top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 14, 20255



Photo: Alex Gonzaga-Morada - IG


Nanalo bilang vice-mayor ng Lipa City ang hubby ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada. All-out ang support sa kanya ng buong pamilya Gonzaga, ganu’n din ni Direk Paul Soriano at ng kanilang mga kaibigan.


Sobrang saya at proud sa kanyang mister si Alex. Nakikita kasi niya ang sincerity ni Mikee na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan sa Lipa City. Napaka-dedicated at hardworking nito bilang public servant.


Maganda rin naman ang family background ni Mikee, kaya minahal siya ng mga Lipeño.

May advise lang kay Alex ang ilang supporters na nagmamalasakit sa political career ni Vice-Mayor Mikee. Sana raw ay behave na si Alex G. ngayong vice-mayor na ang kanyang mister. Huwag na rin sana niyang paglaruan at i-prank sa kanyang vlog si VM Mikee. 


Kailangan ng isang public servant ang magandang imahe sa publiko. Huwag sanang gawing katatawanan ni Alex Gonzaga ang kanyang mister lalo na sa harapan ng publiko.


Puwede naman siyang maging prim and proper tulad ng kanyang Ate Toni Gonzaga.

For sure, kayang-kaya namang gawin ito ni Alex Gonzaga para sa kanyang mister.



May malaking pasabog si Kyline Alcantara laban sa ex-BF niyang si Kobe Paras. Ayaw man niyang gawin na ipahiya ang dating karelasyon, kailangan na niyang magsalita upang matigil na ang paninira sa kanya ni Jackie Forster na mom ni Kobe.


Inamin ni Kyline na bukod sa nakitira nang libre sa kanyang condo si Kobe ay umutang pa ito sa kanya ng malaking halaga. At ngayon na break na sila ay nagde-demand si Kyline na bayaran siya ng dating nobyo.


Dahil sa pagkakabulgar ng utang ni Kobe, biglang nanahimik si Jackie Forster. Hindi niya in-expect na may pasabog palang gagawin si Kyline laban kay Kobe Paras.


Anyway, ang talagang ikinapikon daw ni Kyline ay ang pandadawit ni Jackie sa kanyang parents at kapatid na inakusahan ni Jackie na nanlait at nang-api kay Kobe. 


‘Yun ang isang bagay na hindi pinalampas ng aktres. Ayaw na ayaw niyang pinakikialaman ang mga mahal niya sa buhay. Handa niyang ipagtanggol ang mga ito kahit na sino pa ang kanyang babanggain.


Napaka-generous ni Kyline kapag may mga lumalapit at humihingi ng tulong. Todo-bigay siya kung ano ang meron siya. 


Kaya naman ngayon ay ang kanyang parents na ang humahawak sa kanyang kinikita sa showbiz. Hindi na mauuto at magagamit si Kyline ng mga taong mapagsamantala.



BAGAMA’T nanalo si Vilma Santos bilang gobernador ng Batangas at congressman naman si Ryan Christian Recto, hindi naging ‘lucky’ si Luis Manzano sa kanyang pagtakbo bilang vice-governor ng Batangas.


Nakalaban o nakatapat kasi ni Luis ang veteran politician na si Dodo Mandanas na 3 termino nang naging gobernador ng Batangas. Malalim na ang naging ugnayan ni Mandanas sa mga Batangueño. Malawak na rin ang naging experience nito bilang public servant.


Mas madali sana ang naging panalo ni Luis Manzano kung sa posisyon ni Ryan Christian siya tumakbo. Puwede namang magsimula si Ryan sa pagiging konsehal ng Lipa.


Kaya tuloy ang naging labanan sa pagka-vice-gov. ng Batangas ay veteran vs. newcomer. Wala pa kasing naging experience si Manzano bilang public servant. Hindi nga siya naging konsehal man lang sa Batangas. 


Mas kilala sa buong Batangas si Dodo Mandanas. Maganda ang track record niya bilang public servant. Nakuha ni Mandanas ang tiwala ng kanyang mga kababayan. Mahal siya ng mga Batangueño.


Anyway, may showbiz career naman si Luis Manzano. Dito muna siya mag-concentrate hanggang sa dumating ang tamang panahon upang pumalaot siyang muli sa mundo ng pulitika.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 13, 20255



Photo: Julia Barretto - IG


Sa kabila ng kanyang pagiging sosyal, marami ang nagsasabing wife material si Julia Barretto. Magaling daw itong humawak ng pera at mahusay mag-budget.


Hindi siya katulad ng ibang celebrities na gastadora at bulagsak sa pera. 

Si Julia, wala ring hilig sa branded na damit, bags at sapatos. Sa halip na gumastos sa mga luxury bags and shoes, ipambabayad na lang daw niya sa kanyang Meralco bills. 


At dahil wife material ang aktres, hindi na mag-aalala si Gerald anytime na yayain na niyang magpakasal ito. 


‘Yun nga lang, mukhang hindi pa ready si Julia to settle down. Mga 5 years pa ang hinihingi niyang palugit kay Gerald. 


Maraming endorsements si Julia, sayang naman kung pakakawalan niya ang magandang oportunidad. Nagpupundar pa ng mga properties at negosyo si Julia Barretto. 


Well, for sure ay kakayanin naman ni Gerald ang maghintay pa ng 5 years bago sila magpakasal ni Julia. At alam niya na kapag may asawa na ang isang sikat na female star, hindi na ito mabentang product endorser.


Kahit hirap na hirap sa sakit… KRIS, ‘DI SUSUKO HANGGA'T ‘DI NAGIGING MAYOR SI BIMBY


May kakaibang karisma sa tao si Bimby Aquino, kaya posibleng siya ang pumalit kay Kris Aquino sakaling dumating na siya sa tamang edad. 


Pangarap ni Kris na maging mayor si Bimby pagdating ng tamang panahon. 

Makarisma naman sa tao si Bimby at matalino pa, at namana niya ang good qualities ng kanyang Momshie Kris. 


At dahil pangarap nga ni Kristeta na makitang mayor ang anak na si Bimby, tiyak na hindi siya basta susuko sa kanyang iniindang sakit ngayon. Gusto ni Kris na maging stable at successful na sa buhay si Bimby bago niya ito iwanan. 


Well, sa tingin namin, makakasama pa ni Kristeta ang kanyang mga anak sa darating na Pasko hanggang 2026. Tuloy pa rin ang kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman. Hindi siya susuko hangga’t may natitira pang lakas sa kanyang katawan. 


Ang dasal para sa kanya ng mga taong nagmamahal ang nagsisilbing bitamina niya sa araw-araw.



ANG laki ng ipinagbago ngayon ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio. Hindi na siya ang dating happy-go-lucky guy na hindi sineseryoso ang kanyang career. 


Ngayon, mature na siya at gusto ng mga challenging roles. Hindi na siya image conscious at tumatanggap na ng kontrabida role. 


Ang daming nagagalit sa kanyang character sa GMA-7's revenge series na Slay. Bad boy at sobrang salbahe ang kanyang role. 


Ganunpaman, maraming fans niya ang natutuwa sa pagbabago nito. Nagkaroon na siya ng goal upang i-level-up ang kanyang pagiging aktor. At nagsilbing inspirasyon niya ngayon ang Kapuso actress na si Elle Villanueva. 


Natuto na rin na mag-impok at mag-invest sa mga properties si Derrick. May nabili na siyang limang prime lots para sa kanyang future. Sa halip na sa mga luxury cars ay sa real estate niya ini-invest ang kanyang kinikita.



SOBRANG saya ngayon ng Sparkle artist na si Michael Sager dahil natupad na ang pangarap niyang dream house para sa kanyang pamilya. Nasa bandang Las Piñas ang nabili niyang bahay at plano ni Michael na siya mismo ang mag-i-interior sa nasabing bahay. 


Ito ang dahilan kaya super excited at na-inspire si Michael na paghusayin pa ang kanyang pag-arte. Ayaw niyang biguin ang mga taong nagtiwala sa kanyang kakayahan at siya rin ang magsisilbing inspirasyon ng mga katulad niyang baguhan pa lamang sa showbiz. 


Well, naging bentahe para kay Michael ang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother (PBB) house. Sumikat siya at nakapag-guest sa malalaking shows ng GMA-7. 


Kung hindi magbabago ang kanyang suwerte at positive vibes, sisikat pa nang husto si Michael Sager tulad ni David Licauco.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 10, 20255



Photo: Bea Alonzo - IG


Kung maraming mga fans ni Bea Alonzo ang natutuwa dahil nakatagpo na ito ng bagong mamahalin sa katauhan ng billionaire businessman na si Vincent Co, may ilang mga netizens naman ang nagsasabing hindi rin ito magtatagal tulad ng relasyon nila noon ni Dominic Roque.


Although pareho silang billionaire ni Vincent Co na anak ng may-ari ng Puregold at mahilig sa negosyo, hindi sila kinakitaan ng chemistry sa isa’t isa.


Pang-display lang daw ni Bea si Vincent at hindi mauuwi sa kasalan ang lahat.

Ngayon pa lamang ay tinataningan na ang kanilang relasyon.


Ibang-iba pa rin ang love na naramdaman ni Bea kay Dominic Roque. Si Dominic ang TOTGA (the one that got away) ni Bea. Sayang nga lang at may mga humadlang at sumira sa kanilang pagmamahalan.


Kahit na billionaire pa ang kanyang mapangasawa, hindi niya basta makakalimutan ang masasayang araw nila ni Dominic Roque.



MAY mga nagtatanong kay Leandro Baldemor kung willing ba siyang gawan ng sculpture ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor.


Bukod sa pag-aartista, isa ring mahusay na manlililok si Leandro. Marami na siyang obrang nagawa at ilan sa mga ito ay mga prominenteng tao.


Kaya may nagtanong kay Leandro kung kaya niyang iukit si Nora Aunor at ano’ng portrait o anyo nito ang balak niyang gawin.


May ilang Noranians naman ang nagsa-suggest na ang image ni Elsa sa pelikulang Himala ang kanyang gawin. ‘Yan ang character ni Aunor na tumatak sa marami.


Pero nakadepende naman ito sa kagustuhan ng sinumang magpapagawa ng statue ni Nora Aunor.


Kailangan kasi na makuha ni Leandro ang eksaktong image o mukha ni Aunor at hindi madaling gawin dahil mabusisi.


Sa edad na 67…

AMAY BISAYA, PUMANAW NA


NAGLULUKSA na naman ang showbiz ngayon sa pagpanaw ng komedyanteng si Amay Bisaya (Roberto Reyes) na 67 years old.


Ilang taon ding naratay sa karamdaman si Amay Bisaya mula nang siya ay ma-stroke, kaya hindi na siya nakikita sa mga showbiz events.


Taong 2022 ay nabalitang pumanaw na si Amay Bisaya, pero isa itong fake news dahil buhay na buhay pa siya noon.


Aktibung-aktibo noon si Amay Bisaya sa showbiz. Naging malapit siya noon sa yumaong King of Philippine Showbiz na si Fernando Poe, Jr. at naging supporter din ni Imelda Papin sa kanyang political career noon.


Minsan din ay nag-attempt si Amay Bisaya na sumabak sa political arena. Kumandidato siyang gobernador ng Bohol pero natalo.


Ganunpaman, maraming naging kaibigan na malalaking tao si Amay Bisaya dahil malakas ang kanyang karisma.


Tiyak na daragsa ang makikiramay at bubuhos ang ayuda at tulong sa kanyang pamilyang naulila.


Ibuburol sa St. Peter Commonwealth si Amay Bisaya at sa Linggo ang simula ng viewing.

Rest in peace, Amay.



MASAYA at nag-enjoy nang husto ang buong cast ng Pepito Manaloto (PM) sa summer episode ng sitcom.


Nagse-celebrate ngayon ang PM ng 15th anniversary. Ito na bale ang pinaka-vacation break nila dahil sa labas ang kanilang taping at madalas ay sa resort kinukunan ang kanilang summer episode.


Mas nakakapag-bonding ang lahat at walang pressure sa trabaho.


Isa ito sa mga taping ng PM na inaabangan ng buong cast.


Gustung-gusto nila ang pagbabad sa dagat at camping style na may sariwang hangin.


Sa PM na lumaki at nagdalaga si Angel Satsumi na nagsimula bilang child star.

Siya ang bunso ng mag-asawang Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V). kaya itinuring na niyang second parents ang dalawa.


Patuloy ang paghahatid ng saya at katatawanan ng PM sa kanilang mga viewers na mahigit isang dekada nang nanonood ng kanilang sitcom.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page