top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 24, 2025



Photo: Kathryn Bernardo - Instagram


Maraming netizens ang labis na nagtataka kung bakit gusto pang bumukod ng tirahan ni Kathryn Bernardo ngayon? 


Sa pagkakaalam ng marami ay hindi naman siya hinihigpitan ng kanyang parents at malaya naman niyang gawin kung ano ang gusto niya. Maski nga noong magkarelasyon sila ni Daniel Padilla ay wala namang restrictions at rules sa kanya si Mommy Min, at puwede siyang mag-open up sa kanyang mom kung anuman ang kanyang problema. 


Tuloy, marami ang nagtatanong kung may blessings ba ng kanyang parents ang desisyon ni Kathryn na bumukod at mamuhay na mag-isa? Baka raw may mga nag-impluwensiya at nagsulsol kay Kath na bumukod na ng tirahan dahil nasa tamang edad na siya upang maging independent.


Sabi naman ng iba, baka “birthday blues” lang ang nararamdaman ni Kathryn dahil 29 years old na siya sa March 26. At feeling ni Kath ay panahon na rin upang ma-explore ang maraming bagay sa kanyang buhay at kailangan niya ng space upang makapag-isip-isip kung ano’ng direksiyon ang gusto niyang tahakin. 


Ganunpaman, huwag sanang kalilimutan ni Kathryn na may pamilya siyang handang dumamay sa kanya anumang oras na kanyang kailangan.



Mukhang masusubok ang tatag ni Gabbi Garcia ngayong siya ang napiling celebrity guest sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition Collab. Kailangan niyang mag-interact sa mga housemates. 


At ang aabangan ng mga viewers ay kung kakayanin ng karisma ni Gabbi na pakibagayan ang moods ng mga PBB housemates. Ano’ng diskarte ang kanyang gagawin upang mapalapit sa mga ito? 


Matatandaan na sobrang naging close si Ivana Alawi sa mga housemates noong siya ay maging celebrity guest. Gustung-gusto ng mga housemates ang pagiging jologs ni Ivana. Wala itong kaarte-arte sa katawan, totoong ugali niya ang kanyang ipinakita, kaya naging big sister siya para sa ibang housemates. 


Samantalang si Gabbi Garcia ay may pagka-social ang dating. Kaya naman, challenge kay Gabbi ang pakisamahan at maging malapit sa mga housemates. At ‘yun ang aabangang kaganapan sa Bahay ni Kuya.



SHOCKED si Shaira Diaz nang rumampa sa Bench Body of Work ang kanyang groom-to-be na si Edgar Allan Guzman na nagpakita ng kanyang puwet.

In fairness, makinis at may korte naman ang butt ni EA, pero hindi nga inakala ni Shaira na magpapakita ito ng wetpu (puwet). 


Labis namang ikinatuwa ito ng audience dahil nakipagsabayan si EA sa ilang actors na rumampa sa Bench Fashion Show. 


Maging sina Ruru Madrid at Derrick Monasterio ay agaw-pansin din.

Itinodo naman ni Jake Cuenca ang pagpapa-sexy at paglantad ng kanyang katawan na nakasuot lamang ng white thong sakay ng motorsiklo.


Well, sa totoo lang, ang inaabangan ng lahat sa tuwing may Bench Fashion Show ay ang pagrampa ng mga male celebrities, hindi ang mga sexy female celebs.


Sa kanilang pagdalo sa Bench Body of Work, naalala nina Richard Gomez at Dingdong Dantes ang kanilang pagrampa noon sa Bench Fashion Show. Pero sa taong ito, sila ay special guests bilang suporta kay Ben Chan na isang kaibigan.



KASABAY ng kanyang 27th birthday ang pag-amin ng Kapuso artist na si Buboy Villar na may bago na siyang GF ngayon at may 3-month-old baby boy na sila.


Sa podcast nila ni Tuesday Vargas na Your Honor (YH) ay special guest si Jelai Andres na BFF ni Buboy Villar kaya naging masaya ang mga pa-throwback nila bilang mag-best friend. 


Si Buboy ang laging karamay ni Jelai kapag siya ay brokenhearted. At naging travel buddies din sila. 


Two years nang hiwalay si Buboy sa ex-GF niyang American girl na si Angilyn Serrano Gorens. Nagkaroon sila ng dalawang anak, na nasa pangangalaga ng parents ni Angilyn.


Nadadalaw at nakakasama naman ni Buboy ang dalawang anak nila. 


Seven years na naging single si Buboy bago niya nakilala ang karelasyon ngayon na si Khrizza Mae Sampiano. Walang matagal na ligawan ang nangyari, dahil matapos magkakilala at nagkita ay agad na silang naging magkarelasyon. 


Mabait at simple lang ang bagong GF ni Buboy. 


Tinanggap at minahal din nito ang dalawang anak nito kay Angilyn. At masaya na si Buboy dahil natagpuan na niya ang kanyang “the one”.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 23, 2025



Photo: Dingdong at Marian - IG


Malalaki na ang dalawang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto. Naibigay na ni Marian ang kanyang panahon upang maalagaan at masubaybayan ang paglaki ng dalawa. 


Kaya naman, balak na rin ni Marian na bumalik na sa pag-arte at muling gumawa ng serye sa GMA-7. Na-miss na siya ng kanyang mga tagahanga at gusto nang mapanood siyang muli sa telebisyon. 


Nagpasabi na si Marian sa mga big bosses ng GMA Network na ready na siyang gumawa ng serye sa taong ito. 


Pero, may hirit naman ang kanyang mister na gusto pa nito ng isang anak para raw may makasama-makalaro sina Zia at Sixto.


So, paano na ang planong pagbabalik ni Marian sa telebisyon kung muli siyang magbubuntis? 


Anyway, kung one season lang naman ang seryeng kanyang gagawin, puwede pa siyang mag-taping. At mapagbibigyan pa niya ang hiling ni Dingdong na mag-anak pa sila ng isa.



BONGGANG-BONGGA ang ginanap na Bench Body of Work fashion show sa Mall of Asia Arena. Malalaking artista ang rumampa rito sa pangunguna nina Alden Richards, Kathryn Bernardo, Ruru Madrid, Bianca Umali, Sunshine Cruz, Janine Gutierrez, David Licauco, Ina Raymundo, Jake Cuenca, at maging ang SB19 na tinilian ng lahat sa kanilang pagrampa. 


Ang cute namang tingnan nina Ruru Madrid at Bianca Umali na enjoy na enjoy sa kanilang pagpo-pose sa stage. 

Marami rin ang napa-wow sa kurbada ng katawan ngayon ni Kathryn dahil may pa-abs ito. 


Special guests naman sa Bench fashion show sina Lucy Torres at Richard Gomez, ganoon din sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na bumati kay Ben Chan sa matagumpay na event. 


Taun-taon ay inaabangan ng lahat ang Bench fashion show dahil sa pagrampa ng mga sikat na celebrities. Hindi pa rin nagpakabog ang mga sexy mommies na sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo. Maging ang dating sweet at pa-wholesome na si Kathryn Bernardo ay nakipagsabayan sa mga Bench Beauties sa pagrampa, kaya tuwang-tuwa ang kanyang mga fans.



BILANG pagkilala sa kanyang ambag at talento, ang Comedy Genius na si Michael V. ay pinarangalan sa ginanap na 75th anniversary ng GMA Network. 


Bukod sa pagiging Mr. Congeniality, isa rin siya sa mga napiling bigyan ng Kapuso Loyalty Award. 


Mahigit 3 dekada nang naging bahagi ng GMA-7 si Michael V., a.k.a. “Bitoy”. Ilang shows na rin ang ipinagkatiwala sa kanya. 


Ang una at pinakamatagal na show ni Michael V. sa GMA-7 ay ang Bubble Gang (BG) na umere ng mahigit na 3 dekada na. Pinanonood pa rin ito hanggang ngayon. 


Ang sitcom namang Pepito Manaloto (PM) ay 15 years na sa ere at napapanood tuwing Sabado ng gabi. 


Nakaatang sa balikat ni Michael V. ang pag-iisip ng mga bagong ideya para sa PM, kaya hindi ito pinagsasawaang panoorin ng mga viewers.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 22, 2025



Photo: Vice Ganda - IG


Kung si Eugene Domingo ay todo-pasalamat kay Kathryn Bernardo dahil inirekomenda siya bilang isa sa mga judges ng PGT Season 7, may tsika naman na diumano ay inalok si Vice Ganda na maging judge sa PGT pero tinanggihan daw niya ito nang malaman na sa TV5 ipapalabas ang talent show.


May tampo raw sa Kapatid Network si Vice Ganda dahil sa issue noon ng It's Showtime na nawala sa network nang pumasok ang Eat… Bulaga!. 


Nang makipag-usap daw ang pamunuan ng It's Showtime sa TV5 ay sa afternoon slot gustong ilagay ang show bago ang kay Willie Revillame. Kaya, medyo na-hurt daw si Vice Ganda. 


Well, si Eugene Domingo na nga ang ipinalit kay Vice Ganda bilang judge ng PGT.



MASAYA at star-studded ang Thanksgiving Party ng GMA Network na dinaluhan ng mga Kapuso stars! Ginanap ito sa Makati Shangri-La at ang theme ng selebrasyon ay Denim and Diamonds. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 75th anniversary ng GMA Network at pag-alala sa makulay at maningning na kasaysayan ng GMA sa loob ng mahigit pitong dekada.


Sa nasabing event ay pinarangalan din ang ilang Kapuso artists tulad nina Barbie Forteza (Kapuso Female Heartthrob), Alden Richards (Kapuso Male Heartthrob), Marian Rivera (Female Lodi) at Dennis Trillo (Male Lodi).

Sina Jillian Ward (Ms. Congeniality) at Michael V. (Mr. Congeniality) ay tumanggap din ng award. 


Tinanghal naman na Male Star of the Night si Boy Abunda at Female Star of the Night sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.


Ang Kapuso Loyalty Award ay ipinagkaloob naman kina Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Dingdong Dantes, Michael V., Susan  Enriquez at Gabby Eigenmann.



NAG-AANYAYA si Ms. Boots Anson-Rodrigo at Rez Cortez sa lahat ng miyembro ng MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation) upang dumalo at makiisa sa 51st anniversary ng foundation na gaganapin ngayon sa UP Bahay Alumni, 1 to 6 PM. 


Magkakaroon ng munting program at may libreng medical service para sa mga miyembrong dadalo. 


Sina Dingdong Dantes at Alden Richards ay kabilang sa Board of Trustees ng MOWELFUND kaya aktibo sila sa mga fundraising projects ngayon.


Ang MOWELFUND ay pinamumunuan ni Boots bilang chairman at Rez Cortez as president. Kabilang din sa Board of Trustees sina Gina Alajar at Boy Vinarao. 


Isa sa mga projects na pinaghahandaan ngayon ay ang pagkakaroon ng sariling clinic ng Mowelfund.



BILANG pagkilala sa kanyang ambag at talento, ang Comedy Genius na si Michael V. ay pinarangalan sa ginanap na 75th anniversary ng GMA Network. 

Bukod sa pagiging Mr. Congeniality, isa rin siya sa mga napili na bigyan ng Kapuso Loyalty Award.


Mahigit tatlong dekada nang naging bahagi ng GMA-7 si Michael V.. Ilang shows na rin ang ipinagkatiwala sa kanya.


Ang una at pinakamatagal na show ni Michael V. sa GMA-7 ay ang Bubble Gang na umeere ng mahigit na tatlong dekada na. Pinanonood pa rin ito hanggang ngayon. 

Ang sitcom namang Pepito Manaloto ay 15 years na sa ere at napapanood tuwing Sabado ng gabi.


Nakaatang sa balikat ni Michael V. ang pag-iisip ng mga bagong ideya para sa Pepito Manaloto. Kaya hindi ito pinagsasawaang panoorin ng mga viewers!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page