top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 15, 2025



Photo: Marjorie Barretto - Instagram


Masahol pa sa K-drama (Korean drama) ang nagaganap na hidwaan ngayon sa Barretto sisters na sina Gretchen, Claudine at Marjorie. 


Noong namatay ang kanilang ama, sinikap ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ayusin o pagbatiin ang magkakapatid. Pero sa halip na magkaayos, gulo at nagrambulan pa sina Marjorie, Claudine at Gretchen sa burol. Wala nang nagawa maging si Atong Ang na nakiawat din sa gulo.


Pagkatapos ng nasabing insidente, maraming ibinunyag na sikreto si Marjorie laban kina Gretchen at Claudine.


At ngayong may gulong nangyari sa kasal ni Claudia na anak ni Marjorie, naalala muli ng publiko ang dating away ng Barretto sisters. 


Hindi lang pala si Dennis Padilla ang may issue sa naganap na kasal nina Claudia at Basti Lorenzo, hindi rin pala inimbita ni Marjorie ang kanyang ina sa kasal ni Claudia. At maging si Claudine, na naging malapit sa pamangkin na si Claudia noong bata pa ay hindi rin invited. At siyempre, wala rin si Gretchen. 


Ang nasabing kasalan ay para lang kay Marjorie at sa kanyang mga anak. Mukhang pinutol na ni Marjorie ang kanyang ugnayan sa kanyang pamilya, kaya imposibleng magkabati pa ang Barretto sisters. 


Matitigas ang kanilang puso at pinaiiral ang kanilang pride at walang gustong magpakumbaba.



CONSISTENT si David Licauco sa pagsasabing good friends sila ng kaparehang si Barbie Forteza. Hindi niya balak na samantalahin ang breakup nina Barbie at Jak Roberto. 


Alam ni David na nasa healing process si Barbie at kahit gustung-gusto na ng mga BarDa fans na mauwi sa totohanang relasyon ang lahat, hindi ito ginagawa ng “Pambansang Ginoo”. 


Darating daw ang tamang panahon, kaya hindi dapat madaliin at ipilit. 

Sa ngayon ay ine-enjoy lang nila ni Barbie ang kanilang friendship. Wala namang pressure sa tambalang BarDa kahit nangungulit ang mga fans. 


Marami rin ang nakakapansin na hindi na aloof si David Licauco at nakikipagbiruan na rin sa mga fans.


Samantala, sa kabila ng pagiging busy sa kanyang mga negosyo, maalaga sa kanyang katawan si David Licauco. Two times a day siyang nagdyi-gym kaya fit na fit siya nang rumampa sa Bench Body of Work. Pero hanggang abs lang daw ang kaya niyang ipakita.



MAGBABALIK muli ang original na artista search show ng TV5, ang Artista Academy at si Julia Barretto ang napiling mag-host. 


Ang tanong ngayon ng mga viewers ay kung kakayanin na ba ni Julia ang mag-host ng

talent search show? 


Sabagay, bihasa naman siyang magsalita ng English, at in full support din sa kanya ang mga kapatid na sina Dani, Claudia at Leon. 


Bukod sa AA, may gagawin ding serye si Julia Barretto sa TV5, ang Hello Heaven (HH) at may serye pa siya sa Kapamilya Network, ang What Lies Beneath (WLB). 


Hindi nga mababakante sa trabaho ngayong 2025 si Julia Barretto, may mga endorsements din siya na patuloy na dumarating.


Samantala, may ilang netizens naman ang nagsasabing sana raw ay hindi na nag-comment si Julia Barretto tungkol sa gulong nilikha ni Dennis Padilla sa kasal ng kapatid niyang si Claudia. Pinatutsadahan pa niyang “narcissist” ang kanyang amang si Dennis, at kumampi sa kanyang inang si Marjorie Barretto.


Dapat inisip ni Julia na tatay pa rin niya si Dennis at wala siya sa mundo kung wala sa buhay nila si Dennis Padilla.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 14, 2025



Photo: Kobe Paras - Instagram


Patuloy ang paglutang ng bali-balitang break na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Itinatanggi naman ito ng kampo ng aktres at wala pang official statement tungkol sa breakup nila. 


Gayunpaman, ipinagtataka ng mga fans kung bakit binura na ni Kobe ang mga larawan nila ni Kyline sa kanyang mga social media accounts. Kaya marami ang nagsasabi na 80% sure na tapos na ang relasyong Kobe at Kyline.


Balita na rin ngunit hindi pa kumpirmado na ang ipinalit ni Kobe kay Kyline ay isang mas mature na non-showbiz girl.


Well, may mga netizens ang nagsasabing umiral na naman ang pagiging chickboy ni Kobe Paras. Nagsawa na raw ito kay Kyline kaya naghanap na ng bago.


Ikinukumpara tuloy si Kobe ngayon kay Gerald Anderson na magaling lang mambola at magpaasa ng babae. Ang dali raw kasing napasagot ni Kobe si Kyline Alcantara. At sobra-sobrang pagmamahal ang ibinigay ng Kapuso actress. Hindi na-challenge si Kobe dahil hindi siya pinahirapan nang husto ni Kyline.


Pero tiyak na magtatanong ang mga fans ng aktres kung bakit ganoon lang kadali tumagal ang relasyong KyBe? Sino ang dapat sisihin?



Kaya todo-resbak kay Dennis… MARJORIE, TAKOT MAGING NEGA AT MATALONG KONSEHAL


MARAMING netizens ang naghihinala ngayon na kaya hindi na pinalagpas ni Marjorie Barretto ang pag-iingay ng kanyang dating mister na si Dennis Padilla sa nangyaring kasal ng anak nilang si Claudia Barretto ay dahil natakot ang dating aktres na maging nega siya sa mga residente ng Caloocan kung hindi niya maidedepensa ang sarili.


Tumatakbong konsehal ng Caloocan si Marjorie at malaking epekto nga naman sa kanyang kandidatura kung iisipin ng mga botante na minamanipula niya ang kanyang mga anak kaya nawalan ng papel si Dennis sa kasal ni Claudia.


Pero kahit na nilinaw na ni Marjorie na hindi niya bine-brainwash ang mga anak na magalit kay Dennis, marami pa rin ang naniniwala na bilang ina, siya ang dapat na maglapit ng loob ng mga anak sa ama ng mga ito.


Ikinukumpara tuloy si Marjorie kay Sunshine Cruz, na bagama’t hiwalay na rin sa dating mister na si Cesar Montano ay naging malapit ang loob ng 3 nilang anak sa kanilang ama.


Hindi kailanman siniraan ni Sunshine si Cesar sa kanilang mga anak. Ibinigay pa rin nila ang nararapat na respeto sa kanilang ama. 


Ngayong midterm elections ay tumatakbong konsehal sa First District ng Caloocan si Marjorie Barretto. Let’s see kung papabor pa rin sa kanya ang mga botante ng Caloocan.



MARAMI ang nagpapayo kay Barbie Forteza na dapat ay kumuha na siya ng sarili niyang glam team, lalo na’t sikat na siya ngayon.


Marami ang nakakapansin na medyo conservative pa rin kung manamit si Barbie at hindi siya gaanong concerned sa glam team na mag-aalaga sa kanya tuwing may event siyang pupuntahan.


Kaya naman pinipintasan at bina-bash si Barbie dahil sa “old style” niyang wardrobe.


Hindi raw nababagay sa kanyang stature ang style ng kanyang mga damit. 

May kinikita naman daw si Barbie, kaya dapat ay may budget din siya sa kanyang wardrobe na sunod sa uso. 


Big star na si Barbie, kaya deserve niya na magkaroon ng sariling stylist at make-up artist. Iniidolo pa naman siya ngayon ng maraming kabataan kaya dapat ay presentable ang kanyang hitsura at total look.



DUMARAMI na ang endorsements ng Mommy Grace ni Miguel Tanfelix, na karamihan ay mga produktong ginagamit sa pagluluto. Damay sa kasikatan ni Miguel ang kanyang mom na patok ang cooking vlog.


Marami rin ang naaaliw sa tandem ng mag-inang Grace at Miguel. Sa halip na ang nobyang si Ysabel Ortega ang makasama niya sa commercial, mas pinili ng mga netizens ang mom ni Miguel. At hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.


May sarili na ring career ngayon ang Mommy Grace ni Miguel Tanfelix.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 12, 2025



Photo: Ivana Alawi - Instagram


Bongga ang pasabog ni Ivana Alawi nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Inamin ng sexy actress na naging sugar mommy siya ng dalawang guys na naugnay sa kanya. 


Ang isa ay non-showbiz na may ugaling ‘bilmoko!’ (ibili mo ‘ko). Madalas ay binibigyan pa niya ito ng allowance at siya ang gumagastos kapag sila ay nagde-date. 


Ang isa naman, aktor na hindi gaanong kaguwapuhan, at panay din ang parinig ng mga gustong bilhin.


Pagdating sa pag-ibig ay todo-bigay si Ivana. Baklang-bakla siya na binubusog sa regalo ang lalaking minahal niya. Pero, kapag nahalata naman niyang pineperahan lang siya at niloloko ng guy ay tinatapos niya ang kanilang ugnayan. 


Katwiran ni Ivana ay bata pa naman siya at maganda, kaya hindi bagay na maging sugar mommy. At hindi rin siya tanga sa larangan ng pag-ibig. May limitasyon ang kanyang pagiging generous.


Marami naman ang curious malaman kung sino ang showbiz guy na namera lang kay Ivana Alawi. It’s good na maaga siyang ‘nauntog’ at lumayo sa user na lalaki.



BAGO pala ginanap ang kasal ni Claudia Barretto kay Basti Lorenzo ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan kung itutuloy pa ito. Naramdaman kasi ni Claudia na medyo nonchalant at hindi gaanong interesado si Basti sa kanilang kasal, base na rin sa kuwento ni Dennis Padilla sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube (YT) Channel ng huli.  


Ten years nang magkarelasyon sina Claudia at Basti bago nagdesisyong magpakasal. 

Ayon sa sinabi ni Dennis, tumawag sa kanya si Claudia ilang oras bago ang kasal, at sinabing hindi na ito tuloy. 


At ang tanging nasabi raw ni Dennis kay Claudia ay huwag nang ituloy ang kasal kung meron itong agam-agam at nagdadalawang-isip. 


Ganunpaman, natuloy pa rin ang kasal dahil binawi ni Claudia ang sinabi sa kanyang ama.


Pero, nagkaroon nga ng isyu at kontrobersiya ang masaya sanang kasal ni Claudia. Nahati naman ang reaksiyon ng publiko sa naganap na gulo sa pagitan ni Dennis at kanyang mga anak kay Marjorie Barrettto.



SO, tapos na rin pala ang role ni Rainier Castillo sa singer na si Jojo Mendrez na naging bahagi sa pagpo-promote ng carrier single nitong Nandito Lang Ako


At tulad ng nangyari kay Mark Herras, may mga reklamo rin si Jojo kay Rainier. Marami rin daw itong hinihinging pabor sa kanya kaya ayaw na niyang makipag-deal ulit sa aktor.


Kaya naman sa pagpo-promote ni Jojo ng isa pang revival song niyang I Love You, Boy ay magkakaroon ng search para sa male singer na makaka-collab ni Jojo Mendrez. Ang mapipili ay tatanggap ng P1 million cash prize.


Well, tiyak na daragsa ang sasalang sa search na ito para sa kantang I Love You, Boy. Hindi lang kasi ang cash na P1M ang makukuha ng winner, magkakaroon din ng write-ups at exposure, at magiging daan din upang magkaroon ng singing career.



MARAMI ang nagsasabing kapag sikat ang isang komedyante, tiyak na chickboy at maraming karelasyon. Tulad na lang ni Dolphy (SLN) na karamihan sa kanyang naging GF ay magaganda tulad nina Pilar Pilapil, Lotis Key, Alma Moreno at Zsa Zsa Padilla.


Kahit hindi guwapo ang isang comedian, basta naaaliw at napapatawa niya ang babae, tiyak na magiging karelasyon niya ito. ‘Yun ang secret charm ng Comedy King na si Dolphy, kaya malapit sa kanya ang mga babae.


Pero, sa hanay ngayon ng mga sikat na komedyante, naiiba ang comedy genius na si Michael V.. Mahigit na 4 na dekada na rin siya sa showbiz. Family-oriented siya at sa kanyang pagiging padre de familia nakasentro ang kanyang buhay. 


May pangarap siya para sa kanyang pamilya kaya nakakaiwas siya sa tukso ng mga babae.


Mabait, responsable, at hardworking si Michael V.. Suportado siya ng kanyang betterhalf na si Carol Bunagan, na tumatayo ring manager niya. 

Maganda ang kanilang partnership at tandem, kaya patuloy na nai-inspire si Bitoy sa kanyang trabaho.


Well, patok sa mga viewers ang gag show na Bubble Gang (BG) na thirty years na sa ere. Klik din sa lahat ang sitcom na Pepito Manaloto (PM): Ang Tunay na Kwento na 15 years nang napapanood sa GMA-7. Si Michael V. ang creative director ng PM.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page