top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 3, 20255



Photo File: Barbie Forteza at Jak Roberto - IG


Maraming JakBie (Jak Roberto at Barbie Forteza) fans ang kinilig sa eksenang nagkita at nagkausap si Jak Roberto at ang ex-GF na si Barbie Forteza sa ginanap na red carpet ng Beyond 75 anniversary event ng GMA Network. Hindi sila nag-iwasan at hindi nagdedmahan. 


Masaya rin ang maraming Kapuso stars na makita ang muling pagtatagpo ng JakBie, kaya naman kahit papaano ay nakasilip ng konting pag-asa ang kanilang mga tagahanga. Wish ng mga JakBie fans ay magkaroon ng second chance ang relasyong Barbie at Jak. At mukhang nag-e-effort naman ang aktor na magkaayos na sila ng aktres.


Naghihintay lang siya ng tamang panahon at hinahayaan muna niyang makapag-isip si Barbie ng tamang desisyon at maging malaya.


Well, pareho muna sila ni Barbie na magpo-focus sa kani-kanilang career. Marami pang pangarap si Jak na gustong matupad at ang tanging nagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanya ngayon ay natapos na ang ipinagawa niyang dream house at nabili na nila ang kanyang dream car. 


Ang susunod na niyang pag-iipunan ay para sa kanyang investment at negosyo para paghandaan ang kanyang future.



MORENONG AKTOR, LAOS NA PERO FEELING-SIKAT ‘PAG KASAMA ANG GF NA AKTRES IN PUBLIC




BLIND ITEM: 


MARAMI na ang nakakapansin sa pagiging OA ng guwapong morenong aktor kapag kasama niya sa mga events ang GF niyang actress. Masyadong clingy at nakabantay o nakabakod si morenong aktor sa kanyang GF kaya turned-off at dismayado sa kanya ang mga fans, maging ang mga reporters at vloggers. 


Kaya sinasabihan tuloy siyang ‘user’ o manggagamit at gusto lang daw mapansin muli dahil lang sa relasyon nila ng GF na young actress. 


Sobrang excited si morenong actor kapag magkasama sila sa mga showbiz events, feeling bagets siya kung kumilos at umasta. Kaya sa halip na hangaan ay nilalait siya ng media at mga vloggers. 


Hindi na gaanong sikat at pinagkakaguluhan ang morenong aktor kaya panay ang dikit sa nobyang young actress, kaya naman nilalayuan o iniiwasan na siya ngayon ng mga vloggers at entertainment press. 


Todo-iwas kasi siya na ma-interview kapag nasa mga showbiz events. Mas matindi pa siya sa mga mas sikat at malalaking actor na hindi namimili ng mga fans.



ANG galing-galing ni Kyline Alcantara sa kanyang mga eksena sa seryeng Beauty Empire (BE) kung saan kasama niya sina Ruffa Gutierrez at Barbie Forteza. May pagka-kontrabida ang role ni Kyline bilang si Shai de Jesus na CEO ng isang cosmetic company. 


Mahigpit silang magkaribal ni Barbie sa posisyon, nilalait niya si Noreen Alonzo (Barbie). 

For sure, manggigigil sa galit ang mga fans ni Barbie at iba-bash si Kyline dahil sa kanyang role sa BE. Kaya pakiusap ng mga fans ni Kyline sa GMA Network ay huwag naman laging kontrabida ang ibigay na role sa kanilang idolo. Baka raw ma-typecast si Kyline at kainisan ng mga viewers. Dati rin namang nagbida si Kyline sa ilang serye ng GMA-7. 


Ganunpaman, gusto ni Kyline na maging isang versatile actress kaya tinatanggap niya kahit na kontrabida role. Nagmamarka sa mga viewers ang role na mataray at nang-aapi. Ang mahalaga naman off-camera ay hindi nega at kontrabida si Kyline. Naging magkaibigan nga sila ni Barbie at maging sa lahat ng mga co-stars ay maganda ang kanyang naging pakikisama.




 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 2, 20255



Photo: Kathryn Bernardo - IG


Nagtatanong ang mga fans kung bakit hindi sinipot ni Kathryn Bernardo ang Guillermo Mendoza Memorial Award na ginanap sa Makati Plaza nu’ng Sabado. 


Pareho silang awardees ni Alden Richards bilang Box Office Stars. Si Alden, kahit may sakit at matindi ang sipon ay nagawang dumalo at tanggapin ang kanyang trophy bilang Box Office King. 


Last year ay siya rin ang Box Office King sa 52nd Guillermo Mendoza Memorial Award. Tandem sila ni Kathryn sa Hello, Love, Again (HLA), kaya natural na hanapin ang aktres ng kanyang mga fans.


Ayon naman sa ilang fans ni Kath ay may previous commitment ang actress kaya hindi nakadalo sa awards night. 


May ilang netizens naman ang nagsabi na sadyang iniwasan daw ni Kathryn na magkita sila ni Alden. Ayaw daw niya na patuloy na paasahin ang mga KathDen (Kathryn at Alden) fans. 


Marami rin ang nagsasabi na totoo ang relasyon ni Kathryn Bernardo sa isang young politician, at wala na siyang balak na balikan pa si Daniel Padilla.



MARAMING fans at vloggers ang humanga sa Kapuso actor na si Ruru Madrid nang dumalo ito sa Guillermo Mendoza Memorial Award. 


Si Ruru ang itinanghal na Best Supporting Actor of the Year dahil sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang Green Bones (GB). Sila ni Dennis Trillo ang lumutang nang husto sa GB


Puno ng pasasalamat ang aktor sa kanyang acceptance speech. Lahat ng kanyang naging mentors sa showbiz ay kanyang binanggit at pinasalamatan, especially ang GMA Network na nagtiwala sa kanya.


Pagbaba ng stage at bago umalis ay pinagkaguluhan ng mga fans at vloggers si Ruru. At lahat ng bumati at gustong magpa-picture ay kanyang nilibang at pinaunlakan. Wala siyang hawi boys na nakabakod, kaya tuwang-tuwa ang mga vloggers dahil pati mga interviews ay pinagbigyan ni Ruru. 


Sana raw, lahat ng artista ay tulad niya – mabait, humble at accommodating. Hindi siya binago ng panahon.


Kapalit ni Priscilla, idinidispley na… JOHN, MAY BITBIT NA PRETTY GIRL SA AWARDS NIGHT


SPOTTED si John Estrada na may kasamang magandang girl sa Guillermo Mendoza Memorial Award. 


Nabigyan ng parangal ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ) bilang Popular TV Program-Primetime Drama at si John na isa sa cast ng BQ ay tinanghal ding TV Supporting Actor of the Year. Kaya bukod kay Coco Martin ay pinagsalita rin ang ibang cast ng serye. 


Sabay na umalis si John at ang magandang girlash na kasama niya, kaya marami ang nagsasabing ito na ang kapalit ni Priscilla Meirelles sa puso ng aktor.


Well, pinutol na ni Priscilla ang relasyon nila ni John bilang mag-asawa, at wala na siyang balak na balikan pa ang mister. Ang co-parenting na lang sa kanilang anak ang inaayos nila. 


Buhay-binata na naman ngayon si John, at si Priscilla naman ay haharapin ang kanyang showbiz career. Pumirma na siya ng contract sa Viva Artists Agency. 


Tinanggap na niya ang naging kapalaran ng relasyon nila ni John Estrada. Kakayanin niyang mag-survive on her own.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 1, 20255



Photo: Gabbi Garcia - IG


Classy at smart ang personalidad ng Sparkle artist na si Gabbi Garcia, kaya ang akala ng marami ay suplada ito at maarte. 


Para raw siyang si Heart Evangelista na mahirap lapitan ng mga fans.

Ganunpaman, nang mag-guest si Gabbi sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niya na totoong maarte siya sa maraming bagay. Nasanay kasi siya na well-provided ng kanyang parents ang lahat ng kanyang magustuhan.


Flight attendant ang kanyang mommy kaya kayang ibigay ang mga material things na gusto niya. 


Pero paglilinaw ni Gabbi, maarte man siya, hindi naman siya nag-iinarte lalo na kapag nasa set ng taping. Seryoso siya sa kanyang ginagawa at napupuri ng kanyang direktor at mga co-stars si Gabbi.


Kahit anak-mayaman ay mabait, humble at marunong makisama sa lahat ang aktres. 

Bukod sa acting ay hinahasa rin ngayon si Gabbi Garcia sa pagho-host ng mga shows.



NAKIKITA sa aura ngayon ni Jennylyn Mercado na masaya siya sa kanyang married life sa piling ni Dennis Trillo. Naresolba na nila ang kanilang mga differences at tanggap nila ang kahinaan at pagkukulang ng isa’t isa.


Sa unang chapter ng kanilang love story ay inamin ni Jen na madalas silang mag-away noon ni Dennis kaya sila naghiwalay at nakalaya sa kanilang commitment.


Pero sa ilang taon na sila ay nagkahiwalay, doon na-realize ni Dennis na si Jennylyn ang kanyang one true love. Kaya muli niya itong sinuyo at binalikan, kasabay ng pagma-mature at ang positibong pananaw sa kanilang relasyon.


Maraming fans ang natuwa nang magpakasal sina Jen at Dennis. Sila ang talagang itinakda para sa isa’t isa. 


At tamang-tama ang kanilang pagsasama sa action-seryeng Sanggang Dikit FR (SDFR) dahil bukod sa action scenes ay may comedy pa.

Puwede rin pala sa bakbakan si Jennylyn Mercado kahit na kilala siyang dramatic actress.


Samantala, maraming netizens ang nagtatanong, nagselos o nag-away ba sila ni Dennis dahil sa third party? May naging kahati ba siya sa pag-ibig ng mister?


Well, say ni Jen, hindi naging issue sa kanila ni Dennis ang third party. Pinatunayan ng aktor na wala siyang ibang minahal nang binalikan niya si Jennylyn upang pakasalan. Naging mabuti siyang mister.



SA katatapos na Guillermo Mendoza Memorial Box Office Awards, itinanghal na Best Actress in Daytime Drama ang Kapuso actress na si Jillian Ward. 

Ginampanan niya ang role ni Dra. Analyn Tayag sa seryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP)


Dalawang taon din itong pinanood ng mga viewers at consistent na mataas ang ratings.


Maganda at markado rin ang role ni Jillian nang pumatok siya sa seryeng Mga Batang Riles (MBR). At ngayong nagtapos na sa ere ang serye, inaabangan ng mga fans ni Jillian ang susunod niyang project sa GMA-7. Sana raw, ang maging follow-up project ni Jillian ay challenging tulad ng AKNP.


Well, willing naman si Jillian na subukan ang iba’t ibang klase ng role. Gusto niyang patunayan na karapat-dapat siya sa acting award na ibinigay sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Awards.


Sa edad niyang 20, handa na si Jillian Ward sa mas mature at seryosong role, kahit na ang tingin sa kanya ng lahat ay bagets pa rin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page