasikaso pa si Toni sa biyahe nila sa Singapore. Pati na ang tickets sa Taylor Swift concert ay si Direk Paul din ang nag-asikaso, kaya super nag-enjoy sina Toni at Alex. 


Well, napakasuwerte nga ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ang kanyang napangasawa. Alagang-alaga siya at lahat ay ginagawa upang siya ay mapasaya.



SA kanyang pag-iikot sa iba’t ibang lalawigan para sa kanyang campaign sorties, maraming senior citizens ang lumalapit kay Bong Revilla upang magpasalamat.


Malaking benepisyo talaga sa mga seniors ang panukalang Expanded Senior Citizen Act na isa nang ganap na batas. 


Makakatanggap ng kaukulang cash incentives ang mga seniors na edad 80, 85, 90 at 95. Hindi na kailangan na umabot pa sa edad na 100 upang makatanggap ng cash incentives mula sa gobyerno, edad 80 pa lang ay nabibigyan na sila. 


At ngayon, may bagong imumungkahi naman si Sen. Bong sa mga mamamayan, ito ay ang pagpapabata sa retirement age ng mga empleyado. Sa halip na 60 years old ay nag-propose siyang gawing 56 na lang ang retirement age. 


Sa panahon ngayon, may mga edad 50 pataas pa lang ay marami nang sakit na nararamdaman, kaya dapat nang mag-retire nang maaga. Pero paglilinaw niya, optional naman daw ito.


Well, tiyak na marami ang papayag sa panukalang ito ni Sen. Bong Revilla, Jr..



MATAGAL na naitago sa publiko ang isang malungkot na sikreto at bahagi ng buhay ng aktres na si Iza Calzado na may kinalaman sa kanyang ina. 


Nag-open up si Iza nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Nalulungkot pa rin si Iza, kapag napag-uusapan ang tungkol sa kanyang ina pero hindi niya ikinahihiya na bipolar ito at nag-suicide, although isa itong stigma para sa kanilang pamilya. 


Maraming taon na ang lumipas at naging tahimik na ang kanilang buhay. May sarili nang pamilya ngayon si Iza, at patuloy siyang lumalabas sa pelikula at telebisyon.

Malaki ang pagbabagong hatid sa kanyang buhay ng pagkakaroon ng anak at masayang pamilya.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 6, 2025



Photo: Ynez Veneracion sa Mga Batang Riles


Bumuhos ang batikos kay Ynez Veneracion ng mga bashers dahil sa kakaiba niyang hitsura ngayon. Nasobrahan daw sa pagpaparetoke ang dating sexy star kaya halos tumabingi na ang mukha.


Sabi pa ng mga viewers ng Mga Batang Riles (MBR), halos hindi na makilala si Ynez sa bago niyang hitsura. 


Aminado naman si Ynez na marami nga siyang ipinaretoke sa kanyang mukha.


Ang siste, hindi nga raw ito nakatulong upang gumanda ang kanyang hitsura.

Gayunpaman, tanggap na niya ang mga panlalait sa kanya. 


Makulay ang love life ni Ynez at marami ang nagtatanong kung bakit hindi sila nagkatuluyan ng dating karelasyon na si Mon Confiado. 


Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, hindi malinaw ang naging pahayag ni Ynez sa estado ng kanyang love life ngayon, pero mukhang ang kanyang pagbabalik-showbiz ang dahilan kaya wala siyang love life. 


Well, ang daming mga artistang nagnanais na magkaroon ng TV show ngayon. Masuwerte pa rin si Ynez dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama sa MBR.



MINANA ni KC Concepcion ang galing ng kanyang Mama Sharon Cuneta sa paghawak ng pera. Bukod kasi sa sariling pera na naipon ay may sarili na rin siyang jewelry business at nakapagpundar na ng mga properties. 


Sa halip na bumili at mangolekta ng mga luxury bags na milyones ang halaga, sa real estate properties siya nag-i-invest. 


Kamakailan lang ay bumili si KC ng isang prime property sa San Vicente, Palawan. Boom ang turismo ngayon sa Palawan, kaya tiyak na kikita siya sa kanyang investment.


Maging ang hilig ni Sharon sa mga jewelries ay minana rin ni KC at ginawa niya itong negosyo. Siya mismo ang nagde-design ng mga jewelries na kanyang ibinebenta.


For sure, proud na proud si Megastar sa kanyang panganay, hindi man sila madalas na nagkakasama. 


Well, alam ni Shawie na nasa tamang landas si KC at madiskarte sa buhay. Wala na siyang dapat na ipag-alala pa.



AYON sa ilang malalapit na kaibigan, sobrang lalim ng friendship na nabuo kina Lito Lapid at Coco Martin simula nang magkasama sila sa seryeng Ang Probinsyano (AP) na nasundan pa sa Batang Quiapo (BQ), at kahit na magkaiba pa sila ng generation, sobrang close sila. Aakalain mo ngang mag-ama sila kung magturingan. 


Malaki ang respeto ni Coco kay Supremo Lito. Pinakikinggan niya ang mga payo ni Sen. Lapid kapag tungkol sa trabaho nila sa BQ ang pinag-uusapan. Kaya naman, all-out ang suporta ngayon ni Coco sa muling pagtakbo ni Double L sa pagka-senador.


Bukod sa pagpapakita sa mga campaign ads ni Lapid, kapag weekends na walang taping ang BQ, sumasama si Coco sa mga campaign sorties ni Sen. Lito. Ganu’n nga niya kamahal ang Supremo. 


At masasabi ring “alas” ni Lito Lapid si Coco Martin dahil sikat na sikat ito sa buong ‘Pinas dahil sa BQ. Ganu’n talagang magpahalaga sa kaibigan si Coco Martin.


Nagpahinga man sa showbiz… 

EUGENE, MAS SUWERTE SA LALAKI KESA KINA AI AI AT POKWANG


PARE-PAREHONG magagaling na comediennes sina Ai Ai delas Alas, Pokwang, at Eugene Domingo na nagbida na sa ilang pelikula. Dumating ang panahon na umaapaw sa suwerte si Ai Ai dahil box office hits ang mga pelikulang kanyang pinagbidahan tulad ng series niyang Ang Tanging Ina (ATI). 


Ganito rin ang dumating na suwerte kay Pokwang, na bukod sa pelikula ay may mga TV shows pa. 


Si Eugene, medyo nagpahinga at nag-lie-low sa paggawa ng pelikula. Pero, ang kapalit naman ay pagkakaroon ng love life at natagpuan ang lalaking itinadhana para sa kanya at nauwi sa pagpapakasal sa Italian na si Danilo Bottoni.


Ngayon ay happily married na si Uge at nagbabalik nang muli ang interes niya sa kanyang showbiz career, samantalang sina Ai Ai at Pokwang ay parehong hiwalay na sa lalaking kanilang minahal. 


Naunang nakipaghiwalay si Pokwang kay Lee O’Brian na ngayon ay tuluyan nang na-deport. Hiwalay na rin sina Ai Ai at Gerald Sibayan after 10 yrs. ng relasyon. 


Parehong masakit para kina Ai Ai at Pokwang ang kinalabasan ng kanilang love life.


Hirap silang maka-move on at magpatawad at sa kanilang tatlo, si Eugene Domingo lang ang sinuwerte sa pag-ibig.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 5, 2025



Photo: Sharon Cuneta - FB


Base sa kanyang naipundar na mga properties, certified billionaire na ang Megastar na si Sharon Cuneta. Ang assets niya ngayon ay nagkakahalaga diumano ng P2.7 billion. 

Samantalang si Gretchen Barretto naman ay P2.6 B daw ang halaga ng assets/properties. 


Pumangatlo naman sa yaman si Bea Alonzo na may P1.1 B worth of properties.

Bukod kina Sharon, Gretchen at Bea, certified billionaire rin sina Willie Revillame at Vice Ganda. 


Well, open naman sa publiko ang yaman na naipundar nina Sharon, Gretchen at Bea. Wala silang itinatago sa publiko at maayos na nagbabayad ng property tax. At gayundin naman sina Willie at Vice na good taxpayers din.Bukod sa malalaking bahay, resort, at luxury cars, may mga negosyo rin na naipundar sina Sharon, Gretchen at Bea, kaya sila ang tinaguriang “richest actresses” ngayon sa showbiz.



INAMIN ni Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub na ang kanyang first showbiz crush ay si Arjo Atayde. Nagkita at nagkakilala sila ni Arjo sa presscon noon ng first movie nila together, ang Jack Em Poy: The Puliscredibles (JEPTP) kasama si Bossing Vic Sotto. 


At kahit naging big hit ang tambalan nila noon ni Alden Richards at kinabaliwan ng marami ang AlDub (Alden at Yaya Dub), hindi ito naging dahilan upang hadlangan ang pagmamahalan nina Maine at Arjo. 


Maayos na naipaliwanag ito ni Maine sa mga fans at supporters ng kanilang love team at tinanggap naman ng kanyang mga tagahanga na hanggang pagkakaibigan na lamang ang status ng relasyon nila ni Alden.


Well, nang mag-celebrate nga ng kanyang 30th birthday si Maine, dumalo at bumati si Alden, at mainit naman siyang tinanggap ng lahat. 


Nauna na ring nagkita sina Maine, Arjo at Alden nang dumalo sila sa wedding nina Jose Manalo at Mergene Maranan sa Boracay.



MAY mga nagtatanong kung bakit gusto raw ni Robi Domingo na ipasok si Alden Richards sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Halos kumpleto na ang mga hosts ng show sa pangunguna nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Gabbi Garcia, Enchong Dee, Kim Chiu at Melai Cantiveros. 


Balitang may iba pang papasok sa PBB Celebrity Collab na makakasama sa ibang segments. Well, wala pang final announcement kung sinu-sino ang mapipiling housemates na papasok sa Bahay ni Kuya, kaya excited at nag-aabang ang lahat.


Samantala, maraming netizens ang nagtataka sa nakaraang post ni Alden Richards sa social media, kung saan agad din niyang binura. Mukhang napikon na rin ang

“Pambansang Bae” sa mga bashers na nagkalat ng mga maling balita tungkol sa kanya, kaya nag-post si Alden ng “Mind your own business.” 


Hindi na nga alam ni Alden Richards kung saan lulugar para lang i-please ang lahat. At tao lang naman siya, may hangganan ang kanyang pasensiya. Gusto rin niyang magkaroon ng privacy sa ilang aspeto ng kanyang buhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page