top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 31, 20255



Photo: Julia Barretto - IG


Tuluyan nang binura ni Julia Barretto ang mga larawan nila ng nobyong si Gerald Anderson sa kanyang IG account.


Kaya naman, mas tumibay ang bali-balitang tinapos na nila ang kanilang relasyon na tumagal din ng 6 na taon. 


Parehong hindi nagbigay ng statement sina Julia at Gerald sa issue ng kanilang breakup. Pero, hindi nila ito maitatago nang matagal sa media. 


Samantala, may ilang nagsasabi na posibleng ang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang pagtanggi ni Julia na magpakasal na. 


Nasa kasagsagan kasi ng kanyang career ngayon si Julia at maraming oportunidad ang mawawala kapag siya ay nagpakasal na. 


Alam ng lahat na gustung-gusto na ni Gerald ang mag-asawa at bumuo na ng sariling pamilya. Handa na siyang harapin ang responsibilidad ng isang padre de familia. Gusto na niyang maranasan ang maging ama tulad ng iba niyang kasabayang artista. 


Ang problema lang ay hindi pa handa si Julia na i-give-up ang kanyang career. Marami pa siyang pangarap na gustong abutin.


Katas ng showbiz… DAVID, NAKABILI NA NG DREAM CAR WORTH P7 M


MASAYA at excited ang Kapuso actor na si David Licauco dahil nabili na rin niya ang kanyang dream car. Isa itong white Porsche Taycan na ang presyo ay nasa P7 M, depende sa model. 


Electric car ito na bagong labas lamang sa ‘Pinas. Ito raw ay regalo ni David sa kanyang sarili. 


Sabi nga, katas ng showbiz at pinag-ipunan niya ito, kaya mas mai-inspire at sisipagin si David sa kanyang mga projects.


Bukod sa acting, susubukan na rin ni David ang maging recording artist ng GMA Records. At hindi siya makapaniwala na magiging singer din siya. 


In fact, ang pagiging artista ay hindi rin pinangarap noon ni David. Shy type kasi siya at tahimik lang. Pero, dinala siya ng kanyang kapalaran sa showbiz at pinalad na mabigyan ng break. Nag-click naman ang tambalan nila ni Barbie Forteza at nabuo ang BarDa love team.



NAGING emosyonal ang buong cast ng Pepito Manaloto (PM) sa kanilang taping para sa 15th anniversary ng sitcom.


Lahat ay nagpapasalamat na umabot ang PM nang mahigit 10 taon sa ere. Napakasimple lang ng bawat episode ng sitcom at maraming viewers ang natutuwa dahil nakaka-relate sila sa kuwento. 


Natural din ang pagganap ng buong cast sa kanilang role. Para silang isang masayang pamilya kapag nasa set. 


Hindi rin dumedepende ang PM sa mga big stars na guest. Kahit nga walang malaking artista ay nakaya ng PM na makapaghatid ng masayang palabas tuwing Sabado ng gabi. 


Wish ng mga bumubuo sa comedy serye sa pangunguna nina Michael V., Manilyn Reynes, Nova Villa, Ronnie Henares, John Feir, Jake Vargas, Chariz Solomon, Angel Satsumi, Mosang, Arthur Solinap atbp., na magpatuloy ang Pepito Manaloto sa ere sa marami pang taon.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 30, 20255



Photo: Sam Verzosa at Rhian Ramos - IG


Hindi man pinalad manalo si Sam Verzosa nang tumakbong mayor ng Maynila, napatunayan naman niya kung sinu-sino ang kanyang mga tunay na kaibigan na dumamay at hindi nang-iwan sa kanya sa gitna ng laban. 


At maging ang nobyang si Rhian Ramos ay all-out ang ibinigay na suporta sa kanya bilang patunay kung gaano siya kamahal ng Kapuso actress.


Medyo pumayat si SV dahil sa pagod at stress sa kampanya, kaya naman pinayuhan siya ng kaibigan/business partner na si RS Francisco na magbakasyon muna para makapag-recharge.


Binisita ni SV ang panganay niyang anak na nag-aaral sa United Kingdom (UK). Isinabay na rin nila ang bakasyon nila ni Rhian sa Europe. 


Kailangan din ni Rhian ang mag-recharge dahil tinapos niya ang kanyang mga eksena sa pantaseryeng The Encantadia Chronicles: Sang’gre (TECS).


Medyo nanibago lang si Rhian Ramos sa kanyang character na may pagka-kontrabida. Tiyak na maraming viewers ang magagalit sa kanya.



Sa pamamagitan ng legal counsel niyang si Atty. Raymond Fortun, nagpahayag si Bong Revilla, Jr. na magsasampa siya ng kasong cyberlibel sa ilang taong nagpakalat ng fake news bago ang May 12 midterm election na convicted siya sa plunder at ipinababalik daw sa kanya ng Sandiganbayan ang halagang P124 milyon.


Magpapatulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Bong upang matukoy ang mga taong nasa likod ng fake news na ang layunin ay sirain ang kanyang imahe sa publiko.


Malaki ang naging epekto ng mga nasabing paninira at fake news sa pagkatalo ni Bong sa nakaraang 2025 elections. Two weeks bago ang May 12 election, naglabasan na sa social media ang mga paninira sa kanya. Talagang sinadya at pinagplanuhan ng mga kalaban ang panlalaglag kay Bong Revilla upang hindi siya makapasok sa Top 12 senators.



MAY aabangan na naman ang mga fans ni Barbie Forteza kapag umere na ang seryeng Beauty Empire (BE) na ang major cast ay binubuo nina Ruffa Gutierrez, Barbie, Kyline Alcantara, Sid Lucero atbp..


Isang matured na Barbie ang gaganap bilang CEO ng isang beauty empire. Parehong fashionista ang character nina Barbie at Kyline na magiging mahigpit na magkakumpitensiya sa fashion world. 


Kung dati ay nasanay ang mga fans ni Barbie sa kanyang bagets style ng pananamit, babaguhin ito sa serye. Kailangan na medyo smart at sophisticated ang kanyang personalidad at magsisilbing mentor niya ang beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

Ibang-iba rin ang character na gagampanan ni Kyline na may pagka-bad girl na ayaw magpatalo. 


Marami silang eksenang bardagulan ni Barbie Forteza. Tiyak na pati ang kanilang mga fans ay magsasalpukan din at iyon ang aabangan ng mga viewers.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 29, 20255



Photo: Kathryn Bernardo - IG


Sa dami ng ine-endorse na produkto ngayon ni Kathryn Bernardo, mukhang naagaw na niya ang trono ni Sarah Geronimo bilang top celebrity endorser. Nang magpakasal si Sarah kay Matteo Guidicelli, nabawasan ang exposure at endorsements ng Pop Princess lalo na’t wala naman siyang regular na TV show at hindi na rin gumagawa ng pelikula.


Si Kathryn Bernardo ay sumikat pa nang husto nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla. Napunta kay Kathryn ang simpatya ng tao. Bukod dito, box office hit ang balik-tambalan nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Again (HLA) na bilyon ang kinita sa takilya. 


Ngayon ay kabi-kabila ang malalaking offers kay Kathryn upang mag-endorse ng produkto. Kapag nagtuluy-tuloy ang suwerte niya, tiyak na makakapagpundar siya ng maraming investments tulad nina Bea Alonzo at Sarah Geronimo. 

At mas okey para kay Kathryn ang solo at walang ka-love team. Panahon na para mag-mature ang image ni Kathryn Bernardo bilang isang artist.


Kapalit ni Atasha...

JULIA, PANTAPAT NG EB! KAY ANNE NG IS!


Nawala man pansamantala si Atasha Muhlach sa Eat…Bulaga! (EB!), bongga naman ang kinuha at ipinalit sa kanya sa show. Ilang beses nang napapanood bilang co-host sa EB! si Julia Barretto. Madali siyang naka-adjust sa mga orig na hosts ng show. Pasado rin si Julia sa mga viewers ng noontime show dahil lively at may pasayaw-sayaw pa siya kapag nagho-host sa EB!


Kaya marami ang nagsasabing si Julia ang ipantatapat ng EB! kay Anne Curtis na pambato naman ng It’s Showtime (IS).


Marami ang naaliw sa pagiging jologs ni Anne. At kahit medyo bulol at hirap sa pananalita ng Tagalog ay cute pa rin daw. 


Well, ayaw naman ni Julia na magpa-pressure sa pagtatapat nila ni Anne Curtis. Ine-enjoy lang niya kung ano ang ipagagawa sa kanya. Hindi siya nagpapakasosyal kapag nasa EB!. Sinisikap niyang matuto sa mga veteran hosts na sina Tito, Vic at Joey de Leon. 

Excited din si Julia Barretto na nabigyan siya ng pagkakataon na matutong mag-host ng isang game/variety show tulad ng Eat…Bulaga! (EB).


Dahil sa away nila ng ex-misis..

BUBOY, NAWALAN NG CAREER


MARAMI ang nakapansin na bibihira na ang guesting ngayon ni Buboy Villar sa mga shows ng GMA Network. Wala rin siyang regular na serye ngayon. 


Mukhang nakaapekto sa career ni Buboy ang paglitaw o pag-expose ng dati niyang karelasyon na si Angilyn Gorens. Inakusahan nito si Buboy ng hindi pagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak na nasa pangangalaga ng magulang ni Angilyn.


Naungkat din ang dating pananakit ni Buboy kay Angilyn noong sila ay nagsasama pa. 

Ang pag-amin at paglalantad ni Buboy Villar sa bago niyang karelasyon ang dahilan kung bakit nabulabog si Angilyn. Hindi raw kasi tumutupad si Buboy sa kanyang pangako na sustento sa kanilang mga anak.


Well, multi-talented artist si Buboy Villar. Sayang naman kung matetengga ang kanyang career dahil lang sa personal nilang problema ng dating karelasyon. Puwede naman silang mag-usap at magkaroon ng mutual agreement para na rin sa kanilang mga anak. 

Huwag sayangin ni Buboy Villar ang break na ibinigay sa kanya ng GMA Network.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page