top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 27, 2025



Photo: Paulo at Kim Chiu - Instagram


Sobrang saya ni Kim Chiu nang manalo siyang Best Drama Actress sa 38th Star Awards for TV ng PMPC. Ang kanyang mahusay na pagganap sa kanyang role sa Linlang ang napansin ng mga viewers at ibang Kim ang napanood ng lahat. 

Kayang-kaya na niya ang seryoso at daring role.


Hindi na siya ang dating Kim Chiu na bungisngis at pabebe, kaya tuwang-tuwa ang mga loyal fans ng Chinita Princess. 


Napatunayan na ni Kim na kaya na niyang mag-solo at hindi na dedepende lang sa love team nila ni Paulo Avelino. 


Puwede na rin siyang pumili ng gusto niyang project. Nagle-level-up na ang pagiging actress ni Kim, big star na siya na pambato ng ABS-CBN at mas magiging mabenta na siyang endorser ng mga produkto.


Kaya naman labis na nagpapasalamat si Kim Chiu sa Kapamilya Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan.



KUMPARA kay Mavy Legaspi, hindi raw mama’s boy si Andres Muhlach. Hindi siya gaanong attached sa kanyang mom na si Charlene Gonzalez. Sakto lang kung siya ay makipag-bonding, at madalas ay nakikinig sa tips at advice ng kanyang dad na si Aga Muhlach. 


Marami rin ang nakakapansin na kahit lumaki sa USA si Andres at doon nag-aral, hindi siya nakakalimot sa mga kaugalian ng Pinoy. Hindi siya maangas kumilos at magsalita. 


At dahil na rin sa guidance ng kanyang mga magulang na sina Aga at Charlene, lumaki sila ni Atasha na may respeto sa mga elders at nanatiling humble at simpleng kumilos. 


Well, may blessing ng kanyang mom at dad ang pagpasok sa showbiz ni Andres.


Payo lang ng ilang mga netizens, baguhin ni Andres ang kanyang hairstyle, ‘yung sunod sa uso at babagay sa kanyang edad. 


Sila ni Mavy Legaspi ang bagong henerasyon ng heartthrob sa showbiz. Tiyak na malayo ang mararating nila.



MAGIGING aktibo sa telebisyon ang pamilyang Legaspi sa taong ito. Isang serye ang kanilang gagawin sa GMA-7, ang Hating Kapatid (HK) at inaayos ang mga artistang kasama sa cast.  


Follow-up project ito ni Carmina Villarroel pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) na pinagsamahan nila ni Jillian Ward.


Well, magiging masaya sina Carmina at Zoren sa taping ng HK dahil kasama nila sina

Cassy at Mavy. Matutulungan nila ang mga anak sa tamang pag-arte sa kanilang role na gagampanan. 


Samantala, hanggang ngayon ay isyu pa rin ang diumano’y pakikialam ni Carmina sa love life ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy. Pero maraming nanay ang nakaka-relate sa sitwasyon ng aktres, nasa tamang lugar daw ang paghihigpit nito sa kanyang mga anak.


Bilang isang ina, ayaw ni Carmina na makitang nasasaktan sina Mavy at Cassy ng mga taong minahal nila. 


Hindi naman istriktong mom si Carmina, binibigyan naman niya ng kalayaan sina Mavy at Cassy na mag-enjoy sa buhay habang mga bata pa sila. Iniiwas lang ni Carmina ang mga anak sa mga taong magiging bad influence sa mga ito.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 26, 2025



Photo: Arci Muñoz - Instagram


Nang mag-guest si Arci Muñoz sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nabanggit niyang labis siyang nagsisisi sa ginawa niyang pagpaparetoke ng kanyang mukha. Hindi niya itinatago at hindi ikinahihiyang aminin na marami siyang ipinagawa upang ma-enhance ang kanyang hitsura. At sadya raw matigas ang kanyang ulo dahil ayaw niyang makinig sa payo ng iba. 


Hindi raw siya nakukuntento sa kanyang natural na ganda, lagi niyang nire-reinvent ang kanyang sarili, kaya halos hindi na siya nakikilala ng mga dating kaibigan. 


At kabi-kabila ang natanggap niyang panlalait mula sa mga bashers, kaya hindi muna siya tumanggap ng anumang project. Sa kanyang love life niya ibinuhos ang kanyang panahon. 


Naging usap-usapan sa social media nang maging karelasyon niya ang anak ng isang prinsipe sa Brunei. Masaya at memorable naman daw ang kanilang naging relasyon kahit nauwi rin sa paghihiwalay. 


Apat na taon nang loveless si Arci Muñoz, kaya binalikan muli ang kanyang showbiz career. At dedma siya sa mga bashers na patuloy sa panlalait at tinatawag siyang retokada.



Itinatanggi ng Kapuso star na si Ysabel Ortega ang kumakalat na balitang break na raw sila ni Miguel Tanfelix. Wala na kasi silang ipino-post sa socmed ngayon na mga larawan ng kanilang relasyon. Parehong busy ngayon sina Ysabel at Miguel sa kanilang mga shows.


Si Ysabel ay nasa lead cast ng bagong suspense serye na Slay kasama sina Julie Anne San Jose, Mikee Quintos at Derrick Monasterio. 


Samantala, si Miguel ay patuloy sa paglabas bilang Kidlat sa Mga Batang Riles (MBR)

Nagtatanong naman ang mga fans kung posible bang mag-guest si Ysabel sa MBR, tutal naman ay walang kapareha si Miguel sa serye. 


Well, mas makakabuti sa kanilang career kung solo-solo project muna sila. Puwede rin silang tumambal sa iba. Ang mahalaga ay suportado nina Isabel at Miguel ang career ng isa’t isa.



MARAMI ang nakapansin sa kakaibang campaign promo material ni Sen. Lito Lapid (LL) na ipinapalabas ngayon sa telebisyon. Makatotohanan ito, may malinaw na mensahe at madaling makaka-relate ang mga ordinaryong Pinoy. 


Hindi lang ito basta pampapogi points kay Sen. Lito, magmamarka ito sa lahat. 

Ang may ideya at may gawa pala ng mga promo ads for TV ni Sen. Lito ay ang anak niyang si Mark Lapid, sa tulong ni Coco Martin. 


Full support si Coco sa tinaguriang Supremo ng Senado na nakatrabaho niya sa Batang Quiapo (BQ).


Si LL ang nagsisilbing mentor ni Coco sa mga stunts at fight scenes niyang ginagawa sa BQ. Ibang-iba ang kanilang tandem sa serye. Gumaganda ang mga eksena sa tulong ni Sen. Lito. 


Kaya naman, isine-share ni Coco kay Lito ang karangalang natanggap ng BQ sa ginanap na 38th Star Awards for TV kung saan nanalo ito bilang Best Primetime Series.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 25, 2025



Photo: Paulo at Kim - IG


Nag-aalala ang mga loyal fans ni Kim Chiu dahil nakikita nila ang mga senyales na nahulog na ang loob ng Chinita Princess kay Paulo Avelino. 


Hindi na lang para sa kanilang career ang pagiging malapit ni Kim kay Paulo. Masaya siya kapag magkasama sila ng aktor. Nakikita ng marami na may spark at kinikilig si Kim kapag tinutuksu-tukso sila ni Paulo.


At tsika ng ilang malapit kay Kim, siya na ang nag-a-adjust ngayon kay Paulo. Kapag may pupuntahan sila at nagbabaon ng pagkain si Kim, may nakabukod na food para sa aktor dahil hindi ito kumakain ng meat. 


May pagka-misteryoso rin si Paulo dahil lagi itong tahimik. Si Kim lang ang daldal nang daldal kapag sila ay magkasama. Kaya, maraming babae ang naiintriga sa ugaling ito ni Paulo Avelino. 


Ganunpaman, kahit walang ka-tandem ay kayang-kaya naman ni Kim. Patuloy na nagle-level-up ang kanyang pagiging aktres. 


Sa ginanap na 38th Star Awards for TV, si Kim Chiu ang nanalong Best Drama Actress dahil sa mahusay niyang pagganap sa kanyang role sa seryeng Linlang.



Nabigyan ni Barbie Forteza ang kanyang mga magulang ng pangarap nilang bahay mula sa kanyang kinita sa showbiz.


Noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista ay naipangako ni Barbie sa kanyang sarili na bibigyan niya ng maginhawang buhay ang kanyang mga magulang.


Hindi ininda ni Barbie ang pagod at puyat sa taping at shooting para sa future ng mga mahal niya sa buhay. Kung anuman ang tagumpay na kanyang nakamit ngayon ay ang kanyang pamilya ang nagsisilbing inspirasyon niya.


Sa edad ni Barbie Forteza na 27, hindi niya naisipang bumukod sa kanyang mga magulang at kapatid. Nakasanayan na nila ang magkakasama sa mga mahahalagang okasyon sa kanyang buhay. May feeling of security si Barbie kapag kasama niya ang kanyang pamilya. 


Well, kalilipat pa lang nina Barbie sa ipinatayo nilang bahay noong nakaraang Pasko. Ito bale ang regalo niya sa kanyang mga magulang at walang-wala sa plano niya ang bumukod kahit na sabihin pa na nasa tamang edad na siya upang mamuhay nang solo.


Samantala, dahil sa isa siyang mabait at mapagmahal na anak, patuloy na binibiyayaan ng suwerte si Barbie Forteza. 


Sa paghihiwalay nila ni Jak Roberto ay sunud-sunod naman ang blessings sa kanyang career. Maraming offers na endorsements at may 3 pelikula siyang gagawin. May bago rin siyang seryeng gagawin sa GMA-7. 


At kahit walang love life, todo naman ang pag-angat ng kanyang career.



KINILALA ng PMPC 38th Star Awards for TV ang galing ni Dingdong Dantes (DD) sa pagho-host nang manalo siya bilang Best Game Show Host via Family Feud (FF). Kakaibang style o diskarte sa pagho-host ang ipinamalas ni DD sa FF. Maraming viewers ang natutuwa kay Dingdong dahil napaka-cool at relaxed niyang mag-host ng game show. Kaya, nag-e-enjoy din ang mga contestants sa FF


Wagi rin si DD bilang Best Educational Show Host via Amazing Earth (AE). 


Maraming bagay na nais i-share ni Dingdong sa mga kabataan na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Maging ang magagandang tourist spots ay naipapakita rin sa AE


Bonus na parangal ng Star Awards kay Dingdong ang Special Award niya bilang Male Shining Star of the Night. 


Nagkaedad man si Dingdong Dantes, lutang pa rin ang taglay niyang charisma.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page