top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 15, 2025



Photo: Moira Dela Torre - IG


Kalat na kalat ngayon sa social media at pinag-uusapan ng mga netizens na diumano’y inaayawan nang makasama ng mga singers sa A.S.A.P. si Moira dela Torre. 

Bukod daw kasi sa feeling big star na ang singer, panay pa ang reklamo nito kapag konti lang ang kinakanta sa A.S.A.P.


May kakaibang attitude diumano si Moira na kinaiinisan ng mga kapwa niya singers. At maging ang Asia’s Songbird nga raw na si Regine Velasquez ay sinabihan din nitong magaling lang sa pagbirit pero matanda na kaya ayaw na niyang maka-collab.


May simpleng buwelta naman daw si Regine nang minsang magkasama sila ni Sam Milby sa A.S.A.P. at nagparinig itong “Hindi kami friends,” na diumano’y patungkol kay Moira na hindi na rin daw friend ngayon ni Sam.  


Well, kapag nagpatuloy ang ganitong attitude ni Moira, tiyak na hindi na rin magtatagal ang ningning ng kanyang singing career. Unti-unti na rin siyang malalaos at posibleng hindi na kunin sa mga shows here and abroad.


Hindi mapapantayan ni Moira ang staying power nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Lani Misalucha, atbp..



MAY mga viewers na nakapansin na mukhang hindi raw nag-e-effort si Karylle na mag-ayos o mag-makeup kapag nasa It’s Showtime siya. Para lang daw kasing nasa bahay si Karylle kung pumorma.


Nasasapawan tuloy siya nina Anne Curtis, Kim Chiu, Bela Padilla at Amy Perez. 

Aware kaya si Karylle sa comment na ito ng mga viewers ng IS


Sey ng mga netizens, hindi naman kailangan na todo-makeup at super duper na maging fashionista si Karylle ‘pag nagho-host sa IS. At siguro naman ay may stylist ang IS na nag-a-assist sa mga female hosts ng show. 


Puwede namang magpatulong si Karylle sa kanilang stylist. Medyo old-fashioned lang talaga si Karylle kumpara kina Anne, Kim at Bela. At siguro nga, mas komportable siya sa pagiging simple lang. 


Gayunpaman, dahil isa siyang celebrity, ine-expect ng marami na pang-artista ang kanyang porma ‘pag lumalabas sa telebisyon.



NAGBABALIK-TELEBISYON si Kris Bernal at mapapanood siya sa isang two-part story ng programang Tadhana na eere na ngayon at sa susunod na Sabado. 


Medyo nagpahinga lang sa kanyang career si Kris mula nang magpakasal at magkaroon ng anak. Inasikaso rin niya ang pagpapatayo ng kanilang mala-mansion na dream house. 


Aminado si Kris Bernal na na-miss niya ang showbiz, kaya nagbabalik-acting siya ngayon. 


May mga nagtatanong naman kung may kontrata pa ba si Kris sa GMA Network kaya siya nakabalik? 


Well, hindi naman tuluyang nawala sa mainstream si Kris at magaling naman siyang umarte. Marami pa siyang fans na naghihintay sa kanyang pagbabalik. 


May ilang nagsasabi na pagsamahin silang muli ni Aljur Abrenica na dati niyang ka-love team. Tiyak na marami ang magkakainteres na panoorin silang muli. 


Samantala, may nag-comment naman na sana, pinaghandaan ni Kris ang kanyang pagbabalik sa harap ng kamera. Dapat ay may makikitang transformation sa kanyang hitsura at personalidad, ‘yung pang-leading lady ang porma. 


Hindi raw bagay kay Kris ang long hair dahil nagmumukha siyang matanda at losyang. Dapat ay ‘pasabog’ at new look si Kris Bernal sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.



HINDI na raw magiging choosy si Alessandra de Rossi sa mga projects na kanyang gagawin. Dati kasi ay seasonal lang kung lumabas siya sa pelikula. Halos dalawang movies lang ang tinatanggap niya sa isang taon. 


Choosy din siya sa mga artistang gusto niyang makatrabaho sa isang TV o movie project. 


Well, katwiran ni Alessandra ay kaya naman niyang mabuhay at mag-survive kahit hindi siya lagare sa paggawa ng pelikula. Simpleng buhay lang ang gusto niya, at wala siyang sinusuportahang pamilya, kaya can afford siyang tumanggi sa mga offers na hindi niya type ang istorya. 


Pero mukhang nagbago na ang pananaw ngayon ni Alessandra. Sa isang reel na aming napanood, diretsahan niyang inamin na gusto niya ngayon ng maraming-maraming pera. Kailangan niya ng pera upang mamuhay nang komportable. At upang magkaroon siya ng maraming pera, kailangan ni Alessandra na kumayod at tumanggap ng maraming TV at movie projects. 


Huwag na niyang pairalin ang pagiging choosy. Maraming baguhang artista ngayon na magaganda na ay magagaling pang umarte, baka mapag-iwanan na siya at makalimutan ng publiko kapag choosy siya.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 14, 2025



Photo: Ivana Alawi at Ashley Ortega sa Bahay ni Kuya - PBB


Dahil sa sobrang pagiging open at pagpapakatotoo ni Ashley Ortega, marami ang nagsasabing baka siya ang unang housemate na mae-evict sa Bahay ni Kuya. 


Marami ang nalungkot nang aminin-ikumpisal ni Ashley kay Big Brother na three years na niyang hindi kinakausap ang kanyang mom. Nagkaroon sila ng misunderstanding at mas pinili ni Ashley na mamuhay mag-isa at maging independent. 


Nang mapasama nga si Ashley sa mga napiling PBB housemates, umiral ang pagiging taklesa niya. Pinagdudahan niya ang gender ng isa sa mga guy housemates. Pero nag-sorry naman siya agad.


Samantala, may pakiusap si Ivana Alawi na huwag si Ashley ang ibigay sa kanya na maging ka-collab. Guest celebrity lang kasi siya at baka hindi magtagal, kaya madadamay pa si Ashley. 


May kani-kanyang partner-kakampi ang mga PBB housemates, at haharapin nila ang mga tasks at challenges na ibibigay sa kanila ni Kuya. 


Marami namang housemates ang naiyak nang emosyonal na nagbahagi si Michael Sager ng kanyang mga karanasan sa pagpasok niya sa showbiz. Nasa Canada ang kanyang pamilya, at nag-iisa siyang namumuhay sa ‘Pinas. 


Samantala, nang makita naman si Carmina Villarroel sa harapan ng PBB house, may ilang nagsasabing nakiusap daw ang aktres kay Kuya na palabasin na ang anak niyang si Mavy o pati siya ay papasok na rin sa Bahay ni Kuya.


Well, sey naman ng mga netizens, mas exciting kung pati si Carmina ay makakasama sa PBB house. At masaya rin si Ashley kung ‘di muna palalabasin sa PBB house ang nobyo niyang si Mavy Legaspi.



Ibang-iba na ang aura ng comedienne na si Kiray Celis magmula nang maging successful siya sa kanyang pagla-live selling online. 


Maging ang King of Talk na si Boy Abunda ay nagulat sa malaking transformation ni Kiray nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA)


Full of confidence at CEO na ang porma ni Kiray. May sarili na siyang beauty products at malaki na ang kinikita nito. 


Noong una raw ay sinubukan muna ni Kiray ang pagtitinda ng kung anu-ano online, at ito muna ang kanyang pinagkakakitaan. 


Pero sa payo ng BF niya, nag-invest si Kiray sa beauty products at nagtayo ng sariling kumpanya. Naging matagumpay naman ito at kumita siya ng P8 million sa loob lang ng apat na buwan. 


Ngayon ay unti-unti nang napag-aaralan ni Kiray Celis ang pamamahala ng negosyo. Hindi na mauulit ang una niyang pagsabak noon sa negosyo kung saan nalugi siya at nawalan ng malaking halaga. 


Thankful si Kiray sa suporta at guidance ng kanyang BF. Ilang beses na raw siyang niyayang magpakasal ng nobyo, pero hindi pa siya handa ngayon, lalo na’t marami pa siyang mahal sa buhay na umaasa sa kanya. Nagpapaaral pa siya ng mga pamangkin.

Ipinagpapasalamat na lang ni Kiray Celis na nabigyan niya ng bahay, negosyo, at sasakyan ang kanyang ina. Sobrang blessings na ito para sa kanya.



NAGTATANONG ang mga fans ni Jillian Ward kung tuluyan na bang mabubuwag ang love team nila ng Sparkle actor na si Michael Sager ngayong housemate na ito sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. 


Kung kailan naman may chemistry na sila ni Jillian at bagay na love team ay saka e-exit na si Michael Sager sa seryeng My Ilonggo Girl (MIG)


Baka naman tinapos na muna lahat ni Michael ang kanyang mga eksena sa MIG upang hindi maapektuhan ang istorya nito? 


Ganunpaman, maganda naman ang exposure na makukuha ni Michael sa PBB Celebrity Collab Edition. Magmamarka siya sa milyun-milyong viewers kapag maganda ang kanyang naging performance. 


Wala namang dapat ipag-alala ang mga viewers ng MIG dahil hindi sa love team nina Jillian at Michael umiikot ang istorya. 


Kakayanin ni Jillian kahit walang ipareha sa kanya bilang love interest. Puwede ring magpasok sa istorya ng kahit sinong Kapuso actor.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 13, 2025



Photo: Gary Valenciano - IG


Ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano dahil sa sakit niyang diabetes. May mga pagkakataon na mismong sa gitna ng kanyang concert ay bumababa nang husto ang kanyang blood sugar. Mabuti na lamang at laging may medic silang kasama sa venue ng kanyang concert. 


Mahigit na apat na dekada na sa larangan ng musika si Gary V.. Isa na siyang icon na maituturing. Pero at this point of his life, wala pang balak na magretiro si Mr. Pure Energy sa concert scene kahit maraming kaibigan/loyal fans ang nag-a-advise sa kanya na huwag nang mag-concert at sa mga TV shows na lang mag-perform.


Wala na siyang dapat pang patunayan dahil nakamit na niya ang mga awards at pagkilala sa kanya bilang singer-performer. Pero sadyang passion ni Gary V. ang pagkanta at pagpe-perform on stage. Gusto pa niyang magpasaya ng tao. 


Sa interview sa kanya ni Karen Davila, sinabi ni Gary V. na hindi siya natatakot sa kamatayan. Alam niya ang kondisyon ng kanyang kalusugan. Kaya anytime, handa siya kapag dumating na ang takdang panahon.


Sobra-sobra na ang mga blessings na ibinigay sa kanya ng Diyos.



SIGURADONG flattered si Dina Bonnevie sa pag-amin ng Primetime King na si Dingdong Dantes (DD) na siya ang first showbiz crush ng actor.


Kuwento nga ni DD, medyo kinikilig pa siya nang aminin na na-star struck siya kay Ms. Dina noon, at medyo na-conscious siya nang magkasama sila sa Magpakailanman


Well, magandang ideya sana kung magkakaroon ng serye o pelikula sina Dingdong Dantes at Dina Bonnevie. For sure, hindi naman pagseselosan ni Marian Rivera si Dina, dahil siya naman ang pinakasalan ni DD. 


Besides, mukhang wala nang balak si Dina na umibig pang muli dahil mahal na mahal niya ang yumaong mister na si DV Savellano. Matagal din silang nagsama at maraming magaganda at masasayang alaala na hindi makakalimutan ni Bonnevie.



SOBRANG na-miss ni Bayani Agbayani ang buong cast ng Da Pers Family (DPF) sa pangunguna nina Aga Muhlach, Charlene Gonzales, Roderick Paulate, Vandolph, atbp.. 


Kailangan na pansamantalang magbakasyon at magpahinga ni Yani sa DPF dahil first nominee siya sa TUPAD Partylist at abala na rin sa pangangampanya.


Hindi rin siya nasasamahan ng mga kaibigang artista na tumatakbo rin sa iba’t ibang posisyon. 


Nahihiya si Bayani na magpa-endorse at humingi ng tulong sa mga kaibigang artista tulad nina Aga Muhlach, Robin Padilla, atbp., kaya sariling sikap na lang siya sa pangangampanya.


Well, kung anuman ang maging kapalaran ni Bayani sa darating na midterm elections, inihanda na niya ang kanyang sarili. Basta positibo lagi ang kanyang pananaw, at naririyan pa rin naman ang kanyang showbiz career anuman ang mangyari.


ANAK NILA NI ERWAN, ‘DI RAW NAGMANA SA GANDA NI ANNE


Tiyak na hindi palalagpasin ni Anne Curtis ang panlalait ng ilang bashers sa anak niyang si Dahlia. 


May ilang nag-comment kasi na hindi minana ni Dahlia ang ganda ng kanyang mom na si Anne. Guwapo rin at tisoy ang kanyang dad na si Erwan Heussaff, kaya labis na nagtataka ang marami kung bakit napaka-ordinary looking daw ni Dahlia. 


Gayunpaman, marami naman ang nagsasabi na matalino at cute si Dahlia at minana ang pagiging bibo at sweet ng kanyang Mommy Anne. 


Nakakatuwa silang tingnan kapag nagluluto si Erwan at tumutulong si Dahlia. Hindi rin bratty si Dahlia, mabait ito at ma-PR sa kapwa-bata. At tulad ni Anne, people pleaser din si Dahlia. 


Kahit sabihin ng mga bashers na hindi siya tisay at ordinary looking lang, marami naman ang natutuwa sa kanya. Kaya proud mom si Anne Curtis kay Dahlia na nag-celebrate ng kanyang 5th birthday recently.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page