top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 29, 20255



Photo: Barbie Forteza - IG


Almost one year nang loveless ang Kapuso actor na si David Licauco. September last year pa sila nag-break ng kanyang non-showbiz GF. 


Aminado si David na mahirap sa tulad niyang artista ang may karelasyong hindi taga-showbiz. Hindi maiiwasan ang selos kapag nakikita siyang sweet sa kanyang kapareha tulad ni Barbie Forteza.


Hangga’t kaya raw niya ay sinikap naman ni David na isalba ang relasyon nila ng huling GF. Pero dumating nga sa punto na kailangan nilang maghiwalay dahil hindi na nila kinaya. Nauuwi lang ang lahat sa madalas na pag-aaway, kaya tinapos na nila ang kanilang relasyon. 


Kaya ngayon ay sa kanyang career at mga negosyo ibinubuhos ni David ang kanyang panahon. Hindi rin daw siya nagmamadaling magkaroon ng bagong GF. Hindi ito ang kanyang priority sa ngayon.


Bentahe naman para kay David Licauco na naging kaibigan at ka-love team niya si Barbie Forteza dahil masayahin ito at jologs. 


At kahit brokenhearted din si Barbie dahil sa breakup nila ni Jak Roberto, hindi ito nagpapatalo sa problema at laging positibo ang pananaw sa buhay.


Aktor, level-up, kaya nang mag-solo…

KATHRYN, ‘DI NA KAWALAN KAY DANIEL


MAY dapat na ipagpasalamat si Daniel Padilla sa project niyang Incognito. Sumiglang muli ang kanyang career at hindi na hinanap ng mga viewers ang kanyang dating ka-love team na si Kathryn Bernardo. 


May bagong image na ngayon si Daniel at kaya na niyang mag-solo at gumanap ng serious role. Panahon na para tumanggap siya ng mature at challenging role, huwag na siyang mag-stick sa rom-com (romantic comedy) formula. 


Well, puwede nang ipareha si Daniel sa ibang leading ladies. Huwag nang dumepende sa love team system, at mas lalawak ang oportunidad para mag-level-up ang kanyang pagiging aktor.



ISA kami sa mga labis na nabigla at nalungkot sa pagkamatay ni Mommy Caring, ang butihing ina ng OPM singer na si Ice Seguerra. 


Champion sa pakikisama at napakabait ni Mommy Caring. Napaka-supportive niya sa career ni Ice mula noong child star pa ito. Siya ang ‘wind beneath my wings’ ni Ice at sinuportahan ang lahat ng pangarap ng anak. 


Super proud si Mommy Caring kapag nakikitang isa-isa nang natutupad ni Ice ang kanyang mga gustong marating bilang singer. At noong nasa awkward age si Ice, lahat ng record producers ay nilalapitan niya para irekomenda ang anak. 


Ramdam ni Mommy Caring na may malaking magaganap sa singing career ng anak, at hindi nga siya nagkamali dahil big hit ang kantang Pagdating ng Panahon (PNP) na nagbalik ng sigla sa career ni Ice. 


Hindi matatawaran ang pagmamahal ni Mommy Caring, kaya isang malaking kawalan kay Ice Seguerra ang pagpanaw ng ina. 


Nagpapaabot kami ng pakikiramay kay Ice, kay Liza Diño at sa younger brother ni Ice na si Juan Miguel. 


Rest in peace, Mommy Caring.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 28, 20255



Photo: Alden RIchards - IG


Malaking karangalan para kay Alden Richards ang muling pagtanggap ng Box Office King award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) Awards. 


Back-to-back ang pagwawaging ito ng aktor dahil sa magkasunod na taon ng Box Office Award (52nd) at (53rd) ay si Alden ang itinanghal na Box Office King.


Mahirap pantayan ang record sa takilya ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again (HLA), na kumita ng almost P1 billion mark sa takilya. 


Nagsisilbing malaking challenge ito para kay Alden dahil tiyak na aabangan ng lahat ang susunod niyang movie project. Mataas ang magiging expectation sa kanya ng mga moviegoers. 


Ganunpaman, ayaw niyang magpa-pressure. Basta ibibigay niya ang kaya niya sa mga susunod niyang pelikula.


Ang Box Office Award ay gaganapin ngayon sa RCBC Tower, Makati.



Na-link noon kay Paulo…

JEWEL, NO REGRETS NA INIWAN ANG SHOWBIZ





Balik-‘Pinas ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische at mukhang plano rin niyang balikan ang kanyang acting career. 


Kasal si Jewel sa American guy na si Alex Kurzer noong 2015. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae. 


Ka-batch ni Jewel sa StarStruck 4 sina Kris Bernal, Chariz Solomon, Aljur Abrenica, atbp..


Si Paulo Avelino ang naging malapit noon kay Jewel Mische, na siyang naging tagapagtanggol niya. Pero hindi sila nagkaroon ng seryosong relasyon.

Umuwi ng ‘Pinas si Jewel upang asikasuhin ang isang negosyo sa Davao. May kinalaman ito sa gold business. 


Nang mag-guest si Jewel sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niyang wala siyang regrets nang iwan niya ang showbiz at magpakasal sa isang US citizen.


Naging masaya naman daw siya bilang full-time wife and mom.

Sa kanyang pagbabalik-‘Pinas, excited si Jewel at gusto niyang magkita-kita sila ng mga dating ka-batch niya sa StarStruck 4. Pare-pareho na rin kasi silang may mga pamilya ngayon.



NAMI-MISS ng dating That’s Entertainment (TE) member na si Fredmoore delos Santos ang pag-arte. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakagawa ng pelikula at wala naman siyang exposure ngayon sa telebisyon. 


Huling pelikula na ginawa ni Fredmoore ay ang Lihim ng Golden Buddha (LNGB), Angel Molave (AM), at Dirty Affair (DA).


Wish ni Fredmoore ay mabigyan siyang muli ng project sa telebisyon man o pelikula. 

May Best Child Actor trophy siya mula sa FAMAS.


Well, kung buhay pa sana ngayon si Kuya Germs, tiyak na matutulungan niya si Fredmoore delos Santos sa kanyang career. 


May asawa’t anak na siya ngayon kaya gusto niyang magkaroon ng regular na pagkakakitaan upang itaguyod ang kanyang pamilya.


At sana, matulungan din siya ni Coco Martin at maisama sa Batang Quiapo (BQ). Marami nang artista ang natulungan ni Coco upang magkaroon ng trabaho at kumita, lalung-lalo na ang mga walang regular show.


Pati nga si Boss Toyo, hinahanap ng aktor dahil may gusto rin siyang ibenta rito.



IKINATUTUWA ng mga fans ni Andrea Torres na may project siya ngayon sa GMA Network, ang Akusada


Matagal ding nabakante ang aktres at hindi napapanood sa telebisyon, at marami ang nanghihinayang dahil magaling naman siyang umarte at pang-leading lady ang kanyang status. 


Nagmarka ang role ni Andrea sa seryeng pinagtambalan nila noon ni Derek Ramsay, ang Better Woman (BW). Pero, nang mag-break na sila ay medyo lumamlam ang kanyang career. 


Matagal na nanahimik ang aktres at nag-lie low sa kanyang showbiz career. Pero hindi pinabayaan ng GMA Network si Andrea, may inihandang serye para sa kanya.


Inaasahang makakabawi na siya sa kanyang career dahil visible na siya ulit sa telebisyon. Magbabalik ang dati niyang karisma bilang artist. 


Ayon kay Andrea, may lucky charm siya kaya hindi tuluyang nawawala sa mainstream ng showbiz. Suwerte raw sa kanya ang kapatid na si Kenneth na may down syndrome at mild autism. 


Sa tuwing magbi-birthday daw si Kenneth ay may blessings o suwerte na dumarating kay Andrea. 


Sa ngayon, ang love life ni Andrea Torres ang gustong malaman ng publiko. May special someone na ba siya? May inspirasyon ba siya ngayon?


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 27, 20255



Photo: Jak at Barbie - IG


Dahil successful sa kanyang mga negosyo si David Licauco, madalas ay tungkol sa negosyo ang topic nila ng kanyang ka-love team na si Barbie Forteza kapag nasa taping o shooting sila. 


Nagse-share ng tips at advice sa pagnenegosyo si David kay Barbie. At noong kabe-break lang ng aktres kay Jak Roberto, para madaling maka-move on ay pinayuhan ni David si Barbie na “Magpayaman ka muna” sa halip na humanap ng bagong mamahalin. 


Kaya naman, aliw na aliw si Barbie kay David. Maganda ang working relationship ng BarDa (Barbie at David). Ayaw nilang magkunwari para lang mapasaya ang mga BarDa fans. 


Pagdating sa trabaho ay very professional sina Barbie at David, nagkakatulungan sila para i-push ang kanilang career. 


Pero ang BarDa fans ay may nararamdamang spark at excitement kapag magkasama sina Barbie at David Licauco. Hindi na lang daw para sa kanilang career dahil may ‘something special’ nang nabubuo sa tambalan nila, at nakikita ito sa kanilang mga body language. 


At kahit pinaghiwalay muna ng GMA-7 ang BarDa, marami pa rin ang kinikilig na mga fans at nakikiusap sa Kapuso Network na pagtambaling muli sa isang serye sina Barbie Forteza at David Licauco.


Nakahanap ng katapat kay Vincent… BEA, AYAW SA LALAKING SUNUD-SUNURAN LANG SA KANYA


Very intimidating ang personalidad ni Bea Alonzo. Bukod kasi sa sikat na artista ay bilyonarya na ito sa dami ng kanyang investments, negosyo at mga properties na naipundar. 


Hindi basta-basta manliligaw sa kanya ang lalaking middle-class lang at walang kabuhayan na maipagmamalaki. Kailangan na mapantayan o mahigitan ang kanyang yaman ng lalaking kanyang pakakasalan. 


Well, hindi rin uubra kay Bea ang basta pogi lang ang lalaki. Kung gusto niyang mapalapit sa businesswoman-aktres, kailangang smart at malawak ang kaalaman niya sa maraming bagay.


Sa interview ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sinabi ng aktres na ang hanap niyang katangian sa lalaking mamahalin ay ‘yung kaya siyang paamuin at kontrolin. Isang lalaking malakas ang personalidad at hindi sunud-sunuran lang sa kanya. 


At mukhang ang billionaire businessman na si Vincent Co na ang nagtataglay ng mga katangian na pasado sa standard ni Bea. Hindi magiging issue sa kanila ang naipundar nilang kayamanan. 


May sariling negosyo at yaman si Bea, hindi siya maaakusahan na kayamanan lang ng pamilya ni Vincent Co ang habol niya. 


At dahil boss ng malaking kumpanya, hindi magiging sunud-sunuran kay Bea si Vincent. Perfect match kung magkakatuluyan sila.


‘Di pa man annulled… RICHARD, MAY BARBIE NA, SARAH, MAY MARTY DIN


KASALUKUYANG nasa proseso ng annulment ang kasal nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, kaya hindi na ginagawan ng isyu kung karelasyon ngayon ni Sarah si Councilor Marty Romualdez ng Tacloban, Leyte na anak ni Speaker Martin Romualdez. 


Kahit may 2 nang anak ay naaalagaan ni Sarah ang kanyang figure at ang ganda-ganda pa rin niya. Mukha pa ring dalaga si Sarah at sosyal na sosyal ang kanyang aura. 


For sure, hindi hahadlang si Richard kung magkaroon ng karelasyon ngayon ang kanyang estranged wife. Besides, may Barbie Imperial naman siya ngayon. 


Deserve nilang pareho ang lumigaya at magkaroon ng inspirasyon at puwede naman silang maging magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page