top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 19, 2025



Photo File: Alden Richards - IG


Gustong makatrabaho ng aktor na si Alden Richards ang mga idolong Hollywood actors. Kaya naman ipinangako niya sa sarili nang ma-meet niya ang kanyang mga paboritong sina Tom Cruise, Keanu Reeves at Robert Downey, Jr. na balang-araw ay makakatrabaho rin niya ang mga ito.


Una niyang nakita nang personal at nakausap si Tom sa premiere ng Mission Impossible (MI) sa Seoul, Korea. Halos hindi makapaniwala si Alden nang makaharap niya nang personal ang Hollywood actor dahil dream come true ito para sa kanya.


Sobrang saya at excited siya nang malapitan ito. 


Looking forward din siya na makita in person sina Keanu at Robert. 


Para kay Alden, walang imposible kapag humiling ka, kailangan lang na i-manifest ang bagay na gusto mo. Alam niyang darating ‘yun sa tamang panahon. At hindi siya tumitigil sa kanyang pangarap na makita sa personal sina Keanu Reeves at Robert Downey, Jr..



HINDI man si Shuvee Etrata ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab, siya naman ang pinaka-in demand ngayon sa mga endorsements at TV guestings. Ang lakas ng impact niya sa mga viewers. May kakaiba siyang karisma sa tao kaya naman super busy siya ngayon at patuloy na sinusuwerte sa kanyang showbiz career.


Nagpapasalamat naman si Shuvee sa kanyang mga fans na sumuporta sa kanya. Ngayon ay unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang ipagpatayo ng bahay ang kanyang mga magulang. 


Samantala, marami ang nagsasabing sina Shuvee at Mika Salamanca ang magiging mahigpit na magkalaban sa mga projects at endorsements.


Marami rin ang humahanga sa pagiging humble at kindhearted ni Mika. Asset niya ang pagiging sweet and friendly sa lahat. 


Well, magkaiba man ang personalidad nina Shuvee Etrata at Mika Salamanca, pareho naman nilang taglay ang karisma ng artistang karapat-dapat na maging idolo. Kailangan lang maging professional sila sa trabaho at matutong makisama sa lahat.


Suportado ni Dina…

OYO, PINIGILAN NI VIC NA MAGTAYO NG SARILING PRODUCTION COMPANY


GUSTONG magtayo ng sariling movie production ni Oyo Sotto. May naipon naman sila ni Kristine Hermosa, kaya gusto niya itong gamitin para mag-invest. 


Gusto niyang sumosyo sa movie outfit ng kanyang amang si Vic Sotto na nagtayo ng M-Zet Productions.


Pero pinigilan si Oyo ni Bossing Vic na gamitin ang naipon nilang pera. Wala raw kasiguruhan ang pag-i-invest sa movie/TV production. 

Pero nang hikayatin si Dina Bonnevie na mag-produce ng isang online show, isinama niya bilang mga co-producers sina Danica at Oyo Sotto. Si Oyo na rin ang kinuhang direktor ng House of D (HOD).


Umere na ang first episode at maganda naman ang feedback ng mga nakapanood. 

Nakapag-advanced taping na ng pitong episodes kung saan tinalakay nila ang iba’t ibang topics na tiyak na magugustuhan ng mga viewers. Isa nga rito ay tungkol sa pagpapalaki at pagdisiplina ng mga anak.


Natawa si Dina sa kuwento ni Danica na kapag pinapagalitan niya ang kanyang mga anak, nakikita raw nila ang kanyang sarili na reflection ng kanyang mom na si Dina Bonnevie. Gayang-gaya raw niya ang kanyang mom.



TUMAGAL ang pagsasama nina Janna Dominguez at Mickey Ablan at ngayon ay lima na ang kanilang anak. Hindi na lumalabas sa pelikula si Janna at naging full-time mom and wife. Pero regular siyang napapanood sa sitcom na Pepito Manaloto (PM), kung saan gumaganap siya bilang si Maria, isa sa mga kasambahay ng Manaloto Family (Manilyn Reynes at Michael V.).


Fifteen years nang umeere sa GMA-7 ang comedy-drama serye kaya may regular na kinikita si Janna bukod sa exposure niya sa telebisyon. At okey lang daw kung ang role niya sa PM ay kasambahay, hindi niya ito ikinahihiya.


Maging ang comedienne na si Mosang (Baby) ay kasambahay din ang role pero masaya sila na naging bahagi ng sitcom. 


Pamilya ang turing nila sa buong cast. Wala ring pressure sa set kapag taping dahil kapag walang eksena na kukunan ay puwedeng matulog muna. ‘Yun ang gustung-gusto ni Mosang. Hahaha!


At nagpapasalamat sila ni Janna kay Michael V. dahil super cool itong direktor. Binibigyan sila ng magandang exposure sa PM.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 18, 2025



Photo File: Heart Evangelista - IG


Handang-handa na ang mga Kapuso stars para sa gaganaping GMA Gala sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay sa darating na August 2. Magpapatalbugan na naman sa pagrampa ang mga Kapuso artists at tiyak na aabangan kung sinu-sino ang mga

Kapuso stars na magmamarka at aagaw ng pansin sa kanilang suot na outfits.


Isa sa mga excited sa GMA Gala ay si Kylie Padilla, kaya pinaghahandaan niya ito nang husto. 


Tiyak na aabangan din sa red carpet ang pagrampa nina Marian Rivera, Bea Alonzo, Jennylyn Mercado, Sanya Lopez, Rhian Ramos, Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Max Collins, Glaiza de Castro, Mikee Quintos, Andrea Torres, Jillian Ward, atbp..


Si Heart Evangelista, na kilalang fashionista ay may gown na 5 months bago natapos gawin. Kaya curious ang marami kung gaano kaganda ang gown na irarampa niya sa GMA Gala red carpet.


Well, sinu-sino kaya ang Top 10 Best Dressed Kapuso stars na pipiliin sa GMA Gala? Sino ang aagaw ng pansin? At sinu-sino ang ookraying worst dressed?



NAKABUTI kay Barbie Forteza ang pagtanggap niya sa Beauty Empire (BE) kung saan kasama niya sina Gloria Diaz, Ruffa Gutierrez, at Kyline Alcantara.


Nagkaroon siya ng mas mature na personalidad, hindi tulad ng dati na ‘teenybopper’ o bata ang kanyang hitsura sa telebisyon.


Nagawa ng kanyang stylist na magmukhang fashionista si Barbie, base sa kanyang role sa BE bilang si Noreen Nolasco. Bumagay sa personalidad ng aktres ang style ng mga damit na ipinasuot sa kanya at nagmarka rin sa mga viewers ang kanyang palaban na character.


Sey ng mga netizens, sana ma-maintain ni Barbie ang kanyang mas mature na style sa pananamit. Although gusto ng mga fans ang kanyang cute na teenybopper look, kailangan ni Barbie na mag-grow as an artist. Mas lalawak pa ang kanyang mga roles na gagampanan sa telebisyon at pelikula.


Samantala, hindi pa nga napapanahon na gumanap si Barbie Forteza bilang isang young mom o asawa. Hindi pa handa ang kanyang mga fans sa biglaang pagbabago.



MARAMING fans ng aktor na si Ruru Madrid ang natuwa sa balitang ang susunod na project na gagawin niya sa GMA ay ang bagong version ng Hari ng Tondo (HNT). Tiyak na action-packed na naman ito tulad ng Lolong. Muling mapapasabak si Ruru sa mga umaatikabong bakbakan, at kailangang paghandaan niya ito physically and emotionally.


Naunang nabalita na gagawin ni Ruru ang Bitayin si… Baby Ama! (BSBA). Dito sumikat nang husto noon ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Maganda rin itong project at babagay kay Ruru. 


Well, wish ng mga fans ay matuloy ito.


Sa pagiging action star ngayon lumilinya si Ruru Madrid. Habang nagtatagal ay lalo siyang gumagaling umarte dahil kinakarir na niya ang pagiging aktor. 


At ang maganda pa kay Ruru ay hindi lumaki ang kanyang ulo kahit sikat na siya ngayon. Nanatili siyang humble at malapit sa kanyang mga fans. Wala siyang hawi boys na bumabakod kapag dumadalo siya sa mga showbiz events.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 15, 2025



Photo File: Dina at Oyo - IG


Naaliw kami sa napanood naming interview ni Dina Bonnevie kung saan ibinuking niya na pinagkakitaan siya noon ng anak na si Oyo. 


Naging cover girl noon ang aktres sa FHM magazine. Super sexy ang kanyang pose sa cover kaya marami sa mga classmates ni Oyo ang sobrang napa-wow. 


Ang ginawa ni Oyo ay nagpapirma ng maraming FHM sa kanyang mom upang ibenta sa kanyang mga kaklase, kaya sinita ni Dina si Oyo. 


Sey naman ni Vic Sotto, dapat daw na maging proud si Oyo sa kanyang mom dahil na-maintain nito ang kanyang sexy figure kahit may mga anak na. 


Speaking of Dina, siya pala ang first crush ni Dingdong Dantes noong nag-uumpisa pa lang mag-artista ang aktor. Sobra siyang na-excite nang magkasama sila ni Dina sa isang episode ng Magpakailanman.


Well, puwede naman sigurong maulit ‘yun at magkatrabaho silang muli ni Ms. D.



NAGBABALAK palang magpatayo ng bagong bahay si Alden Richards. Ang kinuha niyang interior designer ang nag-post sa social media tungkol dito, pero walang binanggit kung saang lugar ipapatayo ang bagong bahay niya. 


May dati na siyang nabiling bahay noon sa Nuvali, Laguna. Mala-mansion sa laki ang unang bahay na naipundar ng aktor. 


Maaaring nalalayuan na si Alden sa Nuvali, lalo na kung sa Kyusi ang karamihan sa kanyang mga appointments. 


For sure, de primera klase ang lahat ng gamit na ilalagay ni Alden kapag naitayo na ang bago niyang bahay. 


Mahigitan kaya niya ang ganda at laki ng bahay ni Kathryn Bernardo?



MARAMI ang humanga kay Donny Pangilinan nang mag-donate ng P1M sa dating grade school na kanyang pinasukan — ang The Learning Tree. Dito rin pumasok noon ang kanyang mga cousins na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, at anak nina Gary V. at Angeli Pangilinan. 


Malaki ang pasasalamat ni Donny sa kanyang alma mater dahil maraming magagandang values ang naituro sa kanya. Mababait din ang mga dati niyang guro sa

The Learning Tree na inabot pa niya nang bumisita siya para ibigay ang kanyang donasyon na P1M. 


Malaki ang tiwala ni Donny na ang kanyang donasyon ay magagamit sa mga makabuluhang projects ng paaralan 


Well, ilan pa kayang artista ang tulad ni Donny na bukas-palad upang mag-share ng kanyang blessings at marunong tumanaw ng utang na loob sa mga dating guro?


Humirit ng dagdag-suweldo…

JAY, PAHINGA MUNA SA PAGPAPA-SEXY


PAHINGA raw muna ang aktor na si Jay Manalo sa paggawa ng Vivamax movies, pero tatanggap pa rin siya ng mga projects sa ibang movie outfits basta challenging ang role. 


Nakagawa na ng ilang sexy movies si Jay Manalo, kaya naging tatak na niya ang pagiging sexy and daring actor.


Ganunpaman, dahil professional naman siya sa kanyang trabaho, humihingi siya ng karampatang talent fee (TF) na katumbas ng effort na ibinibigay niya. Sana raw ay maintindihan ito ng mga movie producers na kumukuha sa kanyang serbisyo. 


Sa panahon ngayon na mahal ang cost of living, kailangan din ng mga artista ang maka-survive. Kailangan na kumita sila upang maitawid nang maayos ang buhay ng kanilang pamilya, at ‘yun ang gustong ipaglaban ni Jay Manalo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page